Let's describe my group of friends, although di lahat eh may communication pa, pero I just miss those times together with them. If lucky some of them until now.
Simulan ang HS at isa na dun ang Koolits!!! Well, sa counsel naman, although friends ko naman silang lahat despite what happened eh mas kilala ko kasi itong group ko in HS.
Bacnoy - Carlo pala, well, sa aming apat, eto ang masasabi kong may laro sa basketball. Hehe Maliit pero makulit. Mas magaling pa ata maglaro kaysa sa malalaking niyang kaibigan. Mabait at maasahan siya lalo na sa kalakohan, at kopyahan ng assignment. Bwahahaha Famous for being the first dude who won the magic tourney dati, kami kami lang 8 persons na naisip ko today, kaya naman yun deck niya. hehe Pero iba pa din yun first winner! =)
Now, wala ako balita, pero at least may GF, na nakita ko sa FB. I hope well, success in life at stable work. Wala talaga ako communication sa kanya. After HS kasi, di naman kami in the same college or UST. Pero di ko naman siya nakakalimutan, nandito pa nga yun sulat niya sa kin pang retreat. hehe
Nicks - Never call him, well Nicolo, or Gamaliel.. A dude which is very good at arts, whether it's poetry or acting, as evident in HS days. Ok lang siya sa basketball but mas malakas maglaro sa Volleyball. In HS, yeah he's one of my best friends than others, kasi naman sa Magic kasama ko lagi, lalo na pagpunta kina Mang Ed. At other projects nagkasama kami, and well, PE saka nakapunta sa bahay namin. Yun lang, although after HS sa UST kami pareho, AB siya, me Commerce.
Masarap kasama sa pag gawa ng project eh paano ba naman, artistic at pag may play or pinagagawa, aba dapat siya kasama mo, director ng play eh. hehe Ah, what else? Ayun, nagkita kami sa Dell pero nauna siya umalis sa kin punta SG.
Yes, for now he's in SG, beefed up dude, I mean the biggest of us 4 and looks good. I hope he'll drop by on May and kamustahan ng kaunti. hehe
Mayaman siguro to, tagal sa SG eh. hahahaha
Ron Marc - Nun HS, actually di kami talagang close because of his stature and big time talaga. May malaking bahay ka ba naman sa wacat di ba at may kaya ang family. Sa aming apat siya talaga yun pinakamahiyain pero pinakamabait sa aming apat. Yes, mas mabait pa ito kaysa sa kin. hehe
Siyempre, di naging madali sa kanya ang HS not only sa mahiyain siya, pero nahirapan siya sa grades din. Kaya tinutulungan namin siya dati at ayun nakatapos naman siya nung HS and college.
Pero yun nga, until now big time pa din. US citizen pa! hehe I can say for now, until today, siya yun pinakaclose ko sa kanila. Maraming beses niya ako tinulungan and napakabait at accommodating ng family. From parents, kahit si Rick na kabarkada ko na din, eh di sila nagbago. Sa tingin ko, sa aming apat, siya na ang pinaka successful. =) Lalo na this year, well, siya ang una magaasawa!!! Naman oh. hehe
At nakalimutan ko, naku, kung magic lang, eto na ang big time. Hanggang ngayon, yun hard to find cards, eh tago pa nila. Sample? 4 na wasteland, mint pa. hehe
Fredo - that was the name they usually call me, lalo na sa group na to. Yes, I'm also shy at ayun lagi tinutukso noon. Ah, napasama lang ako dito sa mga to. Inaasar kasi kami lagi na Koolits, yun sila John Lloyd yun eh na bata, pantapat sa gwapings. hehe Eh sakto apat yun, kaya ayun napasama ako. Lagi lang ako sumasama sa kanila, lalo na sa magic!!! At siyempre pag weekends, tambay kina Ron, laro ng PS one at kain lang. hahah Those were the freaking fun days sa HS
Now, well, parang ako na lang pumupunta kay Ron at yun iba di ko pa nakikita ulit. Lalo na si Bacnoy. hehe I hope one day, just meeting lang and kulitan lang siguro.
Sa Koolits, as long I remember eh more on tambayan kina Ron at talagang nagenjoy kami. Kainan, at kung buenas pa, nakalabas pa kami sa mall. I remember one time, may group date set up tong si Nicks with other HS girls, eh di naman nagtagal. Besides that, siyempre nagtulungan kami in our problems. Whether it's financial, at lalo na sa family or personal struggles eh napagusapan at tulong tulong kami.
Lalo na pag nagovernight kami kina Ron eh dun ang bonding. At siyempre ang magic days!!!!!!!!!! hehe
Damn, kaya naman ako nag magic kasi sa kanila, kaya lang di ko matuloy tuloy dahil naubos ako nun.
Some time, I'll be back with the right deck and strategy. Funds din. hehe
Di ko lang alam kung kaya ko na sila lalo na ang Ron Rick tamdem, pero feeling ko kaya ko na sila.
Ah, sa dalawa sayang yun champ di na tumuloy. Si Nicks, eh, forever ata magstuck sa elf deck at armageddon deck. hehe
Those were the days, and yes, looking forward someday, we'll have a good time.
We're a cool group!!! O ha!
No comments:
Post a Comment