Sunday, April 27, 2014

Public Service: How to get a Philippines Passport

Salamat sa nakalagay na expiry date sa passport ko, this year na pala ang expiry. September pa naman pero nung may news na gagawin machine readable na daw ang pesteng to, aba naisip ko na kumuha ng passport. hehe 

Actually renewal lang naman kukunin ko pero for the sake of many, well parang same step lang naman for getting a passport first time.

Best way to check it, go to http://www.passport.com.ph/. Check yun mga requirements lalo na sa mga bago. At my case, binasa ko nga lahat, at dinala ko pa lahat. Kinabahan pa nga ako kulang ako isa sa secondary requirements. Anak ng tinapa pagdating sa DFA, yun lumang passport lang pala ang kailangan. Nagabala pa ko magpxerox at dalin yun ibang ID! hehe Pero in your case, better to bring lahat ng requirements para sigurado. Iwas abala kung baga.

Great thing sa renewal eh, first of all ayoko pumila sa may MOA na DFA, kasi literal na kailangan maaga ka pupunta dahil sa dami ng tao. Hanggang labas pa naman ang pila. Ok na yun dati sa may Pasay, malapit sa Cuneta astrodome, kahit mahaba pila eh mabilis. Pero mabuti na lang sa mga panahon ito, marami ng DFA centers for passport. Isa yun siyempre sa may MOA, bandang EDSA cor Macapagal blvd. May isa sa may malapit sa SM Manila. Mayroon isa sa Gale at Megamall din, at may bago pa sa may Alabang. At ang pinakalatest and convenient sa kin, Ali Mall. Bagong bukas. hehe Kaya nung nakita ko na news yun na magbubukas sila nun, hinintay ko talaga muna bago ako magset ng appointment.

Oo nga pala, di pwede walk in. Except sa Ali Mall na nakapaskil dun pero sabi tatanggalin din nila yun walk in. Ang maganda eh malapit lang sakin at higit sa lahat, di ako biyahe sa Ortigas at Megamall na ayokong puntahan. 

After mag set ng appointment, wag kalimutan iprint yun form, 3 pages yun at be sure na pupunta kayo dun at least 30mins before the time. Ang ginawa ko, yun nga pero ang matindi pala dun. Anak ng tinapa ang tagal sa picture taking! hehehe Eh yun una madali, verification ng form then payment tapos eto ang nagpatagal sa lahat. Biometrics crap.

Mabuti na lang well kahit may pinapalabas silang DVD, eh may dala akong Spectacular Now. Grabe, that film is like 80's nostalgic teenage life and love with a more serious tone na sa sobrang tagal, patapos ko na yun film, eh dun na ko sa climax, bigla ako tinawag! hehe Nasira ang viewing pleasure. But that's not all.. Nung sa part na pipirma ka, ang hirap magsulat, kailangan confine mo yun sulat mo sa maliit na space. Grabe, ilan beses ko inulit at ayun, awa ng Diyos tapos. 

Regular processing eh 950, which is 15 business days na totoo nga. At yun express na 7 business days ata, 1200.00. Gipit ako at di naman ako lilipad agad agad, so dun ako sa Regular. At siyempre ayoko ko na bumalik kahit malapit lang, so paLBC ko, 120 yun. 

A total of 1070php is needed for a Philippine Passport. 1320 pag express. Well, as usual LBC eh mabilis naman, namiss ko nga yun unang araw ng delivery, pero bumalik sila next day. Passport looks international at least. hehe Yun pirma talaga na paulit ulit ko ginawa eh napakaliit. Bwisit. hehe 

Well, yun place maganda ha at tamang tama, after nun eh kahit di ka naman magmadali umuwi agad kasi Cubao lang naman, ako kumain pa muna. Pasyal pasyal. hehe Kaysa sa Ortigas o kahit MOA eh pagkatapos kumuha ng passport, uwi na agad, dahil maiipit ka. 

Ok yun program ng DFA na ganun, more offices and it will help a lot of Filipinos na di na mahihirapan pumunta gaya dati na Pasay lang pwede. Now, marami na centers at sana damihan nila, lalo na sa Probinsya o Munisipyo. Aba may mga nagapply na galing pa North or iba, South pa. Kaya well damihan lang nila. 

Yun pirma part na yan, baka pwede naman nila lakihan yun space, I mean kung ang reason nila eh international standards, baka pwede naman madali yun process na yun. Kakabad trip. hehe 

Well, saan maganda kumuha? Ok yun Cubao, kaunti pa lang pumupunta dun. hehe Saka yun malapit sa SM Manila. Or yun sa Megamall din, pero yun lang, maaga appointment kasi pag rush hour, baka pasyal pasyal ka muna dun bago umuwi. =)

No comments: