It only took three minutes to walk from Roosevelt hanggang Lanutan St. Habang naglalakad ako eh tinitignan ko yun mga bahay at ang laking pinagbago. Sabagay, the last time I really went there na matagal eh around 2000 pa, after nun maglipat kami. Yun lugawan sa kanto, mukhang di na yun eh, tapos yun tindahan wala na. Kahit yun botika sa Roosevelt eh Generiks na. Bagong bukas. Nagugulat ako sa ibang bahay dun, biglang laki na o magandang tignan di gaya nun panahon ko. hehe
Tapos yun kalsada semento na talaga, di na aspalto. Lalo na siguro nagkarera yun mga tricycle dun. hehe Tapos may sidewalk na talaga. Malinis at magandang tignan. I arrived sa dating bahay namin, ayun.. From bungalow to a 3 houses townhouse type, two storeys each. Damn, I can't believe naging ganun siya. hehe
Yun mga kapit bahay nandun pa din, pero may mga kaunting renovations silang ginawa. Tapos sila mang Doms na tindahan wala na, pero nandun pa din yun half court nila pero may gate na.
Yun nasa harap ng bahay namin dati, kilala ni mami yun eh white na white, pero wala na din tindahan. Yun katapat namin na bahay, nagiba lang ng pintura. Sa Road A may mga bagong bahay pero yun pataas ganun pa din. Pero yun Road B pataas, aba semento na talaga. Yun pandesalan dati, ngayon eh carinderia na at paresan, malamang iba na may-ari. Iba na kasi yun style nun bahay. Yun parking ng PLDT naging walter mart na, malaki siya. hehe Pero yun palengke ganun pa din, pero malinis na sa labas.
I can't believe after a decade eh naging ganun na ang Project 7. Changes do come in handy. Siyempre lumaki na din ako, madali na lang maglakad, kasi nun bata ako parang pagod na pagod ako maglakad. Siguro dahil maliit lang ako noon. I miss those days, lalo na yun ganito, laro sa labas, o punta sa SM kasama ang family. Linis ng linis ng bahay.. hehe At mamalengke lagi sa Mu�oz Market.
Naisip ko din, na kung di kami lumipat siguro napakahirap magaral, lalo na ang work. Especially yun UST kasi napakalayo. Yun LSQC pwede pagtiyagaan pero yun UST galing Proj 7, PM sked ako nun buong 4 years ko. hehe Which is ayoko. Malamang di ako magiging masaya nun College.
At yes, paano pa kaya pag sa work, although may LRT sa Mu�oz, eh kailan lang yun. Matagal na ko nagwork sa Makati, wala pa yun station na yun. Paano pa kaya yun Ortigas o worse Alabang. hehe Wag na siguro.
I just miss those days there, and I hope kung malinis at maayos pa noon eh mas maganda yun memories ko from this place. I can't believe that I already moved and well, just leave and move on.
Besides, I'm in a better place. =)
Tricycles still have the same toda and colors. Kaya kanina ayun, mali ata yun sinakyan ko paalis. Dapat ibang toda na lang. hehe
No comments:
Post a Comment