Di ko napanood yun Semi-finals nila hanggang finals due to the change of sked and well, busy sa work din. But noong normal pa sked ko, at maaga ang uwi, ayun na, may time pa ko mapanood ang D-League.
Like I said before, as long it's basketball, I will watch it, even it's PBL, or NCAA or well, as long it's televised and it involves college stars, pwede na pagtiyagaan. hehe
Sad to say, before it was introduced, amateur basketball was in dire straits. Liga Pilipinas is not well, working consistently, and besides, walang tv coverage unlike it's first outing. Then, PBL had the worst beating. It tried to get at least 6 teams to commit for a conference but unfortunately, kinulang at nun introduce etong D-League ng PBA, dun na sumama ang lahat and a surprisingly, 13 teams joined the league. More than 4 from the PBA itself. Wow. hehe
Then I waited and it happened.. First games, were quite sloppy because of the players na din, not because they are lazy or di nagpractice, it's because of the season na din. Natapat sa summer, kaya ayun like the college players, parang araw araw sila naglalaro kasi sa summer leagues. O masama pa, baka one day, twice sila naglalaro!!! Di kaya nahilo sila nun. hehe
Mahirap yun ha, lalo na sa D-League, yun kalaban mo, biglang kakampi mo pa or vice versa.. Nakakalito. hehe Pero ayun, as the game and conference progresses nagiging masaya na panoorin. PBA rules yet they only play 10 minutes per quarter.
Kahit yun ibang laro tambakan, ok lang, at least nakikita mo kung nakakaadjust sila sa PBA rules. And may games na sobrang dikit, na talo na, nanalo pa bigla! hehe And my favorite, almost fight marred games!!!! hehe Grabe, may isang team which I'll tell later na dapat investigate, well naging maayos naman sila nun playoffs. Pero yun elims ha, every game, may gulo sa side nila. hehe
Pero the main thing or goal ng league na to is the development of players, even homegrown or mixed, at least nafeel na nila kung talagang ok ba sila sa PBA.. Kasi may iba na yes, ok sa amateur leagues pero sa PBA, ayun cheerleader. hehe
Para maexperience nila at matest kung ok ba talaga sila. Or may ibubuga kung baga.
Great hosts and reporters.. Saka yun coaches ha, never heard pero pwede.. Lalo na yun Richard Del Rosario. Kakatawa lalo na paginterview for his winning team. Binabara lagi ng hosts. hehe
Anyway, may mga players na iba na level. I mean pwede na sa PBA, number one example. Paul Lee, which well, magaling at talagang ewan ko kung may babantay sa kanya sa PBA. Kaso he needs to control his temper which cost a surprising upset from Pharex. Speaking of Pharex, mister kabab pala tambayan nila, namely Taylor and Asoro ha. Basta may mga nakakatawa kami banat nila Rheg sa dalawa. hehe Anyway, sayang yun Cobra team na yun, well.. Lee needs to improve his attitude na lang sa game. And change his monicker please.. Cobra commander?
Abueva, ayun, attitude din pero nagchampion naman sila.. Besides that, sobrang galing, pwede na din, parang Espinas siya na kulang lang sa jump shot. Pero yun gulang at depensa, pwede na. Yun nga lang, wag lang sa gulo. hehe
Coach Richard's team, the PC wizards has a very potent backcourt. Naisip niya siguro sana ganun din sa CSB. hehe Lastimosa and Mangahas. Grabe, siguro kung malaki lang si Mangahas, the better one than the other Mangahas in Pharex.. Magaling na PG yun. Si Lastimosa, mana kay tito nga. Pati ang gupit eh. hehe Pero grabe, may future yun dalawa, yun nga lang, wala sila pantapat sa Cebuana Gems.
Which, in question and indeed the team who fired up the league. Every, yes, every elims game they played. Yes, there are rugged teams medyo magulang, like FCA or Pacific pipes, pero di naman umaabot sa gulo. Etong Cebuana, grabe, every game, may away. hahaha Like sa Maynilad, alam ko mainit si Coach Frankie pero nacontrol naman at complain lang, pero yun sobrang galit, sa Cebuana game ko lang siya nakita ganun!!! Thrown out! hehe
Ang matindi sa Max Sumo team, which composes of my Alma Matter and some good veterans, na composed lang si Coach Pido biglang one moment, naninipa na!!! hehe Grabe, ayun dalawang coach pati si Luigi, thrown out! hehe
But oh wel, besides medyo sa away sila, magaling ang team niya lalo na si Maliksi. Bad trip sana kung ganun nilalaro niya sa UST, siguro champion kami. hehe
Saka yun Alas may future and yun holdovers sayang talaga. Bet ko manalo sila, kaso, ayun tinalo sila nila ng NLEX. Sila Menor, Abueva and Salamat team.. Then may fil-am pa silang effective, nahirapan sila. Good thing, walang away naman. hehe
I'm looking forward sa next season nila, for the other teams na di naman pinalad sana sali pa din sila. I believe this league will do better than other Amateur Leagues kasi maganda yun concept, simple.. And for the fil-ams which they need to play 2 conferences before joining the draft is good for them para makita kung talagang pang PBA sila at kung sisikat sila.
May some not good features lang, like sana mahaba yun tourney.. Double round, first round same group, second round crossover, parang NBA ang dating. hehe
Saka age limit, dapat wag na age limit kasi sa daming di na naglalaro sa PBA at umaasa na lang sa ibang leagues, sana pwede pa sila, lalo na yun players na nacut lang because of cap or roster wise. Lalo na ngayon 9 na lang ang teams sa PBA, dapat yun age limit medyo taasan na lang, mas maganda. Besides ang dami teams sa D-League at mukhang dadami pa due to the requirements kasi, owners feel, affordable and good marketing strategy.
Yun lang, sana kahit di ko sila mapanood next conference, hmmm I'll get updates, and ok lang sa channel 13, malinaw naman at kahit ang commercial ay mga IBC crap shows, ok lang din. hehe
And yes, there is someone I like there, reporter. hahahaha Nah, wala si Lia Cruz eh, hmmmm guess who na lang.. Baka kamag anak to ni Ron kasi medyo hawig sa mata and mukha, anyway.. Interesting one.
Interesting league. =)
No comments:
Post a Comment