Napapadaan ako sa National Bookstore here sa Quezon Ave, eh di lang malaking national bookstore ang mayroon, may Music One na dalawang floors, parang tower din at pwede ka pang makinig ng sounds.
Actually parang mag isa lang ang may ari nun tower and music one dito sa pinas dati. hehe Sikat din si Odyssey at Astrovision, kanyang kanya lakihan ng pwesto and release of new albums and home videos.
Years past, well yun tower sa ATC now became a fashion retail shop. Music one, matagal na wala, kahit sa greenbelt branch. I don't see one either kahit saan. Odyssey eh maliit na lang, bumibili pa din ako pero phillips headset lang. hahaha Astrovision, well, paliit na paliit yun pwesto. They sell console games na din and surprisingly vinyl.
Due to internet and well technology advances, halos mawawala na sila. Lalo na these days na dumating pa ang music streaming services such as spinnr and spotify and the likes. I mean, parang collecting music eh katamaran na din, bayaran na lang yun mga music streaming services to fulfill yun audiophile needs. It's sad, unlike those days na pupunta ka ng music store, pakinggan yun cd after some songs and bili na. Now, specific song eh pwede mo na bilin, not the whole album.
I don't like that neither. hehe I prefer getting the whole discography or album, kahit isa lang trip kong kanta, eh ok na yun. Minsan kasi kala mo panget yun album, eh maganda pala. hahaha
Videos or movies, well, may netflix, may illegal, at faster release ng theatrical version dito. Dati huli tayo sa mga theatrical release, months talaga. Ngayon, some blockbuster films, eh una pa tayo kaysa sa US. Great examples, Cap America 2 and Avengers, una tayo sa US. hahaha Kahit minsan tumingin ako ng mga videos, although yun bago talagang mahal, pero yun iba mura na, wala pa din bumibili. Like I said before, video rental shops were gone, well, sadly baka ito din. =( Kaya di lang videos or daniel padilla albums ang binebenta nila, they go to music accessories, video and even karaoke! Geez.
Malungkot kasi mas maganda yun lalabas ka ng bahay, tapos tingin ka ng mga albums, test every album and out na. Kahit wala ako bilin, basta babalikan ko siya. hahaha These days, with the power ng net, eh parang di ka na lalabas ng bahay. Load lang and net connection, ok na. I prefer still going out and check albums. Pero now siyempre check lang sa net kung ano maganda, and ehem, get it in the other way. haha
Pero importante pa din sila, I mean lalo mabuti yun mga artist na they prefer selling albums di lang sa itunes but sa record stores, and mas special edition agad. I hope tuloy lang nila yun. Even yun mga box sets, kasi di naman lahat dito eh can afford ng net, lalo na pag mataas na speed. hehe Kaya mabuti nagbebenta na legal na box sets, keep it that way. =) At maganda pa, benta ng tickets! So some record shops eh exclusive or pati sila nagbebenta ng mga tickets ng concert so maganda yun, para may pumunta din sa kanila.
Well, pagtagal di natin masasabi with the new strategies na ginagawa nila will keep them afloat but I still hope they will be there..
For a long time. =)
No comments:
Post a Comment