Nung galing ako sa last break ko, at nakikita ko yun glass door sa gateway tower 2 bumubukas mag-isa.. Kinabahan na ko. This storm is no freaking joke. Actually Tuesday morning na dapat dumaan ang bagyo pero nadelay, PAGASA announced, it will coast on Wednesday at dadaan talaga sa NCR. Stronger than Milenyo daw. Ibig sabihin, wind type talaga to na scary.
After that break, well bumalik ako sa station and I'm hearing rumors na wala nang kuryente in most areas. Di ko alam sa bahay kasi natutulog ng mahimbing mga tao. I don't know what to expect that time, I just want to go home.. Narinig ata ang hiling ko. Nagpower outage na sa office, on and off. Di na nga masave yun ginagawa namin. Management decided na uwian ng maaga. Nakakatuwa nga, hours earlier eh may backup business plan na in times na marami di makapasok. Sa kin, wala pa naman ako station, and training pa ko, so di naman makakapekto pa. I even volunteer na papasok ako next day basta walang baha sa E.Rod at Sto. Domingo.
Everybody is worried that time, lalo na yun mga nakatira sa East such as Rizal, Pasig at Marikina. Notorious kasing waterworld yun mga lugar na yun. Isama mo pa yun rest of NCR, starting sa Manila siyempre. QC, di naman lahat binabaha.
Quarter to 5 am nakauwi na kami. Weird but fun!!! I rode a cab pauwi at 15 mins nasa bahay na ko. Wala pang bagyo, at wala pang hangin. Ginawa ko muna reflection time and fix my bed, check muna ang mga balita sa web at natulog. Anxious pero nakatulog na din ako kasi malamig at masarap matulog.
Around 8 am, nagising ako, sa sobrang lakas ng hangin.. Yun isang bintana ko kasi sira ang screen so yun curtain eh lipad ng lipad. Tinanggal ko yun mga saksakan at turn off the switches kasi may kaba na ko. Grabe yun hampas ng hangin, naririnig ko yun mga ugong at kung ano ano lumipad na yero or stuff. At siyempre yun hangin na pumapasok sa kwarto ko. Kinakabahan ako na pumasok yun ulan at mabasa yun mga gamit ko. I tried every way na matigil yun hampas ng hangin sa kurtina ko but I failed.
I prayed dearly na sana di kami masaktan or well, no damage sa bahay. Pinabayaan ko na lang yun kurtina, at medyo kampante ako kasi di naman malakas yun ulan. Yun hangin napakalakas lang.
Nakatulog na ko.. Kahit walang electric fan and stuff.. Sarap matulog. My fan stopped working so I guessed, well wala nang kuryente.
I felt na sobrang tanggal ang pagod ko sa sarap ng tulog..
Well, I thought I did have a great sleep until I open my weary eyes..
For one of the scariest scenes I saw in my life.
No comments:
Post a Comment