Now, di na ko pupunta ng GH, kasi wala pa naman ako pera pang bili ng kailangan ko. hehe This past weeks were hectic for me. Ulan dito, ulan doon! Bwisit. hehe Now, maaraw na, nalaban na yun mga damit at higit sa lahat, yun mga shoes ko medyo nalinis na. Pupunta na ko sa Japan Film Fest sa UP since yun flicks eh di ko makita sa aking source. hehe
Besides, makapasyal nga sa UP, at libre naman yun showing, so ayun.
Naghahabol na ko ng post para may gap ulit for next month. Still enjoying my time here sa crap company for a while. May date na nga ng paglipat. hahaha Mabuti na lang di ko pa naadd yun mga team mate ko sa FB or kahit yun TL ko walang FB. Anyway, important is well.. Same dates just need to follow.
I'm happy that US team won sa olympics at it shows na tama ang prediction ko. They need KD for the international stage or else, may talo na sila sa Lithuania or even Spain. Siya ang ultimate mismatch, I know Lebron, Kobe or Carmelo were already there, but sometimes, you need someone 100% sure na may score agad kayo. Kung US lang si Dirk, edi Dirk na ko di ba? hehe Kaso German kasi si Dirk.
I'm happy din sa UST! From ranting their performance last year, akalain mo biglaan angat sila this year.. Sana macarry nila yun momentum nila sa 2nd round! Para twice to beat sila sa Final Four. Eh grabe, basta, di muna ako magcocomment kung gaano kalakas yun team nila this year. Lalo na may mga di kilalang player na nagstep up this year. Am I going to watch another live finals encounter after 6 years? hehe
I hope Dad will be fine at wag na siya sana magaalala that much.. Sana di naman siya magworry about what happened, pero di talaga maiwasan, tapos na yun.
I am still laughing about nangyari kahapon with Algerro. Bihira kasi yun ganun moment na nabibiro mo siya, at least light yun feeling niya, kahit ako pa lang yun light yun feeling niya makasama, sana lahat ng members ng family eh maging ganun din ang feeling niya.. I know not right away but in the future's time. =)
Damn, as much I need to have an effective computer and great 2nd smartphone, I can't buy those things for 500 bucks. Geez.
Sarap pala ng talagang kalbo.. Sarap ng feeling at nakakatawa, di nila nahalata ha.. hehe Anyway, kaso appearance wise, di makinis eh! Bwisit kasi na dermatitis to.. I think I need to apply yun binigay sa kin na solution to heal some wounds, although di halata sa malayo, pero in close.. Damn! Medyo marami! hahahaha
Yun mga nacocontact ko na ehem.. Out there, di na sumasagot. 2 things! Either busy or iwasan na! Sige ok lang. hehe
Sana nga, maayos yun sked ko sa work.. Kahit mahirap yun pagpasok pero napakadali umuwi, sana yun off maiba next month. Ok naman yun 3rd session, very enlightning kaso yun lang.. Namiss ko na yun 1st session. hehe
Next month sana masimulan na ang pagiging health conscious not thru diet, but yes, sweating out for short. At every week, may film fest sa movie player ko, masyado na kasi dumadami ang collection. Dapat magamit na.. Wag na yun iba, gamit na gamit na. hahaha Especially the one in the blue sky.
What else, as much I want to have a buddy going to the film fest, mukhang wala ako mayaya.. Lalo na bukas, damn.. I'm towards going to that event, and besides baka magbenta ng OST!!! Ang Nawawala after party, lalo na yun place eh malapit sa work. Mga dalawang jeep. hahahaha
Napapadalas na din ako maglaro ng Warcraft 3 sa labas, not everyday pero yun tuwing pupunta sa Mall, lalo na pag wala naman budget to buy some things, I spent time and small money to play that old game. Damn, I just need a new, highly powered at dependable CPU. Malamang I need all the OT and AVP that I can get while I'm still here. =)
By the way, yes.. I'll try to learn screenplay writing in my own way, in the net, without a prof and just relying in my instincts and skills. Geez, this will be fun! hahaha Naisip ko na din hire a domain na, at yes, set up na ng site. Website pero di agad this year, mga sometime pa lalo na ganito kabulok ang computer.
What else? Hmmmm yun lang muna, at oo I need more books to read.. And new excercise equipment and clothes and some things, new job.. Damn it's endless!! Grghhh..
For now, what I'll do is wait, save, pray and love. Eat and laugh of course..
Listening to APO Ano Ang Ibig Mong Sabihin track, kaka LSS, bwisit kasi ng scene yun, hinanap ko talaga sa net kung ano title..APO lang pala kumanta! Pero galing ha, di halata sila kumanta.. =)
Ah yeah, Multiply, the days are numbered na ako eh naglogin pa sa kanila.. Inch by inch, they will be like friendster, ending up in a different platform.. Ah sa kanila pala eh shopping site na.
.COM companies really don't last longer or sustain yun kita nila unless it's a social site na sikat.
Or you sell something that entice the usual surfer.
Surfer like me.
No comments:
Post a Comment