Monday, March 7, 2011

Sleeping Room

Pag gising ko lagi, naisip ko na sana may electric fan dito.. Unting unti lumipat ng bahagya ang mga gamit ko sa kwartong di ko maisip na nandun ako mamalagi ulit.. Naiwan na kasi ni Kuya Allan, at ayun, nandun pa din mga plaka niya at mga japanese stuff at anime.

Wala ako magagawa, kasi si Algerro nakabalik na at gusto sa dati ko kwarto, dahil naman sa computer ko.

At ayun, balik sa kwarto na maraming alaala na may masama at masaya.. Di ko na siguro ilalahad yun, akin na lang.

Nakakagulat nga at yun TV binili ko nung nasa ventus pa ko ay buhay pa at gumagana, kailangan lang ng matinong antenna..

Yun DVD player iniwan dun, ayun gumagana pag di mo tatanggalin yun daliri mo sa power at magdasal ka na malalabas pa yun DVD sa kanya.. Malas lang ako, di na lumabas yun isang DVD ko dun.. Bubuksan ko siya pag kumuha na ko ng player..

Naisip ko na din na ayusin siguro yun kwarto, nagawa ko na nung linggo, kaso di pwede galawin lahat kasi sa mga gamit naiwan.. Buti nga wala na yun mga anay sa kabilang sahig..

Pero di ko lubos maisip na masarap pala matulog dun sa kwarto pag gabi, sa sobrang lamig.. Kasi dati di ganun, siguro nun ibang posisyon ng kama ko, ayun ayos na.. Di kagaya dati.. Grabe init lalo na sa hapon..

Subalit, kailangan ko pa din ng electric fan, industrial para malakas, lalo na sa tag init.

Dapatwa't alam ko sa hirap ng buhay ko, pasalamat naman sa kwarto kong ito, kahit medyo iba eh nakikisama naman.. Malaking kama, malapit ang TV at maganda ang bintana, kita kahit papano yun sinag ng umaga..

Kahit nasa kabilang kwarto pa yun importanteng computer ko eh, ok lang, para naman malayo siya di ba?

Sa paglipas ng panahon, nakita ko din pagkatapos ng lahat, natanggal na yun pintura at gumulo yun ibang gamit, ayun nandun pa din ako..

Tatagal ba ko dun sa kwartong iyon? Siguro, at depende din.. Mas mabuti naman kaysa magkasama pa kami ni Gerro di ba?

Palagay ko magugustuhan ko balikan yun kwarto.. Kahit papano, nawawala kahit sandali yun gulo o problema, pahinga lang ako at ayus na!

Siguro kulang na lang.. Ang fan at matinong DVD player..

Nasabi ko na nasa kwartong yun ang masaya at malungkot.. Oo, at tuwing babalikan ko yun..

Lintek yan!!! hehehe

Isara ko muna siya, at babalikan ko siya mamaya...

Dun ako matutulog!



No comments: