Sunday, April 28, 2013

Kung Ako'y Isang..

(construction worker)


Noong tinitignan ko yun tapat namin, kasi may ginagawang templo daw.. Siyempre ang daming trabahador at ang iingay.Well, lalo na pag gabi, grabe, parang may party lagi. hehehe Pero simple lang naman ang kasiyahan nila.. Sounds, some booze at kwentuhan. Naisip ko paano kaya kung ganun lang ako?

Of course, don't forget Dad used to have a business like that before.. Hmmmmm Marami siyang trabahador. At yun iba't ibang worker, from electrician, mason at carpentry. Ako kaya? Siguro mason. hehe Paano ba naman, ikaw taga buhat ng semento, taga sala, tapos kung malas malas, maghahalo or magpapala ng semento. At kung buenas ka talaga, kaw maglalagay ng hollow blocks para sa pader. Kaya tignan mo naman ang physique, daig pa ang nag Gym. hehe Effortlessly.. Why? Because simply they do it everyday. Naturally yun katawan magadapt sa bigat at stressful work na yun. 

At di lang yun, sama mo pa ang long hours of work. Paano pa yun bigger projects like condo or buildings.. Grabe mas challenging yun. Kaya siguro mas gusto ko role na yun kaysa carpentry na magsukat, magpako or yeah, lagay ng hollow blocks at maglapat din ng pader. Electrician, takot naman ako sa kuryente at pinakadelikado yun.. Pagnakamali ka, kuryente ka or worse masunog yun bahay. hehe Or mapahamak yun ibang tao pagnakamali ka. 

Kahit sabihin natin na talagang dapat ipagmalaki nila yun ginagawa nila.. Eh may isang problema lang for them. Or even me, kung ganun ang work ko.. Almost all of them, finished HS lang. Or yun iba, wasn't able to finish HS, galing province tapos pumunta dito for luck. Sad lang. As much talent or skills is concerned, no problem pero siyempre pagdating sa ibang bagay, gaya icompare mo sa foreman or engineer, eh yun pagtatapos ng pagaaral. Although sa posisyon na yan eh pwede ka umangat pero hanggang foreman lang siguro.. Kalungkot lang na paano kaya after this real estate boom we are having now, san sila pupunta. This boom won't last long I can say and see.. A lot of these men will lose jobs, then walang income.. They'll go overseas malamang to try luck. The problem sa overseas eh down naman ang economy. 

Kaya mabuti na lang nakapagtapos ako at di ganun ang work ko. Pero kung di ako tapos, at no choice.. Well may ibang work naman like food crew or maintenance crew.. Mas mabuti na ito, kasi sa sipag talaga at tiyaga at yun matutunan mo, malaki posibilidad na di ka mawawalan ng trabaho. Basta wag lang pasaway. Gaya nung mga unang trabahador dito sa tapat namin, akalain mo sobrang ingay at minsan tangka pa magnakaw. hehe Hay.. Pero dapat, magpasalamat tayo sa kanila at sila gumagawa ng ganitong trabaho at reklamo. One of the real workers who doesn't ask for comfortable working environment, rather just asking to get paid right and protected as well. Kaya talagang mabibilib ako sa ginagawa at tiyaga nila.. 

Besides, I want to wear that hard hat. Cool in yellow. hehe

No comments: