Hay, namiss ko ang pablog na may title na tagalog. hehe Talagang tagalog. Oo nga eh. Sa buhay ko, masasabi ko, kung di ko napupunta sa gulo dahil sa katangahan ko minsan, hehe Eh minsan, kahit wala naman ako ginagawa, nasasangkot sa gulo at lalo na sa problema. Hay buhay, napakasaya. Napakalungkot, at higit sa lahat, napakagulo!
Ayoko ko na masyado isipin ang mga problema na yan, iba na lang pagusapan natin. hehe Ah yun, ma mga barkada ako na kundi naman binyag eh may magpapakasal pa! At matindi, magkasunod na araw pa. Nagsabwatan ata sila. hehe Bad trip, magastos yun dalawang araw na yun. hehe
Sa bahay naman, walang pagbabago. Ni di nga ko makapahinga ng maayos, kaso ayun, magulo. Naku naman. Kailan ba tatahimik ang buhay ko. hehe
Sa gitna ng lahat na ito, ano pa ba magagawa ko? Kundi tuloy pa rin, kahit may naisip akong paraan, salamat kay Arman. Hehe Pero gagawin ko na lang huling alas ko yun. Para naman makalayo ako, at kahit papano, tahimik ang buhay. Di yun nasasama, ah, lagi ako kasama dito...
Sa gulo...
Mabuti na dito na lang sa pamilya ko, sabagay, di naman ako palaaway, kaya masaya ako at marami akong kaibigan. hehe
Maraming salamat sa mga kaibigan ko. Kung wala kayo, malamang, di ako nagsusulat ngayon. hehe
Ah, may paglilibangan pala ako. Salamat kay Nick, at may zune na ko. Unting unti bumabalik ang mga gamit ko. hehe Pero siyempre, kahit pakaunti eh bumabalik ang gusto kong gamit. Alam niyo naman, medyo nawala halos lahat. Di ko naman pinagsisihan yun. hehe
Kaya kailangan kumayod ng mabuti ngayon para makabawi. Lalo na sa kanya.
Alam ko na yun mga dapat makuha ko sa taon na to, kahit sobrang hirap, di pa rin ako nawawalan ng pagasa.
Kahit walang gimik. Walang minamahal, o walang nagmamahal, tuloy ang buhay. Patuloy ang pagdasal at wag mawalan ng pagasa.
Sana sa huli, yun pa din ang sasabihin ko. hehehe
Bad trip, hay buti na lang pala, di ako pala inom noh. Naku, sa susunod na linggo, wasakan to. Sabado, ewan ko kung pupunta ako sa binyag ng barkada ko, sa LP lang naman. hehe Tapos sa gabi, birthday ni Tita, nanay ni Rheg. hehe Tapos sa Linggo, Diyos ko patawarin niyo kami. Birthday ni Doc Ian. hehehehe Ayos!!!!
Wasak...
na Wasak.
Sa gitna ng lahat na ito.
Sana may katapusan, hindi ngayon, basta matapos lang at di na ko magsusulat na may halong kalungkutan.
Kundi puro kasiyahan at may pagkalokohan. hehe
At inspirasyon.
Yun lang, naku sa susunod na kabanata, abangan ang 10 team ng kabilang liga.
Hay, buti na lang, nakita ko na yun isang track na matagal ko na hinahanap, aksidente pa. Ayos, let's dance. hehe
No comments:
Post a Comment