(aspiring pulitiko)
Of course nasubukan ko na maging President. hehe Well, I haven't touch other positions sa government pero this time, try ko naman kung paano kaya, marami akong pera at sa sobrang dami, in my wildest crap imagination and feel of doing crappy public service and want to get rich more... hahahaha What will I do if I run for a position sa government, siyempre kailangan manalo sa eleksyon. At paano yun? Let's list down some ideas.
1. Big investment (pang sugal na pera) Siyempre pagtatakbo ka, ala naman hihingi ka pa sa mga so called donation from other people unless of course mayroon nga. Kaya ayun, kailangan bigtime ka at talagang may pangsunog ka ng pera. Parang sugal lang yan, pagpumusta ka at nanalo, edi jackpot, bawi na pag nakaupo ka na! hehe Or pag natalo aba eh yun lang, tuyo tuyo din pag may time. hehe Kaya di ko maintindihan yun iba, talo na noong last eleksyon, tumatakbo pa din ngayon.. Grabe ang cashflow nila. Eh kung ako pala ay anak o kamag anak ni ganito at may pera na, kahit walang experience basta may pangalan, aba tatakbo ako! hahaha Kahit makapal ang pez.
2. Right, effective and competent people. (at least yun magtratrabaho for 6 months for campaigning) I did not share before, na Mom used to run one time as kagawad, at ngayon ko lang naalala na napasama pala ako sa kampanya like giving flyers, kumakatok sa pinto, doing posters made from sako at iba pa. Kapagod at sama mo pa yun pakain sa min. hehe Well, it's mom kaya ok lang, pero kung ako tatakbo, siyempre yun iba sa family pwede. Tapos mga kaibigan mo din, at volunteers kuno pero babayaran mo naman. hehehehe Campaign manager na aayos sa panggugulo mo este pangangampanya mo pala. Tapos siya na din bahala for ads, tarpaulin, motorcade, even social media blast eh dapat planado niya. Kung kailangan ng artista, go! hahaha Basta sige mamaya sa baba about those stars crap. Basta pili na lang yun mga taong alam mo maasahan sa kampanya, kagaya kahapon, yun mga squater na naglalagay ng poster ha. Pwede na yun, at least madali lang kausap.
3. Right marketing este campaign strategy (yun strategy na talagang boboto ka ng tao) Siyempre di na pwede yun style dati na paliga, pa pageant ni ganito, donate sa ganyan or ayusin yun kalsada (which may nakakalusot pa din ngayon!) sa panahon ng eleksyon. You need to do the effective way, (yes not the moral, or even lawful way of campaigning). Example, pasko pa lang eh may mga ads ka na with a certain product na siyempre makilala ka na ng tao or kahit greetings. Or how about may malaking billboard ka na about a certain product na ikaw yun endorser. Oh ha, siyempre medyo makilala ka na, pero di pa sure shot yun. "Kay Alfredo, ikaw panalo!" May slogan na ko. hahaha You need to have a great catchy, kahit crappy sloggan just to catch the voters. Kaya yun mga artista malaki na chance eh, siyempre gaya sabi ni Mom but no offense because of our society, kahit no read no write at kilala yun tao, voter won't care sa platforms. They vote the dude. Simple as that. Like I said kanina, kung may malaking funds ka, get a star. Who looks familar, looks fresh, get a dance or band to play the jingle, have a catchy jingle, be viral, get an endorser kahit trapo o artista na talagang magaatract ng botante and please at least malinaw magsalita. Please lang... Kaya yun isang big star sa TV, wala ata kumukuha sa kanya kasi bulol magsalita, o well sabi niya di daw magpapagamit. Ows? hahaha Mabuti pa yun child star na kahit magisa siya sa show, eh malinaw at malakas ang boses. Oh, tsigurado este sigurado. hehe At pag miting de avance na dapat lahat ibigay na, wag na mahiya sa tao. Yun iba, aba eh napasama lang sa eleksyon kasi pinilit ni dad or mom, ayun pag kampanya, nahihiya, sino boboto dun? hehehehe
Pag motorcade, dapat pahabaan ng convoy, hindi pakalat kalat. Or at least pag araw di ba? Wala naman nagmotorcade na umuulan gaya nung nakita ko. Grabe todo prepare si Ate, kaso yun biglang tumakbo at ang convoy, paulan na. Sayang. hahaha Basta marami pa naman style diyan, med mission pwede ng isang org pero lagay mo care of ganito, oh edi may boto na. Or kung ikaw ay medyo di maganda sa personal, eh daanin na lang sa magandang poster, may photoshop naman eh. Kung di pa din swak, magpatawa ka na lang. Basta please wag ilalagay sa poster or tarp, "parang awa nyo na, iboto!" Tapos ang career mo. hehe
4. Plataporma, pangako, vision (basta yun mga magandang pakinggan na iboboto ka ng tao pero hindi naman gagawin.) Sad to say, kahit ngayon eh ganun naman ang pulitiko. Kaya mabuti pa yun mga religious leaders or some businessman, ginagawa ang kanilang sinasabi, yun pulitiko, salita lang. Geez.. Eh kung ako, malamang ganun. hehe Ganun eh, kailangan ng boto. Pero kung ako, sasabihin ko na lang yun kung ano yun di ko kaya at yung kayang gawin, at siyempre yun ikakatulong ng lahat. Eh for example, I'll do my best to make city hall office transactions orderly and convenient, which is plausible and possible. Madali lang yun, di gaya ng iba eh hanggang ngayon, going to city hall is such a chore. Worse than other govt offices. Geez. hehe O kaya peace and order, may police lagi, or mga tanod. Basta yun simple at yun possible at talagang makakatulong. Hindi yun magpapahirap gaya ng raise ng real estate tax? Come on.
5. Apply for the position na kaya mo (hindi, di naman masama mangarap, mataas agad!) Ah di ko na pahahabain pa, self explanatory na po to. Basta advice at kung ako lang, mababa muna tapos pasikat pagtagal, hindi yun congressman agad, or vice mayor, or mayor or worse, Senador agad. Minsan pag may time, stretch your dreams. hehe
6. Huli eh maging tapat sa tao pag nanalo (pag natalo wait for 3 years ulit unless pati barangay patusin mo na) Tama, God or others bestowed you to become a servant not for yourself but for other people who has dreams, or hope na mabuhay as citizen. Don't dash those hopes or dreams, just help to make them true. Help na well, not give all because of the resources you have eh limited, pero marami ways to serve all at siyempre maging maayos yun bayan. Kung ako lang, eh siyempre todo ang service, make laws that are relevant, or make people or yun hinahawakan mo office na maging tapat at maayos. Influence kung baga na tapat sa tao, mabilis na serbisyo.. Hindi yun lagay muna bago lakaran yun papeles mo. Paano tayo uunlad. Oh kaya, sige gawin mo lahat muna na tama tapos pag may side business ka, medyo malinis ha. Hindi yun sasabit ka. hehe Basta pagnakaupo ka na, kaunti hiya naman.
Yun lang, at sana pagdating ng panahon eh di ko gagawin to. hehe Pero kung maganda ang leadership ng govt natin at nakikita ko na and feel at least lahat eh working hard towards the progress of people, the country..
Why not? I'll now make my own posters. Not photoshoped. =)
No comments:
Post a Comment