I don't know sa Chinese companies, pero they are such a poor brand name makers, who'll buy a smartphone in na ang pangalan eh weird. Or sometimes nonsense. Me! hehe
Well, I did not care about the name. Nabili ko eh itong W100 nila, after a long search of which phone I'll buy after that bonus eh dapat Optimus G, but I'm quite tight sa budget. hehe After reading blogs, at reviews sa websites, eh I've decided to buy this one. Bigger than S2, a bit smaller than S3, a price that really let's say worth it. Well, may myphone Rio na but that was kinda late, it took 5 months to have a phone na bumaba into 5k range.
This phone, has quad core, mediatek CPU parang 1.2GHZ speed, 1GB of RAM, almost 2GB of internal storage, pero may expandable hanggang 32GB. Dual Sim, regular sim pwede, wifi, 3G which I don't use dahil sa settings and yes, telcos doesn't really give you a good speed anyway sa net. 3.5mm jack for headsets and 4.5 inch screen. Well, alam ko sa Rio eh 5 inches but I can't wait 5 months at that time na binili ko to. hehe Price is 6400, promo pa kasi that time.
Sulit! hehe It runs pala sa Jellybean 4.2 Android OS, which is skinned na Xiaomi Launcher, ah pwede icustomize, download sa site nila. Finish has a plastic back pero ok yun screen. Yun settings sa screen naka off yun bright settings pero malinaw pa din. =) Ah camera, 8mpeg at the back, 5 at front which I don't really use. Di ako sa camera or selfie crap features. hehe
Sounds, well, you need good headset na talagang malinaw naman sa tunog. Pero mas maganda pa din yun Galaxy Young na binili ko pagdating sa sounds, kasi di todo yun malakas na. Dito, kailangan todo ang volume. Download na lang ng music player kasi crappy ang stock player nito. hehe
Of course, the usual apps are running, kingsoft, the social apps, bank apps. hehe At siyempre, the second important thing sa phone, it can run movies seemlessly! hehe Kahit malaking video file, walang problema. Ayos, yun palang sulit na ko.
Ang problema lang, hmmmm setting sa net kasi since china made at import dito thru Novo Tech 7, eh walang default settings sa telco. Kaya papaset mo pa sa kanila. Battery, actually, matagal naman, kaso mga 2 days of idle or a day if you use everything. Buti na lang may spare na kasama. hahaha Yun vibrate din pala niya, sobrang hina, minsan nakakagulat na may nagtext na. Bad trip. Pero pag may tumawag, sobra naman sa vibrate.
Ah, texting, maganda ang UI nito pero talagang kailangan malaking phone ako kasi yun daliri ko talaga, sabit yun ibang characters. hehe Pero ok siya sa texting, calls and contact.
Ok na sana, kaso one day, I don't know what I did, basta may lumabas na chinese characters sa boot up, ayun, burado lahat!!! WTF! hahaha Third important feature sa phone, backup data. Mabuti na lang, well, ulit ako lahat, kahit yun SMS na importante nabura, eh I learned my lesson, use that freaking backup app.
Anyway, ok naman siya sa bulsa kasi maliit at natutunan ko talaga na kailangan 4.7inch pataas ang screen kasi sa texting medyo hirap. Although better experience than galaxy young pero yun na lang, screen size. Auto rotate naman siya pero hassle pa, lalo pag nasusurf na ko. Maximum na pwede 5.5inches, 5.7 pwede basta note 3 pagbigyan ko na. hahaha
Sulit siya at I recommend it, at mukhang di ko bibitawan muna kasi pang all around, kahit san pwede ko dalhin, mura naman at compact. Camera? Well, ok naman siya pag well lighted, pero sa gabi, eh di maganda. But di ko siya ginagamit, kakatawa, noong 6300 days eh panay picture na ko at masaya na sa 2mpeg camera. Nung 8mpeg na, aba, parang di bigla. Well, not really my type these days. Weird.
Nahawakan at natest ko yun THL na octa core na sobrang gaan, bilis at nipis, yun ang sulit pero sana yun presyo, babaan nila, mga 9K. hehe Wala naman LTE yun eh.
Next smart phone? Hmmmmm it should be Great. Gorgeous. =)
No comments:
Post a Comment