Saturday, January 28, 2012

Manila Kingpin:The Asiong Salonga Story

When I saw yun trailer nito sa TV lang, sabi ko, iba to sa ibang entries in MMFF. I read na din sa news sites, and pep.ph as well, it shows in black and white. Wow, edi panoorin na tin. hehe Although may mga balita na dati na sobrang gulo ang nangyari dito from almost not including this in the MMFF and yes, after reediting and reshooting some scenes which mukhang ginawa nga, eh Direk Tikoy wants to discredit him making the film. Geez.. Gulo talaga di ba?

Well, vindication comes sweeter when they swept, got most of the awards sa MMFF. I became more curious like always, edi panoorin ko na nga.. hehe Nah, this is not the first time nanood ako ng tagalog na magisa, last time was Zombadings, which well, sulit to the max sa katatawanan. Classic indeed. For this one, another classic kahit maraming edit at yes, dialogue din.

Ok, lagi naman una ang panget.. hehe Pero dun muna tayo sa simple gist. Of course, Asiong as shown was a successful gang leader, kingpin as the newspaper says. From natorture siya nun una, tapos lumaki ang grupo niya kasi sa tulong binibigay niya sa tao. Proteksyon kung baga. Pero siyempre yun ibang gang leader eh lalong nagalit, like yun kanyang nemesis na si Totoy Golem at yun iba, eh di nila matibag si Asiong. Siyempre, nakulong naman si Asiong, dalawang beses kasi sa gulo at mga kalokohan ginawa niya. Nakalaya naman siya kasi sa pabor na ginawa niya para sa Liberal party. Pero, talagang malas, natraydor siya ni Erning, after ng binyag, ayun todas si Asiong.

Pero yun grupo naman niya, nakaganti kina Totoy Golem na nanggulat sa libing ni Asiong, kasama yun kapatid niyang mabait na pulis ha. hehe Tapos ang story at yes, pinakita naman kung paano si Asiong bilang asawa, kapatid, kaibigan, at anak sa mga taong nakapaligid sa kanya. He died at the age of 28. Run of luck.

Un na! hehe Masasabi ko na iba to sa lahat ng action films na nagawa na dati. The usual plot of revenge then in the end, huhulihin ng pulis. O isang basag ulo na nakabangga ng malaki na tao tapos in the end, nakabawi siya.. Usual cycle of action films, different in presentation. Tuwing nakikita ko sa cinema one or even viva cinema, dati, laging ganun yun action flick, naiba lang yun artista and leading lady, or worse, nagpapalit lang ng contrabida. They even bring foreign actors with the same lame plot or flick. hehe Unlike FPJ pero most of his films, parang ganun din. The king talaga.

Anyway, for this flick ang panget eh first, since Asiong was just 28 years old, sana di na lang si ER yun leading man. No offense but well, CG won't really change yun mukha niya or built. It came to the surprise at the end, kasi kala ko mga 40 si Asiong at that time, eh di pala. Pero at least kamukha niya. hahaha Pero yun nga sana ibang actors, like Baron na pwede singkitan na lang siya di ba. Second, yes, although it's a great film, halatang may edit and may tinanggal.. Usual cuts medyo halata saka yun, tone down yun action scenes, especially the last part. I know kaya niya siguro ginawa yun eh para kasi sa SM, for R13 rating.. For many to watch the film, the audience kung baga. Feeling ko nga, like yun mga mura, kaunti lang, sa original cut, or director's cut, malamang napakaraming mura at siyempre, more bloody. hehe Saka malamang na din sa bawi ng budget ng film, mabuti nga showing pa siya ngayon sa SM. Malamang kaunti na lang yun loss niya dito. Damn, dapat papanoorin ko ulit sa Glorietta kasi di mute yun mga dialogue, kaso di na ko umabot. hahaha

Yun lang naman ang mga panget na side for the film.

Now, siyempre ang kinaganda ng film is yes, a different action pinoy flick. May usual elements like leading lady, contrabida pero yun iba elements, di na usual.. Like going for black and white. I mean, I haven't seen a present black and white action flick. Although dati mayrun malamang, pero yun straight bloody action flick, eto pa lang ata sa pinas film history. hehe Maganda yun gamit nun black and white sa film, together with the detailed setting ng tondo, from the cars, costumes at scenery. Although sa pagsanjan lang yun, kasi sabi na din ni mommy. hehe Galing..

Action scenes, way above than other pinoy action flicks, well.. Medyo style hard boiled ha. Hahaha Chow yun Fat si ER, ha.. Kala niyo di ko napansin yun.. Slow motion, lots of guns and blood as well. Maganda yun fight scenes, not the usual sapakan na lang.. Blood? Marami. hehe From first until the final action scene, geez, daming dugo, di halatang CG ha. At malamang dun napunta yun budget, CG and the slow motion effect. Siguro sa lumang baril na din. hehe Gusto ko yun action scene dun na nasa simbahan, yun barilan nila ni Joko tapos nag hard boiled na may kasamang higa at baril. Matrix na. hehe Galing nun.. May fave scene? Kahit kami ni Sherwin, my officemate said, yun paano napatay si Asiong, graphic na slow motion, grabe yun. Talagang pinakita yun tama nun baril hanggang baso. Yikes..

Lastly, hmmmmm a great action flick should have great acting and dialogue. Although sub par or kaunti lang yun scenes eh at least todo bigay. hehe Kahit di great acting, tamang acting lang. Like Valerie perhaps. hahaha Kaunti lang scene niya dun eh ok naman siya. Even yun ibang babae ni Asiong pwede na. Si Jay makulit yun character niya, lagi niya sinasabi ok lang yan, protektado ka sa kin. hehe Pero well deserve role, short role. Yun mga kalaban ni Asiong, talagang contra bida. From Ronnie, Joko, yun isa nakalimutan ko name, pero yun natodas sa kalesa.. hehe Roi na din galing, yun nga lang malas sa una, buenas naman sa huli, kasi di siya namatay. hehe At ang pinakamatindi, John Regala, akalain mo yun typical talaga na gang leader.. Tapos nanggulo pa sa huli, yun ang kontrabida, yun nga lang sabog ang ulo. hehe Pero tama, panalo nga siya.. Walang patawad.

Other cast went right din, kahit si Dante Rivero, ok dun. Yun usual na magulang na role, Robert at Perla, tapos yun gang ni Asiong, ok sila, Dennis, yun kamaganak ata ni ER yun isa, Yul, Ketchup makulit ang comedy saka yun ginawa niya sa huli ang kulit. hehe Ah, Ping din, at Amay ha.. Pero siyempre stand out si Baron, sa huli, aahas din pala siya, ayun malas din siya sa huli. hehe Pero magaling yun ginawa niya, lalo na yun nagtransform siya na traidor kay Asiong.

The important roles, first is yun kapatid ni Asiong na sobrang balance yun take niya as a pulis at yun siyempre kapatid ka ni Asiong, pero sa huli, mahal niya talaga si Asiong.. Nakabawi sila. Galing ni Ipe, kaso minsan nakakatawa din siya lalo pag nagraid siya ng mga criminal, laging natatakasan. hehe Carla well, I'm not into like her as an actress kasi maganda lang siya pero after watching this film, ok naman siya.. Maganda siya sa black and white ha at yun mga suot niya bumagay sa kanya. So, I hope it's more of her beautiful looks in her next films.

For ER, well, I mean, kahit the age is not really for the role, pero acting wise, iba yun binigay niya other those action flicks. Gusto ko yun part na loyal talaga siya sa liberal eh tinakot niya yun nagpunta na nacional na kandidato. hehe Saka yun nasa kulungan siya, maamong tupa siya ha. Even the torture scene, hirap siya dun.. The reason why he did not win against Dong? The part na masasabi ko nagkulang siya is, well, nabasa na letter na patay na nanay niya. Yun hagulgol niya na iyak, yun nagstand out but yun iyak mismo parang wala. Talagang nahirapan siya dun. Sayang.. Well, bumawi naman siya dun sa libingan pero kulang pa. Although di ko pa nakita yun kay Dingdong, eh yun siguro kaya natalo siya. Pero marami pa naman award giving bodies baka dun makabawi siya. hehe

Yes, Direk Tikoy done a marvelous job of the film, although na edit, pero kala ko puro period films lang siya, walang contemporary or other genre. Pero eto, ayos na, halatang nainspire sa action films not only sa US, but other art action flicks from other countries. Magtayo ka pa naman ng Cinemanila di ba. hehe Galing.. Sana magkaayos sila ni ER.. Please. =)

Well, this one is for keeps and I hope, all other outfits will follow suit sa ginawa niya. Although mahirap kasi malaking capital yun pero pag laging may ganito na action flick, malamang, in the end, kikita lahat, trending kung baga. Remember, CG and yun other effects dito malamang mahal, not including if its true, they need a thai dude to choreograph the fight scenes, pero that's the only way to make action pinoy films great, why not di ba?

I hope yun kay Cesar, maganda din, not because nandun si Sam. hehehe good luck. At least, we don't make films anymore who looks like a b movie rushed film. Please...

Please, kung may director's cut.. Ilabas na din.

"Iputok mo na Erning, wag mo ng patagalin pa." Bang!!!!!!!!! Patay si Asiong. =(

No comments: