Bawa't sandali ako'y napapakali,
mga bagay na kailangan ipagmadali.
Sa huli, ito'y pala ay pagkakamali,
dapat pala'y itong isana sangtabi..
Ipinagtatanto ko kung kailan ako makakabawi,
sa pagkakataon ako'y naging sawi.
Sa mga panahon na ako'y wagi kaso ilang sandali,
paano ko mararating ang pagwagi palagi!!
Alam ko nasa akin ang oras, gamit at kakayahan,
pero di ko magamit sa tamang paraan.
Salamat sa kanya, ako'y nagkaroon na malinaw na daan.
Mga bagong ideya para sa magandang kinabukasan.
Sa isip, salita at gawa, kailangan ipakita ang galing,
kulang ang likas na kakayahan at mag magaling.
Ang totoong tagumpay ay nasa gawa na di mo na kailangan gumawa pa,
ng mga aksyon na galing sa kabilang kapwa.
Isipin mo ito'y isang pahapyaw na memorya,
laging nasa aking ideolohika at panata.
Ako'y di susuko at mananatiling pupunta,
sulong sa isang maayos at magandang kabanata.
No comments:
Post a Comment