Thursday, April 29, 2010

suntok sa puso

Pagsakay ko sa jeep pauwi, medyo nararamdaman ko pa yun hapdi sa pisngi ko.. Pero pag naiisip ko yun nangyari sa kin nung linggo, lalo ako napapagod..

Nanghihina..

Nawawala..

Ewan ko, dahil na din sa marami ko ginawa nung isang linggo at natapos pa ng ganun, sino naman ang di mabad trip.. Ayos. hehe Pinipilit ko na lang kalimutan o ngitian ang nangyari. Kaso mukhang mahihirapan ako makaderetcho na o tawag na move on.. hehe Peste ni hindi nga ako makangiti..

Nung sumakay ako sa jeep.. Tulala ako, kumbaga parang nasan ba ko? Ano na nangyari? Parang sobrang nafreeze na lang ako na teka bad trip naman.. Gusto ko kumain, kaso nawalan naman ako ng gana.. Gusto uminom or gumimik kagaya kahapon kaso, tinatamad na ko..

Parang lahat ng masamang vibe eh pumasok sa kin sa mga oras na yun.. Ang bigat sa puso. Di ko na alam ang gagawin ko.. Kung pwede lang mag lacuna yun mga nangyari, burado na. hehe

Siyempre, sa puso naman di naman din mawawala yun.. Lalo na kung masakit.

Di ko na ikwento dito kung ano nangyari.. Pero salamat sa brothers na may resbak agad... hehe Salamat sa mga magandang tanawin araw araw.. Mabuti dayshift. Sa mga ibang friends ko nandiyan, salamat at kahit papano tanggal ang bad trip.. Ah yes, for her, salamat sa biglang imbita at masaya na ko.. Kahit papano di lang bad trip ang natanggal kundi yun basta.. Masaya ako nakita kita. Kahit malayo na ko galing pauwi. hehe

Muntikan ko na kalimutan, ang aking mga musika.. Salamat at gising ako lagi kahit iba iniisip. hehe

Salamat talaga, lalo na sa Kanya.. Matatag pa din ako.. Kahit ganito, sige lang.. Basta patulong na lang..

Alam ko, may masama din ako nasabi pero gusto ko siya tulungan..

Yun nga lang.. Ok lang naman na ayaw niya, kaso kung saktan naman ako.. Wag na lang ok..

Pero sabagay, kailangan ng pasensya..

Di na lang ako susuko na gumaling siya o bumuti yun kalagayan niya..

Sana, maintindihan niya na kailangan niya ng tulong..

Tama nga naman sa Biblia nabasa ko, kahit gusto mo tumulong minsan ayaw nila, babatuhin ka nila tapos pagbibintangan ka pa. Kawawa naman..

Kawawa naman ako. hehe

Ang hinahangad ko na lang.. mawala lahat ng masama sa loob ko sa linggo to at tapos na ang bad trip..

Ok lang na nasaktan yun pisngi ko at ulo, gagaling din yan..

Kaso yun puso ko, medyo matagal maghilom.. Parang kasing bagal ko..

Pero pag ayos na, wala na sa kin yun.. Bagong simula!

Magpatawad na lang sa isa't isa..

Whew, hirap magtagalog. hehe

No comments: