Friday, May 16, 2014

Public Service: How to get or renew a LTO Driver's License

Ika nga sa kantang overdrive, gusto ko matuto magdrive kahit walang lisensya! Grabe. hehe

Mahirap yun, kaya kailangan kumuha ng lisensya. Nakwento ko naman kung paano ko nakuha yun akin, basta student permit muna tapos pag mga 1-3 months ata, punta sa east ave or tayuman sa Manila at kumuha ng either non pro or professional license. Malas ang mga kukuha ngayon, may talagang driving test kasi may idrive kang kotse, unlike me dati, pasara na, tanong kung marunong magdrive, sabi ko opo, check check, ok na. hahaha

Well, sa renewal eh eto ang pinakamadali, kasi sa daming LTO branches na pwede puntahan halos lahat ata ng cities eh may renewal Center. QC lang eh, except east ave, ahhhh, 4 na agad. hehe 2 dun eh walking distance pa sa bahay. Sarap. hehe Kung gusto presko at pasyalan, sa SM North. Gastos nga lang. hehe

Dalin lang yun papaexpire na license. Remind you, pwede before expiry date ng license magparenew na, at least 6 months ata pwede na. Check na lang lahat ng details sa LTO website. Madali lang naman ang steps, sundin na lang yun mga nakapaskil sa opisina nila, di naman marami tao, except sa kakabukas lang, pero after nun, sulit lang, madali at mabilis. Parang wala pang isang oras or 30 mins less, ok na. Naku wag kalimutan ang resibo ha sa lisensya.


Ang problema lang, gaya ngayon na dapat kukuha ako kaso, tight budget! hahaha

400-500 plus sa license, lahat ng fees at yun ID mismo.
200-300 sa med exam na walang gagawin kung hindi sumagot sa mga tanong ng doc at tingin sa opta board, pag kailangan ng salamin ok lang. 
150-200 ang lintek na drug test, urinary test lang naman. May isang senador ata gusto tanggalin yun which is oo nga naman. Para tanggal lagay, este bawas sa gastos. 

 Parang 900 lahat ng gastos. Diyos miyo, parang passport. hehe Actually as much eto yun pinakamadali puntahan at process, eto yun di ko nagagamit kasi wala naman ako kotse, at higit sa lahat, kalimutan ko na magdrive. hahaha

Well, I should get a car, even the second hand tapos magamit naman tong license. Di ko papahuli sa mga buhaya este mga alagad ng batas, kasi sa tingin ko di akong paspasan driver. Sweet driver ata. hahahaha

Anyway, yun lang, ah ang problem ko pala, eh mali yun una nilang print sa ID ko, walang II. Pero sabi dalin lang daw yun xerox ng birth cert. Magawa nga sa renewal ko. 

Gusto ko matuto magdrive kahit na walang kotse! =)

No comments: