Monday, February 21, 2011

BusinessMan

Di ko akalain na may shop na pala ako. At surviving pa ha, despite sa ginagawa ko now. Medyo kulang sa controlling eh. hehe

Ako bilang simpleng negosyante or mangangalakal, sa tingin ko, medyo mahina pa ko. Kung magaling ako, dapat marami na ko tindahan o negosyo. Kaso, it may take sometime pa due to some personal issues or needs to finish something. hehe

Pero in the business side naman, first sa plano naman ng negosyo.. More on, I can say conservative approach.. Or let's say, I calculate risk muna bago maginvest o gawin ang desisyon, kaso takot ako sa sugod na lang ng sugod, kasi baka sa huli, problema pala.. hehe Gusto ko kasi yun may chance na sigurado yun desisyon kaysa yun basta feel mo lang ok siya, kaso ayun, baka di pala umubra.. Lugi ka pala. =( Mahirap yun ganun for me, medyo takot ako pero at the passage of time, naging kampante na ko, except kung walang pera. hehe Pero I mean may ibang desisyon na kailangan ingat na ko pero yun iba, kahit nakapikit, sige go! Basta may puhunan at siyempre monitor dapat.. =)

Pessimist and Optimistic.. Kasi, di ko naman matatanggal sa isip kahit alam mo tama, may tedency na baka sa huli, di pala mabenta o mali pala. Iniisip ko na mali ako at gawa agad ng ibang paraan.. Optimistic kasi paano ba. hehe Ah optimistic ako kahit kaunti ng benta, basta mayrun naman ako stock, mabebenta din yan. O kaya, kahit mahina nun first hours, sa huli, lalakas din yan.. =) Ganun ako, di susuko.. Habang di pa sarado shop ko. hehe

Advance thinker. Yes, kailangan yun, lalo na sa shop ko di ba. Advance na ko magisip like yun example sa taas or ano ba kailangan ko gawin in the next month. Naapply ko to lalo na sa capital.. Sa month ba to, ano ba malakas? Unit or accessories, or kahit sa tarpaulin na lang, para sa June, ano ba maganda ilagay? O kahit sa display ng shop, ibahin ko na ba? Kailangan kasi sa business, may plano ka na ahead, at least a day ahead.. Lalo na sa operations, kaya ngayon, dalawa na tindera ko. hehe Mahirap na kung isa lang, paano na kung di pa siya pumasok? Edi lugi na ko isang araw. hehe Promo din at eto, sa presyo.. Di lagi bumababa ang puhunan, minsan biglang taas, kaya kailangan maisip na agad ng other plan para macope yun taas..

Understanding naman ako. Kahit papano lalo na sa tawaran, lalo pag mahina benta o makulit customer, sige bigay niyo na, pera na yun eh. hehe At di lang sa business ko, siyempre pati sa mga tauhan ko.. Kailangan mag off or feedback kung ano kailangan which malaking tulong talaga sa kin.. Para naman sa ikakabuti naman din nila yun in the future.. Kuya pabale.. Yun lang, minsan, saka na! hehe Hindi, nagpapabale naman ako.. Kawawa naman sila..

Medyo mahigpit din ako, ayun dahil sa training ko under Kuya Alpro, may mga bagay mahigpit ako.. Thanks a lot bro! hehe Lalo na sa kilos, bawal mabagal, pag nandiyan customer dapat bigay agad o sagot. Kung may problema, sabihan ang customer. Wag absent! hehe Kung aabsent, sabihan ako at least bago magbukas.. Para may plan B.. Mahigpit din sa gastos at siyempre yun sa sales din.. Well, mabuti, alam na nila ang gagawin para bumenta.. Except naman sa walang tao. Wala naman ako magagawa dun. hehe Sa display ng shop, dapat maayos at importante, siyempre sa hawak ng pera. San ba dapat? Ano ba yun umiikot.. Which hanggang ngayon, di pa din ako magaling.. hehe Sorry naman.. Saka dapat may resulta lagi yun ginagawa.. At oo nga pala, importante, wag magdaya.. Lalo na sa customer at sa kin.. Mabuti naman, di naman ako nakukupitan ng tauhan ko. hehe

Importante din yun di ka nauubusan ng paraan.. Ganun ako, kahit well, medyo di pa ko magaling kasi iba naman situation ko sa shop.. Isip ng paraan paano lumakas ang benta.. O pano magiging maayos ang trabaho nila.. Kahit yun pagkuha ng gamit, ano ba yun magiging madali para sa kin at siyempre sa mga tindera ko.. Even on how to make my business big, what are the plans? Until now, I haven't think of that. hehe

Like in my work, siyempre, driven to succeed naman ako and importantly, team player.. Yun pagiging agent ko naman may application kahit papano.. At least, transparent naman ako sa kanila, at importante din bigyan sila ng feedback.. Yun sinabi ko na feedback din galing sa kanila.. Being more patient lalo na sa bagong lagay sa shop.. At siyempre sa benta and operations. Saka I treat naman right, parang customer, kung mabait at/or madaling kausap edi ayos tayo! Pag hindi.. Maghanap ka na ng ibang trabaho, or para sa customer, hanap ka sa iba! hehe

Bihira lang talaga ako magalit, at sa business ko minsan ako bad trip.. Pero alam ko naman, mabuti dito makakabawi agad eh. Eh sa work ko, matagal makabawi, like VOC! bwahaha Saka siyempre yun pakisama, iba naman sa negosyo, which is more madali, kasi depende naman sa tauhan mo. Mabuti naman magaling yun mga nakuha ko. =)

Versatile naman ako pagdating sa ganyan, lalo na sa updates from the expenses, puhunan, siyempre sa gamit and everything.. Changes does happen, and it's faster here sa business.. Nakakacope naman ako kahit papano. hehe

At huli, mas di ako nahihiya.. Kasi ako naman may ari, hehe At di naman masyado kailangan ng pakisama, importante kung masaya pa ang tauhan at customer mo, tatagal pa negosyo mo.. Kung may kailangan baguhan edi baguhin.. Saka ayun, dito ako talagang napwersa na di lang to survive but also to do the right things not only for you, but the separate entity itself.. The business.. and yes, the workers and importantly, customers... Important for me, is to be confident with my biz.. Kaya di ako nahihiya, kampante ako na kaya pa, as long lahat ay naayos at ayun, tamang desisyon..

Alam ko marami pa dapat akong gawin bilang negosyante.. Mahirap talaga sa simula, sinasabi ko na, sobrang hirap pero sa huli, pag natiyaga mo na, at kung kaya mong masustain and kung kaya mo pa siya palakihin sa tamang paraan.. Kahit maliit pa yan.. Tatagal yan.. At totoo yan.. Malayo na mararating ng negosyo mo.. Depende din naman sa negosyo mo at attitude.. If you have the right attitude, goals and control of the biz.. Whatever kind of biz is that, definitely, it will survive in the long run.. And importantly, earning the right way. =)

Kasi dahil sa shop ko, di ko akalain, di lang pera o kahit cellphone matutulong niya sa kin.. Sige kahit load na napakadami.. Yun essence ng business at yun pinagaralan ko, naging mas interested ako and siyempre, may plans for the future, ibang venture naman.. =)

At sana kung matuloy yun, sana maging successful din yun. hehe Siyempre like ko pa din computers, pero parang patas na ata sila. =)


Sana lang, I can bring the same success in the next biz I will have.. In my own way.

My destiny.


No comments: