Monday, June 29, 2015

Reading Comments!!!!

Minsan pag nabubugnot ako or need some accurate info, or gusto ko matawa, eh magbasa basa din ng mga comments! I hope I have many sa blog ko. Pero kaunti lang eh. Sobra. hehe Dadami din yan in the future pag naayos na.

Better yet eh magbasa na lang sa mga website na pinupuntahan ko. Siyempre di naman lahat eh legit. May mga trolls na tinatawag, na wala ginawa kung hindi magbasag ng trip. hehe Or minsan, illogical ang comment. Parang maling article ang binasa or talagang nanggugulo lang.

Usually, gusto ko yun mga comment sa mga sports sites at tech sites kasi di lang informative kung hindi laugh out trip! Gaya na lang sa spin.ph na basta PBA at ginebra article, grabe, banggaan ng mga fans ito! Lalo na yun Ginebra na lagi na lang nilait lait from management hanggang players, siyempre isama mo pa yun coach. Saka natatawa ako may mga die hard fans ang bawat team, except siguro sa blackwater and kia at mga "farm teams". hahaha

Kulang na lang eh magsuntukan na lang sila sa labas. Saka kung makacomment yun iba, kampante na pero pag natalo panay palusot! O lalo na nung past NBA finals, grabe lahat ayaw kay LBJ. Di ko alam kung bakit. Well, it's a long story pero ako naman fan niya at sa isang post na lang ako magexplain. 

Balik tayo dun, sa bleachers report lahat eh sobrang anti LBJ, paano kaya kung Cavs nanalo? Ano kaya mangyayari sa haters? hahaha 

Marami din nagagawa ng comments sa kin. New vocabulary that's first. Second, kung gusto mo matawa talaga, read comments lalo na yun mga nagaaway. Third, simply curious about human behavior. I mean, how us readers think in a certain news, or article. Paano sila magreact or ano say, maganda din magbasa. Fourth, some of the comments may sharing. For me, eto eh very helpful lalo na sa techsites. Grabe, marami ako nakuha info dahil lang may isang user nag share ng experience niya. Laking tulong minsan. Kaya ok magbasa ng mga comments kahit maganda, masama, or minsan very very offensive.

I hope na well, sana yun mga nagcocomment eh civil magcomment. Mabuti may admin na nagdedelete ng comment na inappropriate or offensive di ba. Dapat tuloy lang yun ganun. At sa mga nanggugulo, eh ok lang sila magcomment basta walang bastos. Yun basag trip lang. 

I hope that companies or even the organization reads them, I mean for marketing or strategy purposes di ba. Kahit small sample size lang ito, aba malaking tulong din ito kasi direct responses ito from the consumer or fan themselves. Sa films naman, well, feedback from comments helps for the future. Oo nga pala, speaking about the films, minsan bago ako manood, titingin ako di lang sa report, but lalo sa comments, kung 60% ng comments eh more favorable sa kin, manonood pa din ako kahit panget ang initial review/critic. Siyempre, film yun, iba ang approach. hehe Kung baga may preference rather than being a critic some time. 

Yun lang about comments. Minsan naisip ko, sali kaya ako kaso, kakaadik saka, kailangan all the time online. hehe 

Mahaba kaya ako magcomment!

No comments: