Hay, habang yun tindera ko nasa shop ngayon at ako eto, nagpapahinga at gumagawa na lintik na post. Kaadik. hehehe Tinignan ko yun iprint ko na part 1 ng blog ko para sa friend ko, anak ng tinapa, ang dami na!!!! hehe Bakit nga ba ko napunta dun. Ah, this is about my fifth month dito sa shop or my partnership with Kuya Alpro. Marami na ko natutunan, kahit papano about running a business and most especially, kung ano business ko, like eto, cellphone and eload. Kaya sa mga kailangan ng brand new cellphone, PM ako para for quotes!!! hehe Wag lang load.
Sa limang buwan ko dito sa shop, ang iniisip ko lagi eh makabenta ng marami araw araw, kasi siyempre di lang pangbayad pwesto at tao kundi sa kinikita ko. Ang totoo nga, gusto ko akin na yun pwesto, kaso medyo malayo pa ata yun iipon ko sa pwesto na yan. Hehe Ang goal ko naman eh makuha ko muna yun pwesto na yun tapos doon na siguro masisimula yun mga plano ko. May mabilis naman ako paraan para makuha ko yun pwesto, kaso medyo tiis muna, mayroon ako nakatagong alas. hehehe
May mga araw talaga na mahina, kagaya ng linggo, siyempre, walang pasok yun SACI saka walang tao sa supermart. Walang taong dumadaan, edi ibig sabihin, walang bumibili. Mahirap, ang goal ko na lang eh kahit papano pambayad pwesto. hehe Pero maraming araw naman na malakas, sobrang lakas, kagaya kahapon na kahit baha nung umaga, umariba pa din sa hapon. hehe Ayos, ang ganda ng simula ng linggo ko. Ang cut off kasi sa kitaan eh biyernes. hehe
Ibig sabihin, sa susunod na buwan na ko anim na buwan na. Ang bilis talaga ng panahon. Ang akala ko nung una talaga, di ako tatagal, pero eto ngayon, mukhang may pupuntahan na ko, in the money side of things. Napakahirap ng dinaanan ko, kahit ngayon, pero di ko pinagsisihan na magtagal sa Dell. Eh kumikita ako maliit pero di sa lahat ng oras may cases kang gagawin. hehe Masaya talaga at sana makuha ko na yun pwesto na yun, kasi isa yun sa mga pinakamagandang regalo o bagay nakuha ko sa buhay ko. Alam ko marami pa ko pagdadaanan pero sa tingin ko kayang lampasan yun kasi nandiyan naman si Bro at si Kuya and her family din. hehe At ang magaling kong tindera.
Di ko nga alam kung ano magiging reaksyon ko pag nakuha ko na to. Pero alam ko, di dapat pumetiks ng todo, simula pa lang yan kung paano ko palalakasin yun pwesto. Eto na yun mga panahon, kailangan magamit na yun pinagaralan ko sa BA. hehehe
Hay, kaunting tiis pa Alfred. Malapit na. Sana, may araw na kahit wala masyadong gawin, kumikita pa din. hehe Siguro plano plano na lang kung paano maging malakas ang pwesto.
Kaunting tiis pa, Alfred.
Ilan buwan na lang.....
No comments:
Post a Comment