Di ko napanood yun concert last Sabado. May paconcert ang dabarkads at may surprise pa si Bossing! Naman, naging busy ako at ayun.. Namiss ko. hehe
Sa tuwing mapapatingin ako sa show na yun, parang di pa din nagbago, siyempre nandun yun TVJ tapos sang katerbang host na makukulit at masayahin. =)
30 years almost running..
More than 10 shows tumapat sa kanila, at lahat giba, at sasama pa tong show nila John and Randy na hanggang ngayon di ko pa nakikita. hehe
Parang 4 TV network stations na ata sila palipat lipat and they found home at GMA 7, pero malay mo, baka lumipat pa sila sa TV 5.. hehe
Millions or I can say all the Filipinos watched their show.. It's a staple, a ritual when 12pm starts, followers all over the globe, basta pinoy, eto na ang show na pang pinoy!
Siyempre kasama naman ako dun.. hehe
I did visit their set for 3 times and masasabi ko masaya talaga at sulit, forever I will cherish.. Better than watching or joining the Uncle Bob's children's club. hehe
With all the fun and laughter and sometimes, cry lalo na may mga sad times sila..
However, at the passage of time, I believe, wala na, sila na, at hindi na matitibag ang
one and only show, Eat Bulaga!
I started watching the show, siguro nasa channel 2 na sila.. I mean talagang inaabangan ko yun mga portion nila, lalo na yun bulagaan! Saka siyempre yun TVJ, Tito na tahimik pero talagang maloko din pero tama lang.. Vic, bossing talaga, pag bumanat, talbog lahat! hehe At siyempre, kundi ka naman bossing kung matinik din sa chicks! hehe Joey, ay, wala na tatalo kung sa asaran at banatan lang, saka sa jokes, eto na, one of the best.. =) Saka magaling din magsulat ng kanta, nandun siyempre ang favorite ko, Itaktak mo! bwahaha
At siyempre, may mga host pa na magagaling din, siyempre, from Jimmy, Ruby, tapos si Francis M na namayapa na.. Tapos Micheal V, hmmmm kahit sina Janno, o even Toni Gonzaga na I remember, bago siya umalis ng EB, eh panay kantiaw na lilipat na sa 2 which she did. hehe Then maraming na dumaan sa EB, eh siyempre mga legends na Coney Reyes, Aiza tapos Christine Jacob, then, ayun marami pa..
Today, ayun Jose and Wally, badet na Paolo and the hot brazilian chicks being lead by Daiana if I got the spelling right.. Ah, yes, Sex Bomb na una limang dancer lang sila. hehe Then EB babes and yes kahit si Ana Feliciano, ayun dancer ni Willie. hehe Galing din EB..
Kumbaga, yun mga kalaban nila ngayon, dumaan din palang EB. Grabe!!!
Di lang naman yun ang panalo sa EB, kundi siyempre yun mga pacontest nila.. It proves the theory, na lahat gagawin para sa pera. =) Of course from Little Miss Philippines, Mr. Pogi na may mga generate na artista, example, Echo. hehe Then lotong bahay, ah Super Sireyna, even mga katulong may pacontest din.. The usual acting contest pag may bagong pelikula! hehe At yun matindi talaga, I forgot yun name ng contest, basta may papagawa tapos kailangan talunin mo, example, kainin yun utak ng baka.. Ayos. hehe
Then maraming pa silang pacontest na pinauso.. Laban o bawi, at ang favorite, Taktak Mo! Alam ng CRAP kung bakit. hahaha
Ngayon siyempre, walang kupas yun Pinoy Henyo at Juan for all.. Madami, geez kulang ang isang post for all the pakulo at pagimik ng EB na di naubusan..
Galante din naman sila, lalo na sa papremyo, minsan pinapanalo nila yun contestant.. Which is good..
At least, kumpleto rekados ang EB at mantakin mo, araw araw nila ginagawa yun Mon-Sat.. Geez, at di sila napagod. Dapat kunin na din nila yun linggo kasi panget naman yun Party Pilipinas. hahaha
Well, ah pag holy week, ayun, imbes magsaya, gumagawa sila ng drama in observance sa holy week.. =)
Bulagaan, grabe yun ang portion na pag malungkot at yun pinanood mo portion, tanggal ang lungkot. Hehe
I want to really thank EB not only because for the fun and laughter but also the memories na nakuha ko.. From the hosts hanggang audience, talagang sulit ang oras mo of just watching the show.. Very stress free at kahit marami pang critics or kalaban, wala na tatalo sa EB.. Besides yun mga banat ko, dito ko nakuha ha. hehe
I hope in the future, of course tatanda na yun TVJ, they should get yun papalit sa kanila, not as TVJ but host ng show.. Marami naman pwede pumalit sa kanila at tuloy ang show..
I don't know if they will reach 50 or 100 years, but it they are able to do it, wow.. More than Guiness record na yun!
Pero we are indeed lucky in our country despite all the chaos and trouble we everyday face..
There is a show that makes us smile and forget all those troubles, for a short time..
What a show, one of the best, in my lifetime!
Mula Aparri hanggang Jolo, isang libo isang tuwa, Eat Bulaga! =)
No comments:
Post a Comment