"Arnie, Arnie!!!! P*t@ina nyo!"
Ang lutong naman nun. hehe At yun ang pinakafavorite scene ko sa pelikula!
Dapat manonood ako ulit ngayon gabi, pero di na.. Nakatatak na sa utak ko yun pelikula..
Ang tanging pilipino movie nakaburn sa zune ko, at ang pinakapaborito ko din, ang pinakapanalo sa lahat ng pinoy film, don't worry walang sing and dance number sa huli. hehe Batch 81, alpha kappa omega...
Nakita ko to nun HS pa ko, bago ako lumipat ng d. tuazon tapos may home cable pa kami. Umaga pa lang may napanood ako nagmumura na pinoy film sa viva cinema. hehe Yun unang scene napanood ko, tumatakbo sila sa GH, nakabrief lang, initiation. hehehe
Ah bago tayo dumako dun, siyempre, simple lang naman ang story. Sid Lucero ay isang bio college student na naghahanap ng trip, ayun sumali sa frat. Sumali siya sa pinakasikat na frat sa campus, Alpha Kappa Omega.
Siyempre may initiation tapos ano ano pinagdaanan niya. Kasama niya pala yun karoom mate niya simple na si Arnie, napasubo sumali sa frat din.
May mga gusto magquit kasi sa mga initiation at pahirap, pahiya lahat na! Tapos eto pala si Arnie may syota, kuya ng syota, Master ng kabilang frat. Ayun, dun na sumabit ang Alpha kappa Omega, lalo na yun napatay si Arnie. Nakaganti sa huli, kahit may mga namatay tapos, ayun tuwang tuwa nagpapaddle si Lucero sa huli. hehe Master na kasi!
Yes master!!
Simple ng storya no? Pero siyempre, Mike De Leon yan, dinaan sa panalo na scenes!!! hehe Mike is my fave pinoy director, kahit parang dalawa pa lang napanood ko, ayos na. hehe Yun isa Kisapmata, grabe yun!! Napanood ko yun sa channel 2, semana santa pa. Ayos. hehe Pero galing... Sana may mga katulad siya ngayon..
Speaking of scenes, siyempre very detailed ang scenes. Marami sila, pag inisa isa ko yun, mahaba tong blog na to. hehe
Ah yun screening pa lang, nakakatawa na. Lalo na si bisaya, grabe, akalain mo tatagal siya, saka si Santillian, magaling si Noel Trinidad dun. Di lang comedy ginawa niya dun ha. Tapos gusto ko din yun cameo appearances, like Charito Solis, Armida, Johnny Delgado na payat ha at bagay pala sa kanya ganun. hehe At ang matinding cameo, Chanda Romero!! hahaha Take it easy Pacoy, we have long night ahead of us!!! Ayos!! Paborito ni Al indot. hehe
Di lang naman yun ang nagustuhan ko sa film, kundi yun pace saka emotions ng film. Ibig ko sabihin, kahit parang 80's pa yun, pero nangyayari pa din hanggang ngayon yun eh. Kagaya lang nun isang araw, may balita na may natodas dahil sa hazing, ayun naisip ko, parang sobra ata sila ng panood sa batch 81. hehe
Seriously, marami naman tao or students na sumasali sa frat dahil di lang trip, kundi may ibang rason din di ba? Kagaya ni Santillian, ang tanda na, prof na, sumali pa ng frat, kaw na! hehe Friendship and camaraderie nga naman hanap niya, ewan ko yun bisaya, saling pusa ata yun. hehe
Pero tama naman yun, lalo ngayon may iba sumasali kasi din sa connection di ba? O support din nakukuha sa frat kaya may naeenganyo talaga. Yun nga lang wag lang malasin.. Kaya ako, di ako nahilig sumali diyan, mahirap na, baka wala na nagsusulat dito. hehe
Ah kahit sobrang low budget ng film, ayun may nagagawa pa din na maganda. From soundtrack, hanggang sa set, parang di ata sila gumastos masyado. Siguro sa extra saka yun away sa huli, props. hehe
Mga artista din panalo. Siyempre, Mark Gil, noong nakikita ko siya sa Magkaribal, talagang tumatanda siya pero magaling pa din. Kagaya sa batch 81, bagay sa kanya yun papel. Makikita at maramdaman mo yun kalokohan niya saka yun pursigue na maging master niya. Kahit yun master nila, sila Vince and Gonzalez, astig di ba. Kahit yun GF ni Sid na nanay naman yun Sid Lucero sa tunay na buhay, ok din ha. Ah yes, yun ang nanay niya. hehe Magaling yun papel niya kahit ilan linya lang sinabi niya. Ayoko ko lang yun character ni Sandy Andolong, magaling si Sandy pero character niya lang, bad trip, iniwan si Arnie sa kangkungan. hehe
At maarte pa, parang may kilala akong ganun.. hmmmmm
Yun mga kasama ni Sid panalo din, mula kay bisaya, tapos yun photographer, yun Roxas, si Prof, Pacoy, galing, tama lang sila grupo para sa storya. Lalo na yun scene na birthday ni Gonzalez, galing ng scene na yun, sama sama talaga sila. Kahit isa lang ang beer. =)
Nakakagulat lang, noong napanood ko sa Viva Cinema, ayun may cut. Nalaman namin may cut noong bumili si Al ng VCD noong college, ayun kawawa pala yun gonzalez, ganun pala siya namatay. Pero nakabawi naman siya sa kalabang frat, may dala pa naman itak eh. hehe
Cruel cycle talaga yun frat, well, problema na nila yun at sana, ingat na lang sila at sana wala na masyado gulo. Siguro para makuha nila yun, simulan nila sa initiation, wala naman ungguyan o lokohan di ba. Mahirap yun, lalo na pagnagaaral. Sana baguhin nila yun systema na ganun.
Marami kasi nasasayang na buhay pag nadidisgrasya..
Most of the film pinoy critics, pili nila Himala as the best pinoy film. Napanood ko siya, yes sa channel 2 semana santa. hehe Sabi ko, hmmmmm maganda at magaling, pero iba talaga yun Batch 81.. Iba yun dating eh saka yun pagkakagawa, parang kakamulat sa ganun violence sa tin lipunan saka siyempre masterpiece of acting. Yun tamang acting lang sa ganun situati
Kaya sa kin, eto ang pinakagusto ko pinoy film kahit kailan..
"ang simula at wakas ay kapatiran"
1 comment:
what hell this blog
Post a Comment