Friday, September 28, 2012

Beware eating at, Chowking!!

After seeing that pao sandwich worth 39 pesos.. I felt pity, sad and I hope sa iba ko na lang ginamit yun pera na yun. But it's too late na.. No turning back.. Kainin na lang!! Hehe

Well, pagkatapos nun eh parang months na din ako di na kumakain dun. Malamang kasi may nahanap na ko iba at halos natikman ko naman lahat sa menu nila except perhaps sa kangkong at yun naicha and yun lugaw ah sorry, congee pala.

Dito ang biggest problem nila is value for their food. Fox example, that sandwich, ok kung 39 pesos, not a bad price.. Pero yun lasa at dami, parang di sulit ha. Compare mo dun sa siomai house, kahit 25 lang isang order eh sulit naman, napapaorder pa ko isa pa. Or simply angel's burger, ang sarap magprito!! Kulang ang isang order dun. Kahit 50 pa nagastos ko, eh sulit naman. Here, kahit yun lauriat nila na marami nga variety, pagnasa harap mo na, nalungkot ka. Great evidence yun dati ko inorder, fish lauriat!! Mukhang marami sa display, pagdating sa harap mo, naku mas marami pa yun laman ng pancit kaysa sa mismong fish fillet!! Hehe nasunog ang 120 ata yun.. Bye bye. Hehe

Another thing yun service. Except dito sa welcome branch, eh halos lahat ng chowking ang bagal ng order. Lalo na sa jam pack na branch!! Grabe paano to fastfood eh may items na matagal iserve! Oh yun iba nakakalimutan. Naman oh. At yes matipid sila magbigay ng chili sauce. Hehe kaya talagang tested ang patience mo dito. Kaya dapat di ka sobrang gutom pag pumunta ka dito.

Last na turn off eh structure ng place nila. Pero mukhang naayos nila. But sa ibang branch ganun pa din. Counter eh nasa baba pero yun lutuan sa taas. Hehe kaya yun minsan ang tagal ng order. Saka yun space na set up nila, parang ang sikip lagi. Grabe parang di ka makagalaw paano pa pag puno yun branch? More chaotic.

Kaya yun, minsan pag nakita mo na sa malayo na mahaba pila at marami na tao, matagal yan at magulo.. Kahit yun Jollibee eh maraming tao, at least maraming counter, eh tong Chowking? Naku marami na pag dalawa. Hehe

Pero not all bad naman dito.. I like ko yun combo kings na noodles with siopao, sulit! Halo halo, kahit nagmahal, eh sulit naman lalo na sa lasa! Tapos lumpia lauriat at chicken supreme din, masarap kahit mahal. Lumpia sulit naman. Sayang naman, since sila lang ang chinese fastfood na sikat, eh dapat ayusin nila yun mga strategy nila lalo na sa service.

Eh parang wala na silang target for improving. Nakakahiya pa naman dahil may foreign branches na tapos ganito ang service? Baka wala pumunta dun. Ayos di ba? Kailangan lang nila magimprove.

Baka wala naman ata silang plano magimprove kasi yun kalaban naman ay nasa isang group of companies kaya mukhang di silang pressure. Hehe sayang naman ang advantage nila. Basta importante, more improvements at action plan dapat!

I hope sometime, there will be indeed the number 1 chinese fastfood chain.

For now, enough for that pao sandwich.. Por pabor..

Dame!!! Hapon pala to. Hehe

No comments: