Well, it has a simple premise.. Si Akari, sa paglaki niya and graduating high school, biglang may pumuntang matandang babae sa bahay nila.. Hinahanap yun anak niya nawawala for 18 years, at yun na.. Nalaman ni Akari, ampon lang siya ng pamilya niya. At yun matandang babae nakausap niya, lola niya pala. Simple story pero it's dramatic premise lalo na pagtagal ng story.
Siyempre may mga parts na ayoko sa asadora na to.. Dalawa lang naman, una may character na pumasok at the middle of the story na bwisit na bwist ako. I don't know the character's name, dahil Raw nga napanood ko, parang anak siya nung isang katrabaho ni Akari or whatever, annoying character plus the actress as well. hehe Basta ayoko siya. Lalo na yun nangyari sa kanya sa huli, pampagulo. Pangalawa, love life ni Akari magulo. I mean usually sa asadora, it's either ayaw ng love life ng heroine or marami nangliligaw sa kanya at nakakapili naman agad. Like in Mare, grabe siya, may date siya dalawa tapos sa huli, nag asawa agad. hahaha
Dito, grabe, edi walang love life si Akari sa una, tapos yun may mga gusto sa kanya, mga nakakabad trip na characters. Yun nagustuhan ni Akari, ang angas ng dating. Bwisit din. Basta for short, panget love life niya, walang kilig. hehe
Yun lang naman problema niya. After 151 episodes, first thing I love sa asadora na to, kahit di siya fun, very dramatic naman siya. May ilang episodes medyo naiyak ako. 2 great examples, one yun part paano sila nagkabati si Akari at Hatsune, yun lola niya, nakakatouch naman yun. Another one, yun nagkita si Akari at yun tunay niyang tatay. It's emotional di yun sa tunay na tatay niya but yun foster family ni Akari. Kasi kaw ba, papayag na lang kunin yun anak mo na biglaan? Siyempre hindi. At naintindihan naman ng true father ni Akari. Actually yun drama scenes marami sa asadora na to kaya masasabi mo drama. Few fun moments pero di naman dull.
Another thing, yun aspect na pagkain, grabe yun nagpapagutom sa kin. hehe Lalo tuloy ako nagcrave sa okonomiyaki sa Osaka at Onomichi styles. Unfortunately, di siya like global dish like tempura or ramen. Wala naman ako makita na ganun dito. Grabe, parang di siya nakakasawa. Hahaha Sulit na agad. Kaya if palarin in the future, I'll eat that in japan. hehe
Lastly, the cast! I mean, despite low budget which I'll explain later. Magaling yun cast. Kahit at first ayoko ko yun artista, Takimoto Miori, pagtagal, I like her na. hehe Tapos yun supporting cast, they made their parts fit to them. Like yun mga kapatid ni Akari, tapos yun mga friends ni Akari sa Osaka, lalo na si Hatsune, ang galing niya talaga. Hatsune was played by Junko Fuji, at nakita ko na pinagmanahan ni Terajima Shinobu sa acting, kaya pala! hehe Lalo na yun mata, nanay nga siya ni Shinobu. The best supporting cast eh yun family ni Akari, specifically yun parents ni Akari. Grabe, bagay talaga si Endo Kenichi as tatay at mum si Yasuda Narumi. Galing nun dalawa yun not only as parents, but lovers I mean as husband and wife. Grabe, parang icheer mo si Kenichi as tatay and si Narumi naman, despite that deceiving look, galing niya mag act as nanay pero beautiful pa din. hahaha That beauty of hers, I mean she can defeat other actresses now. She is doing modelling for clothing line or if you look sa pictures, grabe, ang ganda niya pa din. Despite her very old age. Not very bad. haha Lalo na yun jdrama na bida si Goriki, it's a long title but that series, galing niya as Goriki's mum kahit mukha lang silang magkapatid. Interesting fact, Yasuda Narumi also lead an asadora, 20 plus years ago. When I looked yun mga luma niyang picture, grabe.. Ngayon pics na lang tignan ko. hahaha
Well, galing nun ginawa ng NHK, very low budget asadora. Makikita mo naman sa setting, sa pinili nilang cast at yun story line, di grand like carnation, or amachan or other asadoras. Ohisama, the asadora after this, eh mukhang maganda, pero pagtagal ko nalang panoorin yun. Speaking of Miori, nagulat ako na there was a band, just a new all girl real band yun lead singer eh hot. hehe Looking back, siya na pala yun. Lagoon!
Sulit ang pagkaadik ko dito despite watching most of it, no sub. Self translation na lang. hehe
Sarap talaga nung okonomiyaki na yun, ginugutom tuloy ako! Teppan pala is the stove na ginagamit for cooking okonomiyaki. Yun parang sa burger pero ito, table type siya..
Magkaganun ka kaya sa bahay mo no?