Wednesday, March 23, 2011

Back to the Barrio

After winning the whopping prize sa contest in the FS townhall, of course, napunta lang sa pamasahe.. Oh Christ.

Yes, all was set after winning the contest, plano agad was to have a team building right away since ayun, maghihiwalay na ang Team Jo-anne.. It is sad that we heard yun balita but well, change is inevitable.

Nevertheless, we need to move on and enjoy the last moments of being part sa the best team ng FS!!! Yehey! hehe

Ang unang plano eh dapat sa Batangas, kaso since parang survivor daw like, no electricity or sort of, eh most of the team mates changed their minds. Fontana sana kaso di naman sulit kung overnight lang.. Pansol? Been there and done that..

Eh etong si Cyrene nagsuggest na sa lolo't lola na lang daw niya farm/rest house magspend yun team building namin, and sabi namin, Go! Besides para maiba naman. hehe

That was after two weeks from the successful FS townhall run, then yes may mga di nakasama.. Sayang..

Siyempre may games and food is ready kasi sila naman daw magluto, pero may aberya, ang way papano papunta dun. hehe Since wala naman kami van or whatever, hanggang sa last minute, ayun may nakuha si Roy na avanza cab papunta from Makati to Jala-Jala, Rizal which at first, I never heard of that place. hehe

Anyway, Friday came which is 18th and yes, tama, kasi I still remember, birthday yun ni, whatever. hehe

Especially 3 days before that.. Birthday ni, number 1. hahaha

Ok, medyo natagalan pa kami umalis due to the late comers, pero we left makati around 5:30pm na.

Yes, I can't believe na walang upuan sa likod so kaming boys, medyo hirap ha.. Palipat lipat ng pwesto.. hehe

Siyempre kwentuhan, asaran and tulugan na din. hehe

And yes, I can't believe how large Rizal is.. As I know, yun Antipolo pa lang sobrang nalalayuan na ko, not only due to distance but also yun traffic, lalo na sa parts of Pasig and Marcos Highway..

And yep, wow, it's damn far indeed..

Add to that misery, we got lost and around 7:30pm, we don't know where we are heading to.

May nalaman din kami na maraming pala NPA dun, which we did not see but of course, worried kasi siyempre mahirap na at gabi pa! Peste naman. hehe

Then, around 8:00pm, we went over a mountain na sobrang dilim and kaunti lang ang ilaw.. At napagalaman namin na that's another way to go to Pagsanjan, Laguna! Wow, uuwi ba ko sa min? hehe Malapit na kasi yun sa Sta. Cruz eh.. Kaya pala may mga signage na papuntang Laguna which I wondered, paano kaya?

It was a scary moment, lalo na may nakita si Mhon na parang lookout ng NPA.. Geez... We were lucky to escape from that ordeal.. And around 9pm, after some directions and pointing to the right road and some guidance na din, in the long way, we arrived at a simple yet wide, very wide resthouse/farm. =)

Sobrang gutom na kami and barrio style siyempre ang kain.. Bodle fight!!!

Grabe yun ulam, ay grabe.... Totoong sinigang na baboy na talagang piniga sa sampalok tapos may halong gabi yun sabaw!!! Sabaw pa lang ulam na!!! Yum!!! hehe Siyempre, kumpleto yun gulay at higit sa lahat, malaman na baboy.. =)

Tapos basta may kasama pang ulam dun, check niyo na lang pics! hehe

Then, yes, after the sumptous dinner, we have a bonfire.. Bago to ha, yun bonfire nasa gilid, kami di nakaikot, nakahiwalay kami. hehe

Pero grabe yun lawak ng farm na yun, yun nga lang, wala kaming nakuhang mangga, naharvest na pala.. =( Pero ok lang, naenjoy naman namin simplicity ng lugar, nakahiga sa damo tapos nakatulala lang sa langit, a nice moon indeed.. =) Ang masarap pa, walang lamok!!! Kaya well, nagdecide kaming matulog na lang later there. hehe

The most awaited announcement was presented there, at ayun, sinabi na kung san kangkungan na kami pupulutin, este bagong teams. =)

Well, lahat naman masaya, especially, wala napunta sa dalawang team na ayoko. hehe Kala ko mapupunta ako sa team na kailangan may helmet kasi magiging war lagi. hahaha

Surprise talaga, at mapupunta ako sa same Team!!! hehe Kaso kalungkot, siyempre yun iba mapupunta sa na sa ibang team.. Di na as fun before pero ganun talaga, change is really a vicious process in this job..

But important eh nandiyan lang naman sila, di naman sila mapupunta ng ibang dept.. =)

Ah, may inom siyempre, kaso kaunti lang, pero masarap yun ihaw na liempo and hotdog!

Then, after hours, isa isa na siyempre napagod, nagpahinga pero ang kulit namin.. Pictures dito, dun, sa bonfire, kulitan at siyempre, inuman, kaso bitin eh.. Pero mabuti na yun pahinga na kami.. =)

Naiwan kaming boys sa damo at naglatag na lang kami ng banig, tapos kumot at unan, kwentuhan at siyempre, may kaunting kantahan! hehe

At ayun, nakatulog na kami..

Ang sarap ng tulog then all of the sudden, parang may dumura sa kin, at nagising ako, pero nagulat ako na ayun, umuulan na pala! hehe

Biglang ayos ng gamit, takbo at ayun, tulog kami sa malapit sa kubo.. Na meron humihilik na parang generator na di umaandar. hehe Di kami agad nakatulog pero ayun, nagising na naman ako kasi 7am na..

At yes, may activities kami!!! Before we eat breakfast..

First is parang amazing race, pero relay.. Gawa ng task then lipat sa ibang member, tamang tama yun place for our activities ha, malawak at maganda sa umaga.. =)

Of course, yun team namin talo. hehe

Then second game, eto na, Assassins which involves running and grabbing. hehe Each member has a picture of yourself and objective of the game is to get other pictures from other members until 2 left in the game.. Ako naman, nagpatalo na ko kasi ngarag na ko saka I don't want to run all over the place, kakapagod. hehe Pero of course, there are competitors, ayaw patalo at pahuli, pero sa huli, Mhon and SME DP won the game.. Buwis buhay nga yun game eh. hehe

May kalmutan at threat na manapak. Haha!!!! You can see that at the pics..

Then yes, my fave part, breakfast.. Hay, galunggong tapos egg omelet, then yun sabaw ng sinigang, dilis at yun masarap na ensaladang mangga.. Mainit na kanin.. Panalo!!!! Yummmmmmmmmmmm

Yun ata yun session na madami talagang ako kinain.. Sarap eh tapos ganun oras, naku, talagang nasa barrio ka.. hehe

Siyempre, di mawawala ang swimming.. At special to, kasi mababaw lang yun pool, or should I called that Jacuzzi.. hehe Kasi sobrang init at di biro talaga sa umpisa.. Dapat may sign nga na magingat sa unang babad.. hahaha

Nakakatawa sa pic, yun bawat isa nag babad dun, sa unang salta, ayun iba yun reaction sa face eh. hehe

Yun lang eh..

=)

Pero grabe pag tumagal ka na, ayaw mo na umalis. hehe Sarap, therapy talaga from a week of madness, tapos ganito.. Hay.. Sulit!!!! Masarap nga matulog dun lalo na may floater.. hehe Galing kasi sa bukal yun tubig kaya ayun, sobrang natural haven. =)

After 1 and a half hours of relaxing ayun, kain naman ng lunch.. Nilagang baboy! hehe Pero grabe, masarap pa din! Samahan pa ng pritong tilapia.. Wow!

Pero kaunti lang nakain ko, kasi naman, sobrang busog pa din ako nun breakfast! hehe

After that, ayun paraffle daw.. Courtesy of me, load lang naman. hehe Then, ayun, 2:30pm pa daw dating ng jeep, tulog naman kami.. Kasama ko yun malakas humilik pero grabe, ang sarap matulog sa hapon. =) Fresh air, walang lamok at ayun kahit sa kawayan o bangko lang ako natulog, sulit na.. =)

Simplicities of life really makes you wonder, just make life simple.. =)

Then 2:30pm came and we rode na pauwi.. This time naging madali naman yun paguwi namin, kahit mahaba biyahe, ok naman.. At narealize namin na madali lang pala pumunta, basta wag maligaw at patience sa biyahe. Parang na din nag batangas.. =)

We arrived sa Starmall Manda around 5:30pm, then ayun I went home tired yet relaxed, tired kasi haba ng biyahe, pero relaxed kasi ang saya ng team building.. The best!!! Kasi siyempre yun time spent with the team ok then samahan mo pa ng magandang lugar, ayos na!!! =) Sayang nga kung mahaba lang, pwede kaso well, di naman pwede..

Reunion daw dun ulit, para makabawi sa biyahe. hehe And time I guess..

From TL Jo-anne then all the members ng team, good luck sa bagong team, sana magtagal pa tayo! hehe At sana looking forward for the reunion if it will go through and have the same fun filled day again.. Very special team.. =) Good luck to all of us.

Holla - Holla!!!! as Ja Rule says.. When he sees the place. hehe

(Kulang pa nga to eh, so many words to best describe the event, but better yet to check niyo na lang pics sa FB..)

No comments: