Thursday, August 16, 2012

broken lines (collection 26)

Sa bawat boses na aking pinakikinggan,
dalawang bagay ang kailangan maintindihan.
Ano ba ang rason ng kanyang tinatawagan?
Magiging masaya ba siya sa iyong pagtugon?

Ibang tao ay madaling pakiusapan,
iba ay napakahirap intindihan,
subalit sa pagtagal, ako'y napapagod na may hangganan.
Naisip ko, kailang ang katapusan?

Sa dami ko na nakausap, at hinarap na pagsubok.
Mula sa pagtanggal, o kahit sa paglipat sa iba,
natanto ko na panahon na para makaalis sa sulok.
Ako'y kailangan ikamit ang kaing gusto at magisip ng tama.

Kung kailangan ako'y magbago ng aking talento,
kung karapat dapat mag-aaral ulit ng panibago,
gagawin ko ng buong tapat at ng buong makakaya.
Ang hirap at, pasakit, di ko inaalintana.

Ang mga plan at ideya ay nakahanda na,
nawa'y tulungan ako ng maykapal at mga taong umaasa.
Makarating ko ng tama at kaunting alintana,
ang mga pangarap sa aking naisantabi, at nawala.

Sa aking pagtanda, natandaan ko din ang aking nasumpaan.
Pagdating ng panahon, ibahin ang istorya ng aking kapalaran.
Makawala mula sa madilim na nakaraan at hidwaan.
Simulan na pagkilos tungo sa bagong daan!

No comments: