Friday, October 15, 2010

Counsel Reunion 2!?

"Wala na bang iba makikkita." =)


Then so it was.. Part 2 came..

After a long day on Wednesday, starting my new learning, well, umuwi muna ako sandali. Grabe, sobrang napagod ako, paano ba naman, sabaw na utak ko sa training. hehe At siyempre, install ko pa yun program na yun dito sa computer ko.

Then after fixing or checking some things and got a simple rest, well, nagtext ang counselor sabi ako na lang hinihintay. Wala pa ko 30 mins nakakapahinga, alis na naman ako. Bad trip! hehe

Pero, ayun, tumuloy na ko.. I thought of not wearing glasses kasi sobrang nasasawa na ko sa kakasuot ng salamin. Bad trip ako that day. hehe Unfortunately, when I'm walking, geez I thought I'm blind. I think of having a eye check up for next year, parang lalo ata tumaas ang grado ko.

Grabe talaga, kala ko sobrang fog or wala na ko makita from a far, even yun dadaan ko, di ko na makita. Bad trip.. Again.. Pero tuloy pa din ang paglakad.

Well, dumaan muna ako sa shop, at check yun shop at kung nandun si Kuya Allan. Nakita ko siya when I'm going kina Bobcy. hehe

Bobcy's home is actually just minutes away sa shop. Actucally, malapit lang siya sa zagu. hehe But I was kinda reminiscing kasi sa HS, tambayan yun talaga. Bahay ata ng buong LSQC eh. Kasi naman, pag team mate mo siya, sigurado, ang gawain ng project, sa kanila. Pwede pa matulog! hehe

Kala naman gawaan talaga ng project yun. hehe

Let's go back, so nakapasok naman ako, at bago lahat. After 10 years, even na malapit lang ako ha, ngayon lang ulit ako nakapunta sa kanila. hehe New paint saka ayos ng bahay.

Eh, pagdating, ayun sila Bobcy, Igz at Mark Manahan pa lang nandun. Sabi ko na ba eh, wala pa si Counselor. Ayun highblood. hahaha

Siyempre, kwentuhan kami nila Mark, and Bobcy of course kasi nun Sunday sandali lang naman siya. Mark, thanks sa tip for the odds at san pupunta. hehe Pero ayos naman sila kasama. Kakatawa nga eh.. Lalo na pag kwentong HS na. hehe

Actuallly, ang tagal nun ibang dumating, nauna si Father, then Bry, Francis, sila Mark Bautista, Sonny, tapos, nahuli si Rheg. Good job! hehe Mabuti at nakarecover naman siya from Highblood..

Masarap ang handa namin, pesto from Igz tapos dagdag ng manok. Then porkchop, ice cream from Father tapos at eto na, nagdagdag pa ng yellow cab. At record ito, parang one minute to win it eh, naubos in 1 minute. hehe Sabagay, marami naman kami. Thanks Adrian, for the treat!!! You indeed took your talent here at Manila. hehe

Well, tama nga si Francis, sana yun iba nakarating naman. Kami kami lang din nagkita pero mabuti naman may naiba na pumunta. Salamat mga pre!!

Pero sana marami at ayun, libre for reunion. Kasi naman, bihira na tayo magkikita eh, once in lang to, alam ko marami pa pero, sayang eh.. Mas masaya siguro kung medyo marami tayo IV-Counsel!

Ah yun pinagusapan, dun na lang sa bahay ni Bobcy. hehe Siyempre parehas din nun Sunday pero mas nadagdagan pa. hehe

Well, naisip nga namin nila Igz na medyo may time allotted na for reunion and besides, yun iba nandito pa naman saka willing to spend time naman. Yun iba kasi abroad na.. Oi, paguwi niyo, wanted na kayo ha!!! hehe

It was fun and great company, I don't care that after 4 hours later, punta na ko training ulit. Wasak na wasak. =)

Grabe, yun 23 na bote ng tanduay ice pala, wala na.. Malamang yun ibang isa lang iinumin, naging dalawa. hahaha

It was a long tiring day..

It was a long fun filled night..

Good luck to Counsel!!

Pax et Bonum!

No comments: