Saturday, January 30, 2016

Ginza Bairin v Tonkatsuya

Hay, this past holiday season, I was lucky to taste these 2 great tonkatsu restos. I got it right this time how to eat them. Tignan na lang sa baba. hehe

Ginza Bairin, located siya sa Trinoma and as I'm curious at going deeper sa japanese foods, I tried it out na. Sabagay, habang wala pang tao. hahaha Mahirap na pag jampacked. Anyway, I read the reviews at nagisip ako bigla parang gusto ko kumain dun ha. As usual, alone and just checking at first, pasok na agad ako.. Check their menu at etong servant eh todo explain ano meron. hahaha I chose yun basic tonkatsu set nila, parang 450 plus. Tapos, appetizer na potato salad. Then, waited of course at while waiting, ambiance is kinda light. Not the usual japanese resto na dark colors pero light setting. Eto light paint tapos light din ang setting. 

I checked the menu, they really focus sa katsu and furai set at some desserts or snack like onomiyaki na sana matikman ko in the future. hehe After some 15 minutes, dumating na yun set. Ah, I forgot, yun salad muna na nakakagulat! Chilled yun bowl! Grabe, yun ata nagpasarap sa potato salad. haha Tama lang yun dami kahit mukhang kaunti. Set came at ayun na, presentation is great. I mean, authentic japanese tonkatsu set. May gulay, fruits, tapos the pickle.. Ah.. Heaven. hahaha Yabu's set good looking pero not complete unlike this one. Speaking of the pickles, ang tamis at ang sarap! I mean, sa sobrang sarap, umorder pa ko isa. hahaha Unli naman eh. Mixing up the sauce was a bit complicated, kasi may asin tapos yun beans for the tonkatsu sauce.. Then the usual shredded lettuce. Rice, yummy one na din at ang fruits na sobrang sulit. Simple pero unli. hahaha

Of course, the tonkatsu itself, eh I can say it was fried great but I can say yabu's tonkatsu is better kasi tumutuyo sa dila eh. hehe Pero it doesn't mean, di siya masarap. Mas masarap pag nasawsaw na siya sa halo mo sauce, grabe, kahit wala nang kanin. hahaha Sulit!!! I don't like wasabi, pero dahil sa set na yun, no choice kung hindi ihalo siya sa sauce and that weird salt. hahaha Para macontrol yun anghang. Grabe, narealize ko na dalawang kanin lang at less letuce para maenjoy mo yun set. Dito ko lang natutunan yun. Kaya dapat sa susunod, less rice and lettuce, enjoy the rest! At siyempre yun pickles. hahaha I can say, sobrang busog ako, at nasarapan. No trace of umay unlike sa other tonkatsu restos na medyo naumay ako. At eto naubos ko yun set. No take outs.  I ended up not eating until next day, dinner. hehe

Tonkatsuya, kinda challenging but yes, worth the very long walk. Nung tumitingin ako at naririnig ko na tong resto na to eh in Makati. Nagkataon na inaayos ko yun HDMF ko, eh I thought, puntahan ko na ito. From the HDMF office sa buendia, nilakad ko papuntang st. paul road. Anak ng tinapa, thanks google maps ha. hahaha Salamat sa pagtanong sa guard at the yellow boys eh nakarating ako. Sa susunod, dalawang jeep lang pala papunta dun. haha May silbi pala yun PRC na jeep. 

Anyway, tama lang yun paglalakad ko para gutumin ako na todo! Eto talaga, di mo akakalain, yun lugar na pwesto niya may authentic japanese resto. Simple menu lang siya, more focused sa fry at tonkatsu. However, dapat curry pipiliin ko, kaso walang set. Pinili ko yun tonkatsu set na may grated radish. Daikon! hahaha Weird yun pinili ko at di ko ineexpect kung ano lasa at I want to know bakit yun daikon kasama sa japanese cuisine. Nakakatuwa ang place na to kasi it's not only set up japanese like, sliding doors saka very tight yet effective space, yun mga babasahin, talagang from japan.. Sarap dumekwat ng Golgo 13 at nakalimutan ko yun isang manga, di ko kasi trip. Pero yun Golgo 13, sarap sumiple. Saka yun magazines na galing japan! Kahit di mukhang mahal yun place, mukhang sarap tumambay at magbasa. Lalo na yun mga manga!

Pero, nung mababasa sana ako at nagbabasa ng menu, dumating na yun set! Ang bilis! hahaha Ok the set has tonkatsu, yun cabbage, miso soup saka yun daikon na sauce. Hiwalay pala. Grabe, inuna ko yun wasabi, mali ako! Sumakit yun ilong ko. hahaha Pero nung tinikman ko yun soup, cabbage and the sauce.. Grabe pantapat sa mga mahal na resto. hahaha Yun daikon sauce, grabe, bagay sa tonkatsu saka kanin! Sarap talaga.. Yun tonkatsu, pwede pantapat sa mga mahal na resto, kahit di masyado malaki, pero malaman. 

Ang nakakatuwa dito, all for 300 pesos! May extra rice na! Yun nilakad ko na napakalayo, biglang sulit na at di na ko nagutom until the next day! Grabe, kung ako yun at malapit, once a week ako kakain dun! Hay, sarap balikan. hehe Saka yun simple atmosphere and manga na pwede basahin, malaking points talaga. 

Anyway... Honestly, parang walang lamang sa dalawa. Ginza Bairin, sulit yun 500 plus pesos with service charge dahil sa set with that sweet pickles and very patient staff. Yun sa Tonkatsuya, kahit 300 lang, parang mas sulit pa to kaysa dun sa kinain ko sa may trinoma na napakamahal na 600 na get yourself salad with tonkatsu set. hehe Saka yun atmosphere parang usual japanese resto na fast food. Grabe... 

That's why, it's a draw! hahaha Hmmmm, sorry Yabu, 3rd place. hehe Not bad, 3rd place out of 4 tonkatsu restos I ate no! 

2nd place pala kasi dalawa ang first place. Grabe, 300 bucks.. Sobrang sulit! Yun Ginza bairin, I'll go back and try their other sets, and that pickles! 

Oshii!!!! 

No comments: