I'm checking some news around the world, lalo na some politics news in US and Japan.. Japan now focusing sa Abenomics and some serious problems like data fraud, drone usage and even a law to check the dementia of elder drivers.. Weird.. Pero trabaho sila ng trabaho.. Getting things running and deliver to the people.
US naman, well they are busy with reaching yun promise nila about protecting the seas sa south China sea and wars in the middle east. For short, showing their military power despite huge budget deficit. Wala naman sila paki kasi sila naman gumagawa ng US dollar. Good insurance.. How about the police brutality crimes increases for the past months at other problems such as past storms sa Texas at legalizing same sex marriage in almost all states. Malabo yun pero mukhang pwede mangyari. Dagdag mo pa yun mga feelers ng presidential candidates ng magkabilang panig, lalo na si Hilary Clinton which I feel, too late. Kahit pakilamero sila at di talaga nila tinitignan yun kanilang mga problema, eh malakas pa din sila. Economically and politically, around the world.
China, they have their own big problems, and one of them is they having a delusion of owing a islands which were kinda very far from them. Maybe their argument for their claim is well, the seas are named under their country. Absurd.. However, number 2 sila in the world because of their communist politics yet very democratic economy system. Yes, kahit communist sila in a way, they punish their public officials, severely..
Sorry, napahaba ang intro. Eh pano ba tayo? May problema sa BBL na kala natin para sa lahat eh mukhang di pala. K-12 Education na hanggang ngayon di malinaw sa lahat at mukhang kangkungan tayo pupulutin. CHA CHA na dapat talaga isulong but these congressmen gave up already because of their pathetic pace. Simply slow.. Slow moving and slow thinking.. Marami pang mga problema na dapat inaayos or kahit papano may nangyayari, eh wala naman. Wala talaga, hanggang speech lang sa media or report, ok lang sa kanila. Kakatawa...
Yun mga sumabit sa mga scam o lalo na yun mga overpricing and money laundering na opisyales, aba wala lang.. Nandiyan lang sila, yun iba gusto VIP treatment, yun iba tatakbo pa! Ang tindi!!!! At ang headline lagi ngayon...
Ngayon ha, puro si ganyan at si ganito, tandem si ganyan o si ganito mababa sa survey at mukhang ayaw ng partido.. Aba..
Isa lang masasabi ko, etong politika natin eh parang larong basketball. Paano? Naku kung yun araw ng eleksyon eh parang piyesta lalo na pag palapit na.. Yun isang taon bago mag eleksyon eh basketball na! Nung bata ako or even I'm working, usually ang kandidato, ang intention to run at feelers, ginagawa at least sinisumulan couple of months bago mag file ng candidacy.. Sa pagtagal ng panahon, aba.. Taon na! Eh yun isa diyan, 3 years ago pa lang, announce na! Grabe.. Tapos etong one year before, kanyang kanya hanap na ng partido, intensyon at higit sa lahat, campaign ads na!
Sa basketball, let's say yun player eh tumira.. Yun ang botante, tinira niya yun bola sa ring, malamang.. Ala naman magpasahan lang kayo at di ishoot yun bola. Yun ring eh goal kung baka or whatever. Siyempre the most points your team score, you win di ba? Eh siyempre yun bola di naman lagi shoot, malamang kailangan may magrebound! Ayun na malamang tatalon ang mga player para makuha ang isang bwisit na bola!
Siyempre yun iba may gulang, siko o kung matindi eh talunan mo na yun mga kalaban mo. Eh pagnakuha yun bola, ala naman papayag lang yun iba, siyempre susubukan kunin niyan. Pag hindi, well, fastbreak, half court set at yun na. Eh minsan, pag talagang nagkabalyahan na or nagkapikunan na o minsan tanga tanga yun mga officials.. Aba nauuwi sa suntukan na lang! Parang barangay lang or MBA. Sorry for the MBA, natatawa lang ako, kasi yun mga last days nun, grabe, every game, upukan ang ending. Grabe kaya yun, wala na MBA.. hahaha
Ganun ang mga pulitko natin, grabe sa gulang, balyahan, buwakaw at higit sa lahat manira ng kalaban. Kung baga may mind games pa.. hehe Kaya nakakabwisit yun mga political ads na kesyo may nagsponsor, or contribution, hay naku. O kaya yun mga simpleng tarp lang sa mga poste or wiring, kahit wala pang mukha pero may mga pangalan na! Mga style talaga bulok. haha Saka yun mga kunwari kaibigan tapos magkaaway dahil lang di siya sinuportahan... Malamang may kaso bakit ka sasama pa sa kanya? Pero grabe, may nakakulong na, at malakas ebidensya, tatakbo pa ulit! Kung baga sa basketball, dapat na technical foul, eh personal foul lang at lalaro pa? Parang nakita ko lang yun nung isang araw, may sipa at tadyak, di tinawag. Hay ano ba ref!
Yun ref, Comelec! Wala lang, kung baga taga pito lang ng foul, ayaw mathrown out kasi may ehem baka nabayaran kasi.. hahaha Yun ibang fraction, sige di lang tawagin.. Tapos pag may mali tawag, judgement call. Tama! Ganun ang comelec, ok lang yan, may mali at tama naman ang tawag. May power naman kami, like it or not.. Taga sala lang naman sila ng candidates pero yun mga simpleng gagawin dapat di naman ginagawa.
Gaya na lang ng election ID, aba sana may makuha na ko this time after twice na ko nag pabiometrics.. Diyos miyo.. Parang pang class election ata sila magaling.
Eh pag ganun ang basketball game mauuwi lagi sa away yan. Kaya yun mga manonood, tayo mga dapat talaga na maentertain, eh mabwibwisit na. Kaya dapat batuhin ng piso! hahaha Ah, naku maling interpretation but anyway..
I hope na itama na lang natin paano laruin ang game na to. Kung ibibigay natin yun bola sa mga tamang tao.. Kung mamintis yun shooting, eh yun kukuha ng bola yun responsable saka makatotoo tao. Yun sumunod sa proceso. O kung hindi, I mean may players na pagrebound eh takbo na at shoot, ok lang basta nasa tama. Iba na siyempre yun iba na pagrebound tapos magbuwakaw lang pala at wala naman nangyari, eh dapat wag pasahan ang mga hayop na yun. haha
At siyempre makinig sa fans, sa coach at naku.. Sana lagi tama or at least all the time may tama ang ref.. Kung baga, may pakinabang siya para manita at kung pwede lang, matanggal ng player sa court! Sana ganun ang takbo ng pulitika sa atin, maayos na sistema, di naman kailangan triangle offense agad! hehe At yun mga naglalaro, fit talaga maglaro yun tipong maglalaro sa team.. Hindi dahil sa sarili at lalo na sa pustahan. hehe Siyempre lalaro para sa mga fans kung baga.
Pwede simulan yan, iboto yun mga tamang kandidato. Di lang yun mukhang mahirap, mabait or masipag pero grabe naman sa kurakot at umasta..
Tignan niyo, pag tama yun mga nakalagay na tao sa gobyerno, lagi tayo sa semifinals at finals. Ok lang kahit puro runner up lang. hehe Basta aba, dapat magchampion o at least tinalo mo lahat ng kalaban di ba.
Kung hindi natin gagawin tama, naku.. Eh yun mga team na naglalaro sa game, mapupunta lang sa Boracay Cup na may consolation prize na kangkong! hahahaha
Teka sorry sa word na kangkong, baka masusupend ako. =(
No comments:
Post a Comment