Everytime I stare to my non-pro driver's license, I thought of I am kinda lucky. hehe Kahit medyo mali yun name nasa licensya ko (kasi naman kulang ng II yun nasa pangalan ko). Peste talaga ang government agencies. Whew.
Anyway, paano ko nakuha ang lisensya ko. First, parang mga after college ata yun, kumuha ako ng student's permit, dito sa LTO malapit sa min. Around espa�a lang. Then after some 3-6 months, dahil na din sa kulit ni Dad na magdrive na daw ako (kahit sa lumang Nissan Sentra na hanggang ngayon umaandar at diesel pa ha) at kahit wala naman ako kotse, naisip ko, ID na din to, so napilitan ako. With the help of Mom kasi kay Tita Nonette, na may kakilala sa LTO, ayun pumunta ako East Ave. Iba talaga pag may kakilala system. hehe Just like in the customs days.
Anyhow, I got up so early, tapos nakarating naman ako LTO, pero grabe, kahit 7am na ko nandun, sang katerba naman ang tao, daig pa ang sinehan. O kaya OTB. Grabe ang daming tao. All walks of life, mahirap, mayaman with the fixers and kakilalas and of course, me, some lost dude.hehe
So, as usual, walang sistem when you apply that freaking license and guess what, mahal kumuha ng license, that time kasi nagsimula yun computerization and tons of test. Drug test, medical test, well, sorts of cash cows.
Of course, kukuha ka ng driver's test. hehe Lintek yan, take note may lecture pala. Kaso namiss ko yun lecture, kumuha naman ako ng exam.
Kaso, ayun, kangkungan, lagpak, halatang di nagdridrive. hehe Ehem, kaunti pakausap lang, eh sige sa next exam na ko.
The next exam is kinda surprising. I can't believe that I will drive, forward and reverse an old stainless jeep, yun parang sa pulis. hehe Oh crap. What a crappy day. Pagkatapos mo pabalik balik, pumila at maghintay under the freaking hot sun, sa huli, yun lang pala gagawin mo.
Yabang noh? Kala mo naman, marunong magdrive. hehe Siyempre kinakabahan ako kasi naman di pa ako marunong, kaso mga 4pm na at magsasara na yun examiner's desk, siyempre ang dami pa nakapila, ayun, isang tanong lang pala ang kailangan mo sagutin. "Boy, marunong ka ba magmaneho?" Sagot ko siyempre, "Opo,opo sir!!!" Ayun, can't you believe it, ID na lang. hehe Kaso ayun, sarado na ang picture taking. Alam mo naman sa government, before 5pm sarado na. Next day na lang. hehe
I was able to come back next day, pila ng sandali, tapos ayos!! I have a non-pro license!!!! Without driving a car.
I tried driving one, kaso wala naman ako madrive. I drove the mercedez na bulok, ayun bumibigay ang clutch at preno nagstuck pa. Wow. hehe
Ewan ko, maybe when I win sa Lotto, I'll buy a car right away, just to use my right to drive. Di lang pang pass ng requirements no. Bwahaha
One of my adventures in doing errands, especially in gov't offices. What made this memorable? The waiting, remember, that time di pa uso mp3 so parang ewan lang ako sa isang sulok. hehe The stupid process, may mga signs naman kaso, mali. Lalabas ka pa for the test. Naman. Paano tayo aasenso niyan. And why LTO only assigns East Ave for the application of driver's license, eh pwede naman sa lahat ng branch nila kung ganun lang pala ang sistema. They can do that at the farmer's plaza branch. hehe At least air con pa.
I'm glad, I don't need to go back there again!!!!
No comments:
Post a Comment