Wednesday, November 27, 2013

flashbacks: Kagawad

Medyo maikli lang ito kasi natanto ko lang at natandaan ko lang kasi nakita ko ang barangay eleksyon nung nakaraan.


Halos kinalimutan ko na, tumakbo pala si Mommy ng kagawad sa Project 7! hehe Nakalimutan ko lang kung anong year pero di ko makakalimutan kung ano ano yun pinagawa sa kin noon.. 


Una eh pinagawa kami yun mga streamer kung baga, gamit pa noon eh white tela tapos nakaframe gamit eh kahoy, tapos spray kami parang stamp or yun silkscreen sa tshirt. Vote Gertie Reyes. hehe What a catchy phrase. hahaha Alala ko pa noon, red ata gamit na pintura.


Pangalawa eh pinakamahirap sa lahat, romonda ng bahay bahay sa barangay veterans. Barangay Veterans pala ang tinakbuhan niya, kasi dun naman kami talagang nakatira. Parang naalala ko, hmmmm ako lang ata at nakalimutan ko kung sino kasama ko kapatid pero marami naman kami kasama namimigay, nakalimutan ko lang kung sino sino. Siguro yun mga kaibigan ni Mommy sa barangay o baka yun iba tricycle driver basta ang dami. Malamang kasama pa yun mga kapartido nya. Kakatuwa. hehe Bigay ng flyers, pamphlets siyempre posters, well walang poster si Mommy or kahit tarp kasi di pa uso noon at mahal. Tight budget lang kami. hehe At kahit maint at yun iba ayaw naman makikamay eh sige lang, araw araw yun.. Si Mommy naglakad, nakikamay at nakibati. 


Huli eh pinakamasklap sa lahat, natalo kami. hehe Parang number 8 or 9 ata si Mommy, well di ko alam kung bakit natalo si Mommy pero malaki naman ang Veterans village, so siguro may di kami nalibot at napakaraming tao dun. Kahit ganoon, naalala ko na di naman masyado nasaktan si Mommy, nagpakain pa nga sa lahat ng tumulong, fried chicken at kanin pa ang pinakain. Napagod siya, nalungkot pero pagkatapos noon, ok na.. Nagbabalak pa ngayon ha pero well, di natuloy. hehe


Compare ko naman sa mga tumatakbo sa barangay ngayon, grabe may ibang kandidato, di man lang nagpapakita!!! Pero nananalo! hehe Grabe example na yun dito, ang ingay ingay ng caravan umiikot sa barangay eh wala naman yun mga kandidato dun sa Caravan! yun mga hakot na volunteer lang nandun. Anak ng tinapa, kaya di umuunlad ang barangay. Feeling ko maraming ganitong style sa ibang barangay. At may matindi, may mga nanalo o kahit tumatakbo, di naman taga barangay. Ibang barangay pala! Siguro nakalusot kasi may kamag anak nakatira sa barangay kaya malamang yun ang ginamit na address. Geez.. Ang dadadaya. hehe Kahit di naman malaki ang sweldo ang barangay, pero easy money di ba. Kaunti project, patayo tayo, uwi na at kung may PDAF pa, buenas!! May "pabaon" ka pa. hehehe


Sana lang, kung talagang gusto natin mabago ang sistema ng gobyerno, dapat simulan sa barangay. May mga barangay na maayos ang sistema talagang inaasikaso ang mga nakatira sa barangay mula sa mga papeles, o medical center at ibang projects. Fully functional kung baga. Di dapat ang barangay eh pang papeles lang like barangay clearance o cedula lang tapos wala na silang gagawin. Ni romonda di pa consistent, rumoronda lang pag may nangyari na masama o krimen sa lugar. Di nga nila hinuhuli yun mga ano dito, naku kala mo mga tambay. hahaha Yun lang di nila magawa! 


Kaya ayun.. Kaya ako, kung tatakbo ako, maayos dapat yun simpleng functions ng barangay. Di yun nagtatago lang sa opisina. Geez.. 


Oo nga pala, after natalo si Mommy, nakapaglingkod pa din siya sa veterans village as...


Lupon Tagapayapa? Ang hirap ng spelling, naku simple lang gagawin, pag may nagaaway o gulo sa barangay gaya ng magkapit bahay nagsabunutan, para iwas kaso, sila yun mediator. hehe 


Mukhang mas ok ginawa ni Mommy dun. =)

No comments: