Thursday, September 26, 2013

Kung Ako'y Isang..

(Disc Jockey)

Isang comment sa kin na natutuwa ako kahit papano sa boses ko eh pwede daw ako DJ or better voice actor. hahaha Every center napupuntahan ko, ganun ang comment sa kin. No training itong voice ko. hahaha Yabang!

Seriously, in the first place, in all God's gifts to me, why my voice is very low and bass type thing. Pinagkakamalan akong 40 pag nagsalita na ko. hehe Naalala ko, while I'm pursuing number 8, kala daw niya, this was first year college ha, tito daw niya. Wow.. Ganun na ko katanders! 

Lalo naman pag bumibili sa tindahan, eh pwede daw ako announcer or something.. Ayos. Wag lang talaga sa kantahan, talagang kahit ano pitch, strategy or what, I'm a failure in singing. Kaya hanggang music fan lang ako. hehe 

Siguro pag DJ ako, gusto ko yun medyo kinky na radio show, yun pang gabi. Not that papa Jack style. hehe I mean, yun style BNO or Brew rats but more intellectual, can be more sensual at some nights. hahaha Balance kung baga or one day puro kalokohan na lang.

Yun nga, siguro itong boses ko naging ganito kasi naman Joy Division ang number one band ko tapos ang lead singer nila, ganito ang boses, sobrang low and bass. Eh nung HS days, panay kinig ko ng substance CD, kaya yun.. Nagaya na.. At nung bata ako, sa sobrang kapapanood ng Anime, at Sentai shows, or even US cartoons, ginagawa ko yun dialogue o sigaw, naku lalo na sa laro sa arcade. Ginagawa ko yun special move na sigaw. hehe Lalo na pag magisa ko, yun lang ginagawa ko nung bata lalo pag walang laruan.. Di ko naman kaya babae na boses no. hehe

Well, pag DJ na, more on current events, opinions but let it be in a lighter way, wag naman yun very serious like in AM na kulang na lang eh magrebolusyon na! hahaha Or yun Tulfo style na kulang na lang sapakan na lang oh!! Yeah discuss everyday news, kahit sports pwede lalo na pag yun mga teams ko sa basketball ang pinaguusapan. 

Tapos kung may films, or pop culture or kahit chismax sige! Di ako mauubusan niyan. hehe 

At usually 5 days a week ang program ng DJ if you're kinda famous... Siguro one day na love topic or more than that. hahaha Then one day, nonsense stuff, jokes, green jokes, laglagan or asaran, yun lang. Maganda ito pag may guest! hehe Naisip ko nga, unlike other shows, gusto ko random guest. Yun ang guest ko di ko alam tapos ako yun magiinterview, spontaneous kung baga. Gulatan! hehe Trip lang but yeah that will be fun and challenging. Sana magamit ko kahit papano yun kaunting brit accent. hehe Kung maiintindihan nila ako. 

Siguro ang panget lang sa work na to despite all the events, partying, meeting people and a bit famous at your own right eh pay na lang. I believe they only get paid by the hour and yeah it won't increase unless may part time ka. Gaya nung iba ginagawa they host in other shows, events or be a tv personality or sorts, be part of a scandal or make some noise by spreading gossip, yun lang basta yun nagpapasikat ka pa din.

Kaya yun trainer ko dati, di rin tumagal despite medyo sikat siya ayun trainer siya sa call center. By the way, I owe this accent from him.hahahaha I'm sure he's in a better corporate place now.

Anyway, yeah, you'll meet a lot of beautiful people. Men and women.. Kala niyo ha! Pero siyempre, wag din kakalimutan..

Maghanap ng para sa'yo! hehe

This is theblackswordsmann, good luck, good night!

No comments: