Belligerent ghouls
Run Lourdes schools
Spineless swines
Cemented minds. hehe
Well, yeah.. Sort of siguro.. hahaha Of course, the most visited place after HS, is still this school. Malamang kasi malapit lang sa min, minsan nga pwede ko lakarin na lang. By the way, Manchester schools yun ha. From the smith's songs. hehe
Before, those buildings are not color blue, they were light brown.. But still yun buildings dun are the same. Grade School buildings are in Aircon na. Tapos, well, naiba na yun name ng sections, I don't see my former grade 2 section was Macopa anymore. Parang santo na halos lahat. I still prefer yun dati. hehe Grade 3 was Yakal, Grade 4 was Paris kung di ako nagkakamali, Grade 5 malamang La Verna, at siyempre.. Grade 6, St. Jerome. What a name of a section, St. Jerome. hehe
Although the grade school, has still the same land area, eh.. I was smiling and somewhat sad inside.. I was kinda hope if I could enjoy those past years without this bump in my head dati, siguro di ako mabubully or nasaktan. Maeenjoy ko pa yun GS and HS talaga. Kaso hindi eh.
But kahit ganun, smiling kasi until now, kids still doing the same kulitan.. Takbuhan, mataya taya.. PE sa kabilang area, sumisigaw ng 1-8 then 8-1 na now, marealize mo walang kwenta. hehe Siyempre kids nowadays doesn't play more of traditional games, due to the advent of tech gadgets. PSPs, Ipad, cellphone, or Itouch.. Di ko na nakikita yun mga text cards, dampa at iba pang kalokohan na laro. Hay those days, siyempre, di mawawala.. Yun suntukan after class. hahaha Which di naman ako nasali dun..
After some minutes there, of course, you'll go to HS side of Lourdes. Nakapasok naman ako dati kasi kay Sir, pero yun din, although blue naman talaga dati pa, at least now, lagi bagong pintura ha. Di kagaya dati, yun kulay nun pintura, eh ganun na nung kina Kuya Alpro. hehe Canteen changed, hmmmm wala na yun pinakabudget meal sa lahat!!! Isang order ng Siomai tapos 4 rice, recess lang yun. hehe Tapos lunch pass sa lunch para kay aling Lourdes ah este uwian sandali. hehe
CAT room still the same, Boy Scout's room? Ewan ko kung meron, pero buenas kung meron ha. Kami wala naman dati, pakalat kalat lang. hahaha Stairs still the same, I forgot kung may aircon din sila, pero dapat wag na, kasi alam na.. Ang amoy after ng PE tapos may magpapabango.. Ayos na. hahaha Ewwwww.. Hmmm, di ko na nabisita yun mga laboratory.. Siyempre di mawawala yun not because of science classes.. But for some nasty things.. Alam na. hehe Sad thing lang siguro, yeah, buti pa HS ngayon coed, eh kami, kailangan pang mangraid ng all girls school para makikilala ng girls. hehe For me, nah, sa interaction ko lang nagawa because sobrang shy ako nung HS.. Yun iba, talagang likas na malalakas ang loob.
Of course, wala nang mang John burger, kakamiss lalo na pag gutom ka pa at bago pumasok, mang John muna. Mura eh, 16 pesos ata double cheeseburger, the cheese is queso. hehe At siyempre, ang institution sa lahat. Di ka Lourdesian pag di ka kumain ni isang beses sa Lourdes snack!!! Hi Aling Lourdes and company! hehe I'll reserve one post for them. =)
When I see those kids going out from HS, they look fresh ha, kaunti lang yun parang nerd o castout.. Unlike in my days, pero wag ka, grabe pala ang mga bata ngayon. May mga average ng grades 75 pababa, at marami sila! Naku po.. Ano nangyayari sa kanila.. Dati, grabe, kahit may mga maloko di naman sobrang tamad magaral, pumapasa lahat. These days, I don't know, maybe they are much glued with new things, what's in or out, carefree.. Geez.. Kids shouldn't be thinking like that. Oh well, one factor siguro kaya sila ganyan.. Wala na yun mga best teachers na maguide sa kanila. =( Damn, I miss those teachers. Siyempre ng buong batch din. hehe
Ah, di makakalimutan ang escape route bridge, ah este yun bridge.. Maraming tao dun pag intrams dati. Takasan eh. hehe Yun gym, I don't know pero dapat di semento yun. Classrooms, still the same, oh classrooms, what happens there, stays there, forever!!!!!!!!!!!
For the people, well, from the present teachers and admin.. I haven't really talked to them again, pero kaunti na lang kasi yun mga luma talaga. Siyempre yun beloved Prinicipal eh kilala namin, dating english teacher yun eh.. Pero matalino naman, liberation of mind ang tinuro sa min. Alam na nila kung ano yun. hehehe
I hope na kung ano na lang yun discipline dati, sana nainstill pa din ngayon kasi di sa pagmamayabang, the system before works if not on a career wise, but at least yun values and personality, it helps. Saka yun nga, yun mga teachers na talagang sobrang galing, kahit ako di natuto kasi tamad ako. hehe
Everytime I pass there, brings back happy and sad memories but I just laugh about it because this school, kahit di siya ang pinakamagaling, I owe my values, some techinical skills and foundation of my faith.. It came here.. my Alma Matter, Lourdes School of Quezon City.
When I was asked in college, san ka nag HS? Sabi ko Lourdes, ah sa Manda! Sabi ko, ah may Quezon City po. Mas magaling. hahahaha
Di ko sinabi yun actually.
No comments:
Post a Comment