It's not only almost gone, goner na talaga ang typewriter. I won't be surprised kung wala na sa schools ito unlike my days. Old days.. Tuwing iniisip ko yun mga typing class dati, sobrang natatawa ako sa excercises. Nakatakip yun typewriter ng folder. We were trained to type without looking sa typewriter. Kaya ganun, sobrang sakit sa una, lalo nung HS na kasamang nakaabang na pamalo ng titser. hehe Di naman pinapalo, pampagulat kung baga.
Pero dahil sa excercises and typing classes, at matindi ang effect sa batch ko ha, marami sa min mabilis magtype without looking at the keyboard/typewriter. Lalo naman sa kin, for example etong blog na to, di ko tinitignan kahit backspace, alam ko mag edit. At yun words per minute, from 45, 55 tapos ang last test, eh 65wpm na. Ewan ko kung accurate yun typing test pero yun ang lumalabas. hahaha
Laking tulong yun excercise sa pagiging CSR ko, sa AHT and stuff, kung di ako marunong magtype, ang taas siguro ng AHT. Sa blogging, kung di ako marunong magtype, aba, napaka kaunti siguro nagawa ko posts or worst, di na ko magblog. Wala na kayong mababasa ngayon.
Marami naman reason kung bakit nagdown ang typewriter pero ang pinakamatindi sa lahat.. Technology. With tablets, desktop computers, or kahit laptop, dun palang parang nawala na silbi ang typewriter. Siyempre sino ba naman ungas ang magdadala ng malaki at mabigat ng typewriter sa coffee shop para magtype ng paper at magdadala ng eraser or worse yun nagkakalat na pambura na tawag eh liquid paper! hehe
Unlike sa computers or lalo na laptop, na di lang pangtype, kung hindi maglaro, manood and magsurf! Less maintenance pa, di nagstuck ang computer unless hardware or software na sira.
Pero kahit ganun ang sinapit ng typewriter, the best pa din siya pangtrain sa typing, kasi sa computer comfort na eh. Di mo mararanasan na magdiin ng pindot kasi kung hindi, di lalabas yun sulat. Sa computer kahit di madiin lalabas na sinusulat mo. Saka yun pagbilis ng type, yun lipat ng daliri from one letter to another in the most fastest way, mas natuto ako sa typewriter. Sa DOTA, kaya walang hot keys dito. Memorize ang short keys. hehe Saka may silbi pa din ito sa mga notaryo sa tabi tabi. hehe At if no electricity, aba lahat balik typewriter na lang kung mangyayari yun! hahaha
Well, I just hope kahit pang museum na lang, typewriter still exist.
Besides, this was one of the things that skill wise sa typing and writing stuff..
Made me better, this thing that I'm very grateful having in life. =)
No comments:
Post a Comment