Tuesday, December 13, 2011

Kung Ako'y Isang

(basketball coach)


Dapat iba ilalagay ko iba kaso nun nanood ako ng PBA D-League game kanina, even I'm this freaking sick.. Natatawa lang ako sa dalawang losing teams. Sobrang nagkakalat, di makashoot, kulang sa depensa, other players are lost. Of course, all other basketball games ganun din from PBA, NBA and even well, dati barangay games. Naisip ko paano kaya ang maging coach. Siyempre iba yun player sa coach. Sa player susunod ka lang eh, pero sa coach, kaw ang magiisip ng plays at siyempre ang pinakamahirap sa lahat, motivate ng players.


May mga coaches ako na gusto. Sa pinoy, Yeng Guiao! hehe Kasi naman pag di ka sumunod, sabon na aabutin mo buong laro. Tim Cone, grabe, ngayon ko lang nagustuhan yun style niya. Although less motivator, pero plays, ibang klase. Mahirap talaga depensahan, saka yun, alam niya san pwede ang isang player. Chot Reyes, hmmmm kahit maliit ang team niya, bagay yun run and gun lalo na sa TNT. Yun nga lang, nasulot sa Petron, which goes to Ato Agustin. Kahit sobrang ubos na ang lineup, panalo pa! hehe

Ah, sa Gilas team, Coach Rajko, grabe din naman ang ginawa. Although di tayo nanalo sa FIBA, I can see na kaya natin, it's just we need to have the right team. Right kind of players with height. Sayang, mukhang di na siya ata magiging coach ng gilas.

NBA, hmmmmm Rick Carlisle, at last with the right team, he won a championship. Si Doc Rivers, magaling magmotivate. Phil Jackson, 11 rings, what else can you say. hehe Coach Mike whatever the last name, coach ng Team USA na naggold, ayos di ba, nag jell agad yun mga magagaling. Saka yun sa FIBA world din, greatly using KD to finish off teams.

Larry Brown, although estranged lately, pero nung nag 76ers siya hanggang DET, grabe.. Iba talaga siya magcoach, old school complicated coach. hehe

Hmmmm Jerry Sloan and Don Nelson, wow.. Even they don't have a trophy, longevity is enough proof na magaling silang coach. Lastly, sayang di umabot yun dalawa, Rick Adelman and Nate Mcmillan. Lastly, is Mike D'Antoni, although no championships yet, entertaining yun style niya. Lalo na nung nasa PHX pa siya.

Siyempre di naman ako lahat yan. hehe Ang gusto ko sa pagiging coach, maninigaw ka ng player. hahaha Like for example, "Oh anak ng tokwa, benta ka ha!" "Umayos ka ha, uupo ka!", "Mga bwisit, patalo ata ako kayo ha!" "Ang play natin na ha, screen, pick and pop, kaw wag ka tatanga! Kaw wag kang bobo" hehe "Ano ka ba naman, star player 2 points, bumebenta ka ata ha!" "Ref naman oh, kita naman foul, ano kailangan para maging foul!"

Saka gusto ko esksena na nathrown out kasi sa technical mo. hehe Tapos mas natalo yun team. Hahaha

Mga ganun ba, actually ginawa ko lang yun. hehe Pero saka gusto ko sa coach, nakakainspire ka ng mga players no, di ka strict at alam mo kaya ng player mo. Saka always go for the win, kahit minsan tambak na eh, show hope naman sa players para sa next game. Siyempre, kahit papalit ang mga players mo, at least, makikita ka na magaling na coach di ba. Yun naniniwala sa system mo. Pero iba talaga, palpak. hehe At marami niyan sa NBA. hahaha

Anyway, ganun ang siste at aminado naman mahirap maging isang basketball coach. Lalo na pagwala na tiwala sayo, like the coach sa DET last year, lahat di naglaro kasi wala ng respeto sa coach, ayun naglaro, 6 na player lang. hehe Basta siguro pag ako coach, depende din sa team eh, pero gusto ko yun ginagawa ko sa NBA live, post up offense. Pick and roll, tapos sa defense, half court trap. Yun lang. Mananalo kaya ako sa tunay na game?


No comments: