Tuesday, April 9, 2013

flashbacks: Cooler Summer


(Summer in my childhood)

Just a collection of events of what I can remember in my childhood days pag summer!!! hehe 

Summer for kids is fun, lalo na walang pasok, di ka gigising ng maaga at higit sa lahat, almost 2 months of no assignment or what.. Siyempre, yun lang, medyo maraming sermon galing sa parents!!! hehe

~ I won't forget, the first and hope not the last, went to US after my grade 6 graduation! Kasama si Kuya Alpro. It was fun, really fun!!! Met at last mga relatives sa father side, lalo na ang cousins na napakadami! I hope, I could go back there. We went to great America, childhood dream na Disneyland, Hollywood din.. At ang aking favorite kahit di ako mahilig sa dagat, Fisherman's Wharf in SF dahil sa lintik na chowder! hahaha Siyempre, the US experience, groceries, gadgets, Mcdo, Sears, Target, KMART, The big mall in LA, at ang village na tumira kami. A lot of action. hehe Damn.. I can't wait to come back if possible. 

~ I used to yun, a day na nagbenta ako ng mga mani, banana chips, tapos yun buto ng pakwan, right there sa gate ng Proj. 7. I don't know kung bakit ako nagbebenta nun, basta naalala ko lang may naguwi nun tapos ang dami! Pwede ko daw ibenta. Ayun nagbenta ako isang araw, parang piso lang ata kinita ko. hehe 

~ Ah, basketball!!! Eh ilang lakaran ba naman malapit sa court, di ka pa maglalaro? hahaha Well, yun court nandun pa din until now, may gate na.. Pero isang court lang siya. Dati, grabe, back to back!!!! hehe At may paliga pa nun dati. I don't know now.. Basta sino sino kalaro ko nun at ayun panay laro ko nun kahit natapilok ako.. Paano tsinelas lang kasi ang gamit. 

~ Bisikleta din hilig ko nun, but due to that freaky accident, I never rode a bicycle, lalo na with a sidecar again. Natrauma. hahaha But those days, kahit kaskasero ako o nagasgasan, sige lang ang sakay sa bike with sidecar. Paikot ikot lang sa Proj. 7..

~ The reason paano ako naadik sa video games eh because pag summer na, walang curfew mag video games kahit sinisigawan na ko ni Dad! hehehe Paano ba naman, may atari, then nauso yun family computer na Red ha. Tapos SEGA genesis, then Sega CD.. At nung kasikatan na ng PSone, yun na, lalong walang pahinga to! Kahit may warning na baka madevolop ng Epilepsy, I don't care!!!! hahahaha Grabe, lalo na yun nintendo, di na ko nakakain basta makakita ng mario3, contra, Galaga, donkey kong or those 100 in 1 games. Minsan nagaaway pa kami magkakapatid. hehe Then the rest ng gaming console, ayun na, alam ko na.. Lalo't may mga games na adventure like Resident Evil, ako ang taga tapos, tapos si Kuya Allan ang susubok ulit. Naisip ko, parang ang daya! hahaha At siyempre, I won't forget na may arcade sa may Muñoz Market pa nun.. 5 piso bawat laro.. Dun ako natuto ng arcade, paano ba naman, challenge lagi sa mga skwating dun na sobrang galing.. Ayun natuto. hehe From air combo, combo sa Tekken, KOF.. Ayun na, kahit ginagabi, walang paki. Yun lang, sabon kay Mommy. hehe

~ Ah those days na pag gising ng umaga ng Saturday, definitely, punta sa QC circle. Di ko habol yun jogging or yun magbike. Tropical Hut or Max's yun hinihintay ko after magjogging kami ni Dad! hahaha Alam niya ano gusto kong order.. Every saturday yun until that accident happened. Geez, those were the days.

~ Summer class? di ko gusto yun.. Tambay sa mga bahay ng mga barkada, lalo na nung HS na may mga barkada na kahit kaunti. hehe Kaunti lang ang date eh. Ah naalala ko isa lang. haha At di dahil sa kin, dahil kay gummybear na may nameet kami with other friend. Ayun torpe ako at quiet. Pathetic for short.

~ Childhood memories won't be complete without the TV classics. From animes, Eat Bulaga, movies, tapos sitcoms, then other shows. Late night shows, yun tipong minsan paggising mo, bukas ng TV until magpakita na yun lupang hinirang sa gabi. hehe A lot to mention kung ano yun shows na talagang tumatak sa buhay ko. Makikita o maririnig niyo naman sa kin, yun ibang banat ko, malamang natutunan ko sa TV dati. hehe Saka yun influences ko din.. Hay nostalgic years talaga..

~ One summer, quite serious, ayun.. Unang partnership in business, eh si Kuya Alpro, nagtalyer kami! hehe Very short lang.. Pero grabe yun, ako yun taga pantay ng masilya, tapos ako taga timpla ng kape ng pintor namin. Taga bili ng gamit sa hardware, lalo na yun pintura. And other things.. Paano 3 lang kami sa venture na yun. hehe Kapagod din, lalo na yun pinapantay yun masilya part. Ang sakit sa balikat. Geez..

~ At there is one thing I won't forget pag summer, or even in my childhood. GI Joe!!!!!! Action figures.. My mom used to be worried na sino kausap ko na ako lang magisa, tapos ang hawak ko lang eh yun maliit na action figure na GI Joe. Paano ba naman kasi, for example.. Shaider, eh since di naman lagi may laruan ako Shaider na action figure.. Iniimagine ko yun GI Joe eh si Shaider tapos yun voice ginagaya ko tapos ayun na! hahahaha Kaya ayun, from Dad, sila Kuya, Ate, napapansin nila sino kausap ko o naririnig nila. Baliw ata ako. hehe Ayun.. Kaya sa lahat ng laruan, eto yun masasabi ko pinakamarami at dito natuwa ako.. Kasi dun ako lumawak yun imagination ko. Kahit sa movie na pinapanood ko, lalo pag action? Naku maya maya after ko mapanood, magkukulong na ko sa kwarto, kalaro yun GI Joe! hehe Mabuti na natigil ko yun nung HS na ata ako.. Kung hindi, baliw na siguro ako. hehe Napagsabihin ata ako nun kaya ako tumigil. Sorry kay Kuya Allan kasi marami akong Gi Joe niya nasira ko. Alam mo na, dun sa beywang na part. Sobrang natwist ko lagi, nasisira ko! hahaha Kahit yun mga display niyang di dapat galawin, siyempre minsan pasimple din ako.. Ayun nasisira ko. Although pwedeng ayusin ng goma, kaso manipis goma natin eh! 

~ At siyempre, yun mga outing na talagang memorable, lalo na pag pumupunta sa Laguna kasi si Mommy dun ang probinsya. Pagsanjan at Pansol, sure na ang swimming!!!! hehe Minsan Baguio din at pag budget, Philam din minsan, sa may clubhouse nila na may pool. =) Pasyal pasyal, malls or kahit sa National Bookstore lang to buy stuff, ok na sa kin. SM din lalo na sa SM North.. Naku, wala pang the block yan at Annex kakagawa lang dati, diyan na kami. Paano ba naman, isang tricycle lang. hehe I used to have this fear nung bata ako, pag namamasyal kami, gusto ko bago magsara uwi na kami. Takot kasi ako nung bata sa mannequin, lalo na pag sa gabi at yun rollers bumababa na, eh eto pa si Dad gusto yun tumatakbo ako na umiiyak!!! hehe Kaya ayun iniiwan niya ko pagpasara na.. Daddy talaga. hehe Mommy naman hindi ako iniiwan.. hehe 

Hay, these memories are indeed memories.. Staying not only in my mind, but in my heart. Whether they left me fear, or trauma.. Pero most of them eh masaya, vivid and happiness.. Great thing I have these childhood memories that I can look back and say to myself. At least, naging bata talaga ako, naglaro, nagsaya at tumawa.

I felt one time of my life despite my looks, lalo na yun pesteng bukol.. hehe

I'm a normal kid! =)

No comments: