Sunday, January 20, 2013

Kung Ako'y Isang..


(si Pacman)


Malamang di pa din ako makakatulog o kung makatulog man lang eh hanggang ngayon, di mawawala sa isip ko kung bakit ako natalo kay Marquez. Ayun na eh, basag na mukha niya nung 5th-6th round, kaso ayun nauna ako maKO. 

Siguro, ang gagawin ko una sa lahat, kahit ano sabihin nila, move on na ko. Well, magtrain ulit at gawin yun tamang conditioning na di nagawa sa last fight. Kung lalaban ako sa April, sabi nila eh for tune up fight.. Malamang yun di masyado malakas muna. At hindi si Guerrero yun. Pwede din si Brandon Rios kaso delikado ata lagay ko dun kasi baka di tumumba, gaya nung Alvarado fight. 

Siguro lalabanan ko, pwede agad si Bradley since ang huli niyang laban eh ako naman din kaya medyo lamang pa ko sa kondisyon. hehe Kung hindi, pwedeng, Khan na since iba na ang coach and trainer. Si Cotto ayaw naman kasi mahirap nga naman bumaba ng timbang. Marami pa pwedeng kalabanin wag lang muna Marquez or Mayweather. 

Pagtuloy sa April at nanalo ako, siguro magiisip na ko magretire, tama na yun nagawa ko, 8 titles in 8 different divisions, pwede na! hehe Pero siyempre, maganda kung may retirement fund. To have a retirement fund, I'll fight Marquez muna kasi malamang mas mataas na sa $20million na makukuha ko.. Pero siyempre para sa pinoy kaya dapat manalo na ko. hehe At ang huli, si Mayweather, kasi since natalo naman ako malamang papayag na siya lumaban sa kin. Kahit anong tests, condition, kahit sige, sa kanya ang PPV, basta $40-$50 million bayad, ok na! Although of course, medyo mahirap yun kasi susunod na talo ko, pero kung aabot sa ganun ang bayad, why not! hehe But I'll defeat him, I know I can. Naks! Naisip ko kahit yun na lang parte ko kasi pagnatalo siya, di matatakpan ng pera yun talo niya.. At pag natalo siya, or kahit ako, walang rematch, kumita na eh. Mahirap na para sa health ko. hehe Ok lang matalo ako, basta matuloy yun fight para sa lahat ng fans! Focus ako sa condition, physically at mentally. 

Pagdating sa faith, siguro paiisipan ko kung san ako masaya. Kung doon o dito.. Magulo pero sa tingin ko, hihingi ako ng advice, at siguro magdasal ako ng taimtim para malinawan ako. Siya ang aking sandalan. 

Di na ko gagawa ng films, or even TV shows, concerts or even game shows or kahit kumanta. Focus na lang sa boxing. Di na ko makikinig sa iba na di ko gusto at wala akong talent! hehe

Di na ko magcongressman, di kasi ako nakakafocus sa boxing.. Sabagay, tatakbo naman yun kapatid ko at si Jinkee kaya kung gusto nila yun, sila na lang. Magpapahinga na lang ako at isipin na lang kung ano mabuti para sa family at sa iba. Maginvest sa mga tamang business at wag masyado sa gastos, bawas at wala na din ang balato! hehe Aayusin ko na lang yun boxing promotion ko at tayo ako ng boxing gym, at discover ng bagong boxing talent.  

Gusto ko yun tahimik na buhay na after boxing or tumulong sa iba thru NGO or sariling foundation. At tuloy na tuloy healthy ang lahat. 

Hihintayin ko na lang na malagay ako sa Boxing Hall of Fame, karangalan di lang sa akin, kundi para sa buong Pilipinas! =)



Sana nga, ganito gawin ni Pacman. hehe

No comments: