Tuesday, July 30, 2013

unplanned 48

I don't know what to see.. Pretty unprepared to be exact.

A filler to what I should write tomorrow but mabuti na yun keep that creative side of me steady. 
It's raining and cold, alone but sitting here, staring at this wide computer of mine and just relieved. Wala pa yun biopsy report but I hope it's not really serious. 

This July is kinda confusing, work is tight pero ok lang, I mean kahit pressure sa target o medyo nagkakasakit na ko, eh at the end of the day, pahinga lang at tulog, ok na. But there were days I'm not really at myself. 

Worry creep me over at ayun, medyo nakaapekto. Sana nga nakaconfine na lang ako para pahinga, pero mabuti pala hindi, kasi wala naman magbabantay sa akin. hehe 

LeBron all of the sudden eh nagpakita na sa tin, at kinain lang naman niya si Pingris, so di naman kagulat gulat, pero sana bumalik ulit siya for a bigger event or how about the whole Miami team. 
UST having manpower problems, sana yun laban against UP at ADMU eh ipanalo na nila, para kampante sa number 2. Ibigay niyo yun number 1 sa FEU, lintek na Romeo, biglang gumaling at ok na ok siya sa kin ha. At least di bumebenta di kagaya yun isang team mate niya. Ang tanong talaga, ano ang nakain niya? Hmmmmm. hehe

After weeks of setting up this computer, I'm relieved at ready na to get this going. Sana makaVL pa ko for plans for the remaining months of the year, kaso mukhang gagawin ko na lang siya after work. Besides, di naman lagi paOT. Tama naman po, pwede pahinga din after work. 

Noong naglaro ako ng battle realms, anak ng tinapa, hirap ako. Paano, parang dekada na ata di ako naglalaro. Hahaha Yun pa lang nainstall kong games, warcraft at battle realms. If everything is in place, dagdagan natin ng NBA at fighting games. At siyempre ang pinakaimportante sa lahat, magpractice na ng SAP habang nagiipon pa ko ng budget at aral na naman na lintek na accounting crap. 

Good news, next month ay less errands for any checkup, meaning wala na pabalik balik masyado sa clinic kasi yun pala ang cause kung bakit yun ibang ginagawa ko eh nadelay na. Kabahan ka ba naman di ba. Sana normal excercise eh mastart na. Eiga Sai at around end of August sa UP! Ok na sa Shang, kaso grabe naman ang mga tao, hay, iba talaga paglibre. hehe 

Bad news, well may new LOB kami work out at ang AHT ko eh parang nesting, ang taas. Ang hihirap pa. Bwiset! hehe Pero importante, same sked, same normal life, same call free work. 
Makakaadjust naman ako.

Ah, sana naman kahit mag number 3 yun Gilas ok na. Kaya naman di ba? Sayang si Belga, dapat nasama siya o kahit Abueva, kaso hay ang liit ng line up natin. Sa bilis daw babawi, I don't think so.
Natatawa na lang ako sa sarili, I took a seminar about personalities, eh tumama yun isang quality ng personality ko. Slow to change. Grabe, kahit anong pilit ko parang ang bagal ko pa din. Pero at least, nagbabago di ba. 

I miss one close friend of mine, it's been years when she hasn't contact me.. Malapit pa naman ang birthday niya. How is she? Hay.. Sayang pa naman yun pinagsamahan namin, more than a decade, yes, it's longer than CRAP. hehe I don't know where or how to reach her.

I was able to transfer files, but sad to say some DVD files ko eh di na mabasa, ulit na naman sa paghahanap! Mabuti na lang kaunti lang yun may topak. hehe

Next month, since medyo kaunti ang errands, it's about learning ha, learning some new and inspiring things. Interesting.. =)

While enjoying the sounds and emptiness of rain.. I miss another person..
The spaced out moments with her. I guess, she's very busy.. Damn busy.

Worth waiting for her. =)

Feels good to have someone you have the same wavelength. Rocking wavelength..

She's fine anyway.

I'm fine too.

No comments: