Noong nakita ko sa Yahoo live updates na bumagasak na si Cotto sa Round 4, alam ko na panalo na naman si Pacman. Ayos!! Record na. hehe
Siyempre, medyo bangag at wasak pa nung Sabado, gumising pa rin ako ng maaga para mag simba at para na din makauwi na maaga at magabang sa laban ni Pacman.
Pagbukas ng shop, uwi agad ako sa bahay at ayun nagbabakasakali sa net kung may magpirate ng libre ng laban ni Pacman, kaso wala. Mayroon pero may letcheng dollars fee. Wow. Option 2 is to check live updates na lang sa yahoo kaso matagal. Alas dose na nga, wala pa nangyayari. Good things a yahoo.ph may live blog site for the fight, doon na lang ako nakichismax.
Siyempre pa, nandiyan pa yun mga nanood ng sine, like si Al. Mabuti talaga marami akong load. hehe
So, yun nga, matagal bago nagsimula ang laban, nakakain na ko na bangus steak eh di pa nagsisimula yun. Pano ba naman, yun laban bago kay Pacman, itinodo ng 12 rounds. Bad trip. hehe
Pagkatapos ng bagot na laban na yun, eh ayun na. Tapos yun live blog nagstart na din. So eto kami ni Mommy nagaabang...
Tapos biglang may nagsisigawan sa mga kanto, mukhang naka KO ng matindi si Pacman ha. hehe
Ayun, totoo nga, bagsak si Cotto Round 3 pa lang. Naisip ko, si Cotto babagsak ng round 3? Agad? Wow!!!!
Siyempre, tuwang tuwa kami ni Mommy, ako naman text agad kay Kuya Alpro kasi humihingi ng updates. Text naman siyempre yun iba sa kin. Kulang na lang gawin news room itong kwarto. hehe
Round 4 nagsimula na at ayun, may nagsigawan na naman sa kanto, at si Cotto bagsak ulit. Ayos talaga si Manny!!!
Tapos naisip ko, sa tingin ko mukhang mas malala to kaysa sa nangyari sa kanya kay Margarito. Kawawa naman. Rounds 5 tapos hanggang 11 same script na, pero umiiwas na yun Cotto mga Round 8 na. Sabi ko, nakalagay sa script na lamog na mukha niya, dapat mga Round 9 tigil na yun fight. Pero, iniisip ni Cotto siguro, baka magbakasakali siya. Yun ang akala niya. hehe
Round 12, di na tinapos yun fight, TKO na daw. Hay, mabuti naman.
Pitong belt na nahawakan ni Pacman sa pitong dibisyon, grabe, akalain mo yun payatin na malakas sumuntok dati, biglang ganun. Talagang siya na ang pinakamagaling na boksingero di lang dito sa Pinas, pati sa henerasyon na to. Dapat lang, dahil kay Pacman, may nanood ng boksing ha.
Sa ngayon..
Sa ngayon, ayun bukas ata dating ni Pacman at tuloy ang celebrasyon.. hehe
Si Cotto, nung nakita ko ang replay, talagang di niya kinaya yun bilis ni Pacman, nahilo kung baga. Pero grabe din siya, medyo nasaktan niya si Pacman pero di grabe kasi di na siya nakadepensa sa tindi ng opensa ni Pacman. At nung natapos yun laban, nakita ko na mas grabe talaga yun nangyari sa kanya, mas grabe kaysa kay Margarito. Sabi nila, di daw, pero sa akin, di ko nakilala si Cotto pala yun. Tsk Tsk.
Siyempre, para kay Pacman, ang dapat makalaban niya ay si Mayweather. Etong hayop na to, kakabasa ko lang sa The Ring magazine story online, ayaw daw ni Pacman kalaban siya kasi di daw sinabi ni Pacman na I want to fight Mayweather. Ang iniisip niya, kaya daw di masabi ni Pacman yun kasi di daw siya kaya. Anak ng tokwa, ang yabang talaga. Pero pag hatian na, dun naman siya magwawala, grabe naman. Ang totoo naman si Mayweather ayaw kay Pacman. Bakit pa niya pinili si Marquez eh di hamak na mas magaling naman si Pacman dun? Tune up fight? Naks.. Eh madaya naman siya nun laban na yun, overweight.
Basta, para maganda next year, dapat yun ang laban agad. Yun hatian, sabi nga nun isang writer, 45/45 split tapos yun 10% sa mananalo para tapos na. hehe Ang tanong kung mangyayari yun.
Ang isa pang pwede makalaban ni Pacman eh yun mananalo sa Mosley - Berto fight. Yun Berto mukhang malakas, si Mosley, kahit gurang na may laban pa din. Pwede din si Pacman dun. Kung gusto pa niya.
Pagkatapos nun, sa tingin ko, pwede na magretiro si Pacman.
Pero sa pulitika, wag na siya magattempt ulit. Naman, philantropist o philantropo na lang siya, mas mabuti pa o gumawa ng first day last day films. Pero mukhang ngayon di na first day last day ha, may Krista Ranillo eh. Hehe Wapakman pala ha. Iba talaga si Manny, hanggang sa chicks, may TKO punch pa din. Grabe. Kawawa naman si Jinky..
Mabuti na lang at nakita ko habang buhay pa ko na may ganun tayo ipagmamalaki sa boksing. Isang panadero na naging isa sa mga pinakamagaling na boksingero sa kasaysaysan. Kaya yun pagiging Pilipino, napagmalaki natin kasi sa kanya. Pagnakikita mo siya lumaban, para sa bayan talaga. Sana ganun din yun mga politiko natin, di kagaya yun iba diyan na porque supporter eh nasa stage pa. Naman, kaya natatalo sa eleksyon eh. Lalo ngayon, boksingero siya talaga, nabubogbog. hehehe
Well, si Pacquiao pa din, pinamagaling, pound for pound. Bilis at lakas, yun ang kailangan sa Boksing.
Akalain mo, sa sugal magaling ang pinoy. Isa na diyan yun bilyar. Partida na yan ha. Dapat siguro sa poker din, may magaling na dapat ang pinoy. hehe Oh kahit sa sabong na lang.
You know, now you know..
No comments:
Post a Comment