I love sports but di ko naman ginagawa. hehe Siguro kasi napilay na or masama eh kitinamaran na. Pero nanonood pa din ako ng events and be updated perhaps. Pero di ibig sabihin nun na gusto ko lahat. hehe
Sa daming sports eh dalawa yun ayoko ko makita o pagtiyagaan.. Una yun cricket na kakaboring, at grabe ang tagal! May after tea session type games pa ang timang! hahaha Grabe basta I don't bother that paddle game. I tried to appreciate it pero it's just a waste of time at field na ginagamit nila. Masaya pa ata tumbang preso dun.
Another one which I don't like, sad to say is soccer. Yes, sometimes I just look to the score and ok, yun na yun. Wala lang. Pero gusto ko yun iba't ibang klase ng goals lalo na yun parang jack knife ni Guile ng SF na goal, astig! Pero di naman madali gawin yun. hehe
Please pag kastart ng game, ayun titigan ko kung ano gagawin ng team. Formation at yun attack lagi pero daming times na out yun bola, passing, punta sa kabila at long kicks, basta more boring time out of 90 minutes. Pero nagcheer naman ako sa Azkals kahit papano. hehe
Anyway kung ano pa masabi ko. Well maraming position sa isang soccer team, pwede bang team manager na lang or coach? hahahaha Dalawa lang naman familiar ako, striker or midfielder. Striker eh yun parang Kobe sa basketball, bwakaw para lang mag goal. hehe Midfielder parang PG sa basketball. Edi naman ako bwakaw, so Midfielder na lang ako. Gusto ko yun iba ang mag goal! Darn, ang kilala ko lang midfielder na active, sino ba? hehe James Younghusband! See, local pa kilala ko. International... Hmmmm ahhh.. Retired, Beckham! Kala ko si Cristian Ronaldo or Messi pero hindi eh.
Ah yun, wala lang basta nasa gitna lang din pasa sa kaliwa o kanan, then pag aatake na, abang na sa magandang spot. Halatang di naglalaro or umintindi ng futbol! hehe Pero sa futbol in fairness, masasawa ka at madevelop ang endurance, stamina kasi puro takbo, talon at slide. Kaya minsan nga, mabuti kaunting gasgas lang nakukuha nila. Pero more prone sa injury lalo na sa tuhod. Katakot.. 90 mins pa naman yun match.
Gusto ko yun mga uniforms nila, lalo na yun shirt, pwede nga pamporma. Shoes, ayaw ko, para sa court lang talaga yun. Napapansin ko din sa futbol yun mga maraming gwapo player so malamang gwapo ako pag nagplayer ako. hahahaha
At siyempre may victory dance din pag nakagoal! Hmmmm alam na ni Rheg kung anong dance yun. hahahaha
Well, ah yun lang. Actually naisip ko, parang ayaw ko talaga ng futbol, lalo yun maglalaro sa ulan.. Grabe, dungis ka na nga, baka magpulmonya ka pa!
Ayoko to.
No comments:
Post a Comment