Yes, it's already Tuesday but Kuya moved since yesterday. hehe Since, itong Suki Market eh medyo scammer ang dating, Kuya decided to move sa Victory Mall in Caloocan. Iba na din ang setting niya, wholesaler/dealer na talaga. Sa dami ba namin inayos at sa buong araw na pagaayos, grabe, di ko akalain na sobrang dami ng ibebenta at well, iba na ang set up. Leaving retail set up I mean.
We started around 9am and thinking what things we need. Gamit na kailangan para masetup talaga, at mantakin mo, roll up screen na, unlike sa Suki na kulambo lang or wooden door. Hehe Kahit sa Welcome, a big net. hehe Big net pala, hindi kulambo.
Iba setup sa Victory Mall, as in, yun mga cellphone retail shops, malayo sa min, well ang pinakamalapit is yun nagrerelo pero repair lang siya.
Victory Mall, actually, I haven't seen it. Nakuwento lang yan ng friend ko nakatira sa Caloocan before. Not now of course. Pero nung nakita ko siya, hmmmm medyo luma but renovation naman at least. Actually, maayos naman siya, nagulat nga ko, may CDR King tapos, mang inasal. Ayos!! hehe
Niyaya nga ko magkapwesto dun, kaso saka na lang, yun isa nga, kapagod na, dalawa pa. hehe Kaya pero alam mo naman ako, medyo naninigurado lang ako, siguro kung dati pa sa welcome, kaso siyempre, may mga time that I need to be there. Pero I know may time na, kaya na iwan, not all the time, but at least, get some rest.
So, of course, edi unahin muna yun screen tapos yun mga hook. Good thing, may libre glass cabinets. hehe Well, the hard part, yun mga housing. Mantakin mo, lahat ng nokia housing, mapa old school, hanggang ngayon, kailangan may stock ka. Edi mahirap. hehe Aayusin yun by model and take note, 5 colors. For short, parang bundok ng housing ang dating nun nilabas ko lahat from the box. Hay... hehe Edi siyempre, sobrang tagal yun, kala namin tapos na.
May isang supot pa ng pure black housing at cartoon characters. Good thing, kaunti lang siya. hehehe And almost no rest, but I get like fulfilled, helping out Kuya Alpro is fine with me. Parang nga nahihiya pa nga ako kasi may mga bagay pa ko kailangan ayusin, di ko lang nasusunod from him. Well, good thing even mishaps sa pagkakabit ng rebit, or whatever screw is that na bumagsak yun screen ilan times eh naayos naman ni Kuya Allan sa huli. Actually, natapos lang kami nun 10pm, lahat ng tao wala na. Scary!! May phobia ata ako kasi nung bata ako, pag nagsasara yun National Bookstore sa Quezon Ave, eh may mga manikin pa, takot talaga ko, like my Dad used to say, namumutla. hehehe Seriously.
Anyway, nung nakita ko yun shop na almost ayos na (kasi dami pa kulang saka aayusin but ok na), eh nakakatuwa lang na kaya ni Kuya Alpro and may potential ha, may nagtatanong na ng mga gamit kahit di pa kami ayos. hehe I believe, eto, click tong pwesto to, at pagnangyari yun, kawawa si Suki. hehe Mawawalan ng tenant.
Malayo na narating ni Kuya Alpro.. Kaya marami talagang ako natutunan sa kanya. I wish him for the very best and for his family.
As for me, ika nga ni Rheg, nagtatanim ng kamote sa Farmville!!! Yihaa!!! Redneck..
Well, as for tomorrow, let's go up, way up....
No comments:
Post a Comment