hay, pagkatapos na kapetiks na trabaho noong biyernes.. tapos ng 18 tawag na natanggap ko.. nagpahinga muna ko sandali sa opisina kasi hinihintay ko un kaibigan ko na dadaan daw sa eastwood.. pero pagkatapos ng isang oras, di siya sumipot, ang rason, un, nakatulog.. hehe magaling na trabaho.. hehe pero ok lang, sinabihan ko na sa susunod na lang.. or pwede naman siya dumaan sa bahay para kunin un report.. pero, napakasarap humiga sa pahingahan na kwarto sa Dell.. hehe kahit puro comforter lang ang mayroon dun.. pinagtyagaan ko na lang.. pero sarap talaga, sayang di ako nakatulog dun, pero sa susunod, subukan ko nga.. hehe pagkatapos ko maghintay eh dumeretcho na ko kina Ron Marc, natuloy naman ako, kahit wala si Nick.. sabi Nick kasi, may parang bibili ng kanyang gintong computer chasis, kaya di siya natuloy pumunta kay Ron Marc.. nakarating naman ako kay Ron Marc, pero ang unang nakita ko si Rick.. un kapatid niya na mas bata, ng isang taon lang ata.. or dalawa.. un, siyempre, kamustahan muna at kwentuhan ng tungkol sa pera ha.. hehe para naman mayroon ako nun.. pero tungkol sa negosyo at computer naman.. tapos ng mahabang usapan, natuloy na kami sa paglaro ng magic.. siyempre importante un kasi makikita ko na kung ok un nabuo kong deck.. at habang naglalaro kami, ayun, kain sa kanila at laro at kain ulit.. nagulat ako na malaman ko na anniversary pala ng parents nila at birthday na ni Rachel, un bunsong kapatid nila na babae.. hehe so buenas ko pala, sorry Nick, di ka nakakain ng fondue.. hehe diabetes ata ako kahapon.. sa pagkatapos ng laro, un, kakapagod din ha... nabugbog ako masyado na dahil hindi sa talo, kundi sa gising na ko ng matagal at siyempre Magic un, so panay isip ng diskarte.. medyo nakukuha ko na ang diskarte ng mga deck ko at kahit medyo talo, pero may potential talaga, kasi natatalo sila eh at hirap ha.. kailangan lang talaga makumpleto un mga deck ko.. hehe
pagkatapos ng hapunan eh umalis na ko kina Ron Marc, bale nakilaro din si Ron Marc.. so iyon.. ok naman paguwi ko, hilata agad sa kama ko at nakatulog na agad.. sobrang pagod ako ng araw na yun, halos 24 oras akong gising.. hehe eto na ang linggo, gising at nagsimba naman agad ako.. si Mommy pala nakauwi na din galing sa subic.. sinamahan niya si Mommy P, un balae niya.. hehe sabi ko nga, bakit di siya naguwi ng chocolate.. hehe pagkatapos noon.. iyon, inayos ko na un letter na pinagawa niya sa kin noong biyernes.. kaunting ayos lang naman.. kaya pala mababa ako sa business writing.. hehe pero di naman lahat mali noh, un umpisa ng letter lang saka un huli, pero un importante, tama ako.. bakit peste ang title ng blog ko? eh akalain mo naman sermunan pa ko ni Mommy.. ganda na sana ng araw ko, bigla naman ako nabuwisit.. hehe pero ano naman magagawa ko, alam naman niya problema ko, at may punto naman siya.. eh na bad trip naman ako kasi ayoko masyado isipin un mga problema ko kasi parang nawawalan ako gana sa buhay.. pero ayun, tumugil si Mommy.. pagpasensya na lang sana niya ako.. alam ko naman na marami na ko ginawang mali, gusto ko lang itama un lahat ngayong taon.. pero di ko pinagsisihan yan, kasi natuto naman ako at masaya naman ako sa mga nangyari kahit un ibang parte eh, medyo masakit pa rin.. ganun ang buhay.. ipaubaya ko na lang sa taas siguro.. Diyos ko.. sayo na alang sana lahat ng problema ko.. hahaha hay.. sige, tapusin ko na un pinapagawa ni Mommy at makapunta na kina Iggie, happy birthday bro!!! sana, malampasan mo lahat at maraming kainan pa pahanda mo.. hehe mapapainom ako nito.. kami pala nina Rheg at Ian.. oo nga pala, talo UST, kahit naglaro pa si Cruz at Ababou, kaso pilay naman kasi sila.. sana makabawi sila sa susunod na game.. dapat lang.. ngayon naman, ang tantsa ko, sibak ang La Salle.. hehe sorry Rheg.. ang UP? sana makakuha naman sila ng panalo ngayong season.. hahaha ang pag ibig.. wala na siguro.. pero sana, bumalik ulit.. kasi masarap talaga magmahal ng tapat at walang pagaalinganan.. lalim naman na tagalog un.. sige.. tama na to.. bukas na lang ulit!?
No comments:
Post a Comment