Di pwede mawala sa skul life ang quizzes o test or exams or kung ano man tawag dun sa sasabihin sayo ng titser mo magaral ka kasi may test bukas. hehe Magpupuyat ka, mamemorize hanggang sa mabaliw ka, minsan di mo na alam sinasabi mo at ayun sa huli kung buenas pasado ko at kung malas, bagsak, lagpak!
Aminin ko naman kahit ako na alam ng iba palaaral or studious, kumukopya din!!! hahaha Di lang nahuhuli.
Pero mabuti naman 85% of the time tuwing kukuha ako ng exams sa skul pumapasa. Whew. Well, I have a routine bago magaral. Una, siyempre pinakaimportante sa lahat, kumain muna bago magbasa. Mahirap magaral ng sobrang gutom at lalo sasakit ang ulo pagnagbabasa na. Kailangan mo ng energy for studying so eat first. Tapos prepare ko muna ano aaralin, siyempre bago umuwi, check kung alin chapters or ano scope ng exam. Ala naman aral ka agad yun pala di yun kasama, nadali na ko niyan dati! hehe
Actually after the preparation ng lahat ng kailangan such as books, pens, notebooks or kahit calcu, aral na through silence. I mean no new order track or JD background music. Kahit radio or even computer nakasara, I just need a table, chair tapos tubig.. Silence din para makapagconcentrate, kasi narealize ko din talaga ako nakakapagisip or maybe all of us. Reading through silence. Kahit murmuring eh di ko nagawa. Magsasalita lang ako kung ang exam eh recital or acting whatever, or reporting di ba. Pero sometimes di maiwasan na magpatulong sa classmates. O kahit magreview ka magisa, mag review with classmates and friends. Iwas bilyar, inom, gimik o kahit counterstrike, bawal. hehe
Focus talaga for that exam. Pero may mga distractions din. Una sa lahat, katamaran. Lalo na pag ang prof mo eh hate mo or yun titser na laging pinepeste ka kasi mababa ang grades, minsan iniisip ko ayoko ko ng subject niya. Pero aral pa din ako. Matindi, laro muna ako, kaya pa yan hanggang mamaya. Nung madali araw na, feel the rush sa review! Napasobra! hehe Yun iba, tinutuloy na, sa huli sila natuluyan. hehe
Nagkayayaan! There was one time na ayun, madali lang yun subject, mabuti na lang nagaral na ko ahead!! Nagyaya maglaro daw.. Ayun, muntikan na bumagsak sa exam! Hehe Whew, pasado pa. Kung di pala ako nagaral nun malamang ano na nangyari sa kin.
Ah isa pa, pagnagrereview with a kinda special, nawawalan ng focus! hehe Nangyari na sa kin, although those days well, may added inspiration ha pagnagaaral. hehe Masarap magaral pag naiinspire. Yihee!!! hahaha Minsan alam mo na ang sagot pagnagrereview kahit di mo pa nababasa masyado yun book or notes.. Hay.. Iba ang feeling. Pero di tumalab noong civil service exam ko, bagsak! haha Pero second take, sinugurado ko na!
At huli at pinakamatindi, pag sobang hirap ng exam, or pag gusto mo medyo dumali ang exam, o gusto mo matapos ang pesteng test! Pray. Pray hard, or like others do, pumunta sa simbahan o sa lugar na makakapagisip muni-muni, walang dalang reviewer, simply pray! =)
Actually hindi yun ang last option. hehe Devise a plan paano makakopya!!! hahaha Una strategy, ask other students na naunang natest o kung may kabarkadang higher batch na naging prof or titser yun, tanungin kung paano mag test. At least may idea ka, o yun matindi, paano yun test!!! hehe Dati may gumawa niyan, kaso ayun na, naramdaman ng prof.. Minsan tayo tayo din ang aamin! hehe Set the record straight, di ako kasama dun. =)
At mga nakakatawang strategy paano mag kodigo. Extra paper nakaipit kung saan saan, o nakadikit kung saan saan. Yun mga kalabit na kailangan magrespond kung hindi dali ka after the test. hehe Matindi dati nung HS, nasa harap na ko, malapit sa teacher's table, may kumakalabit pa!!! Ang tindi!!!! hehe Kakaasar yun. College siyempre di pwede walang mga style. Basta pagsabi may exam ng prof, sumasagi na sa isip namin, cheating este seating arrangement, sino pwede makopyahan, compilation ng notes at higit sa lahat, signals at symbols. Eye contact, hand gestures, lahat na in the name of that damn answer sa test..
Hay.. Those were the days. Actually wala naman ganun after college like yeah employment exams coz siyempre di naman kayo magkakilala, bahala kayo sa buhay niyo! hehe
Sa students, dito matetest ang resourcefulness, studious, patience kasi kung hindi alam ang sagot, maghintay ng sagot! Strategies lalo na kung sino at papano kokopya.. Preparedness, team work, intelligence, diligence at higit sa lahat, faith! Faith that motivates you to pass or else worse things might happen. hehe
Pero nung skul days, pagkasabi ng prof or titser na may quiz..
Tsong pakopya!
No comments:
Post a Comment