Nasa gitna ng buwan at ako ay nagpapahinga. hahaha Nadelay yun pasok ng new work ko kaya salamat sa isang linggo eh nakapahinga ako kahit papano. Yun nga lang mukhang magigipit pa ata ako. hehe
Bukas eh mukhang may uuwing luhaan, na maaga, I did not expect na Spurs eh dominated ang series lalo't wala naman sila binago. Iba talaga yun Spurs, first time nanalo ng championship ang isang NBA team na puro european player. Di lang mga mahina european player ito, grabe eh all star team na to sa Europe. hahaha Saan naman kaya dadalhin ni Lebron ang kanyang talents, well he can stay Miami or back to Cleveland. Or better yet, pwede muna sa Bora. hahaha
Maiksi yun ginawang ko broken lines, magandang simula to go back doing what I like at my spare time, doing scrappy literary works such as poems and sonnets, haikus or whatever. A good start.
I love this new room, where I spend my first days dito sa Tuazon, still remember watching home cable sa kwarto na to. Maybe I'll just stay here while I can.
Masaya ata PBA ngayon, kakatuwa panoorin yun Air 21, lalo na yun import nila na grabe magdunk. hehe Pero natatawa ako sa Ginebra, lumalabas ang triangle sa mahinang team, pero sa malakas na team, kangkong pa din.hahahaha Mukhang pabora na ata to ha!!!! Feeling ko ang magchampion eh either sa tatlo, TNT, RoS, or pagrandslam na Coffee Mixers. Yun lang hula ko. Sa Gilas starting August ata sa world cup eh buenas kung makadalawa panalo, ok na yun isa. Bad trip pagwalang panalo sa prelims no. Kung iisipin, buenas pala tayo sa bracket natin, kasi kung sa iba na may US or France na bracket, pasyal pasyal sa Spain ang gagawin natin. hahaha Mabuti talaga na si Blantche nakuha natin, at least stable position siya saka talagang NBA player yun. Mabuti hindi si McGee kinuha natin kasi mag shaq a fool lang tayo sa world cup. Nakakahiya yun. hahaha Magkakalat lang yun si JaVale.
Kakatawa yun DOTA night kagabi with Igz, lalo na pag nag AR na, Pakain lang kami sa scourge, paano naman, napakawalang kwenta yun nakukuha namin hero. Pafeed lang kami sa kalaban. hahaha Malapit na din ako magpahinga muna diyan lalo na sa new work. Self study and the same time practice.
Dapat kanina pa ko nagsulat kung dahil sa PBA at DOTA, pero naisip ko, lasapin ko na to. New work is a different field and unfortunately, different time. Great thing eh malapit lang. hahaha Kaya dapat lasapin ang pahinga, at higit sa lahat set everything in order first.
Damn, mukhang kukuha na ko ng stable internet connection. Sometimes, not all free things are good. hehe
Wala pa ko naiisip na topic for the remaining posts for this month. Hmmmmm I don't really like exert effort pa lalo na this month, para pahinga naman sa pagsulat kaso with this long post, kailangan ibalik na ang sigla sa pagsusulat. Madali lang magisip for those topics, just need to save ones for the next month.
Mabuti pala sa newegg.com, eh mukhang dito na ko bibili ng mga computer parts, lalo na HDD, grabe, laki difference kaysa dito. No offense sa pcnetmiles which siyempre the best pa din, kaso pag isa or two thou ang difference, kahit dalawang linggo shipping, I'll wait. hahaha Parang HDD lang naman yun naresearch ko. I'll check the other computer parts baka dito na din ako bumili.
Like I said, this month is birthday month, kaya tapos na ko, yun iba pa. Kung sino pa yun may mga birthday sa June na di ko alam, happy birthday na lang! hehe Advance or belated.
Ano pa ba, hmmmmm siguro eto na lang muna. Nothing new to me, sa ngayon. hahaha
Makasulat nga ng letter for my TL muna. This is short. You know what it is.. =)
Wow, napahaba ata ang unplanned post ko, first time after many posts. Talagang on the spot talaga. Tama na muna dito. I need to stop at this spot.
No comments:
Post a Comment