Thursday, March 31, 2016
jdrama: Suteki na Sen Taxi
Honestly, parang nadaanan ko lang yun drama na to last year. Looking for something interesting then I watched yun episode one. After that, ayun na naman, I finished the series! hehe
Ang galing kasi ng premise. Simple lang, may taxi na kayang bumalik sa parang turning point mo sa buhay. Parang may way ka para baguhin yun decision na yun. Yes, a time machine. Parang back to the future lang. Yun nga lang, mahal ang fee, kaya ang pwede mo lang balikan eh yun sa budget mo lang. hahaha Siyempre parang di totoo di ba, pero dahil magaling bumenta itong driver na to, eh yun pasahero, go naman!
Tapos yun na, the whole series was about this taxi driver catering different customers and helping them to fulfill their requests. One of the weird yet great jdramas I watched. Weird kasi parang scifi di ba? Saka the whole series, doesn't show paano nagawa yun taxi na yun. Or may iba pa kayang taxi na ganun din. Great kasi sa mga factors na nakalagay sa baba.
There were only 2 flaws I saw sa series. Una eh yun nga, guessing kung paano nagawa yun taxi or kung bakit yun driver eh parang di nagbacktrack yun story niya. I mean, makikita mo yun story niya sa huli pero kung lahat ng nadrive niya, dapat yun story niya maback track din di ba? Pero parang may law ata or reason kung bakit di bumabaligtad yun time niya. hehe Weird pero panoorin niyo na lang. Basta more questions to answer which sana nasagot kahit kaunti sa huli.
Another flaw, siyempre dahil nakakatuwa yun series, sana lahat ng episodes ganun di ba. May isang episode na parang di na align sa series. Yes, the episode 9. Siyempre nasasabik ka sino yun customer niya na gusto bumalik sa oras kaso wala eh, nakakaasar, di nangyari sa episode na to. =( Bwisit. Sana iniba na lang nila or stick to their usual plot. Kaso hindi.. I just hate that episode.
Anyway, tapos na ang flaws, let's stick to the greatness. =) Una! Cool concept! Except for the old looking taxi. Ang panalo nun concept, akalain mo na naisip nila yun. Selling time machine. hehe Saka yun part na papano siya nagwowork. Ang kulit.. hehe
Pangalawa, the direction nung series. I mean, there is no dull moments, except for that one episode. Saka kahit ganun ang concept, di siya magulo at mafofocus ka sa story itself for each episode then think later. For example, yun episode nun busy doctor. Ang daming beses niya paulit ulit yun ginagawa niya, pero di naman ako naguluhan. hehe Kasi ayaw niya magpatalo and wants to perfect her choice kaya yun, mayaman pa, kaya pabalik balik siya. hehe Yes, it's like groundhound day times 3 for each episode. Ang favorite episode ko, yun lolo episode sana kasi may twist sa huli pero yun lotto episode na lang. I don't know kung episode 4 or 2 yun. Pero ang galing at heart warming episode yun. Basta check niyo na lang.
Lastly, the great cast. Yun main cast panalo. Siyempre yun main actor na si Takenouchi Yutaka, grabe swabe eh. haha Mr. Suave! From his selling skills, to his always confusing choices at demeanor, eh kahit ako nganga sa kanya. Dahil diyan, naghanap ako ng ibang series niya. Eh in real life, ehem Kurashina Kana lang naman ang GF! Ok lang. hahaha Galing niya as the driver saka yun backstory niya nakakatuwa. Siyempre yun suki niyang cafe panalo din, yun may ari, yun dalawang assistant niya saka yun secret character na nagpasimuno ng taxi na to. Seino Nana, tough and beautiful woman. Yun lang. Saka yun bonus pang series nila na Criminal Detective na pwede din nilang gawin series, kaso sobrang gulo. hahaha Akalain mo nasingit nila ito.
That's not enough, grabe yun mga guest nila dito for all episodes! Nagulat ako Yasuda Ken from episode 1, tapos dito ko din nadiscover si Kimura Fumino na buong 2015 siya lang nakikita mo. hehe Mano Erina pa, tapos Yoshida Yo and Kuriyama Chiaki and my favorite guest, Kanjiya Shiori! Nakakatuwa yun episode niya. Kahit guest lang sila, talagang main story driver sila every episode and it was fun!
I definitely recommend this series lalo na gusto maiba naman ang pinapanood nila. It's a feel good and interesting one drama. Kahit 10 episodes lang, well ganun talaga.
Pero I'm excited kasi may SP this coming month! Sana makita ko na!!! Sino sino kaya yun sasakay sa taxi niya? hehe
Kung ako yun sasakay sa taxi niya, hmmmmm Siguro yun time na malalate lang ko. Yun tipong mga 5 mins na lang QC pa lang ako tapos Makati pupuntahan ko. hahaha Babalik ako sa time na para umalis ako ng maaga!
Or kung mayaman ako, hmmmm di naman ako babalik sa sobrang past. Yun tamang time na sana ginawa ko ito ng tama. Yun lang. No need to really go back to that, difficult past events.. Ok na yun.
Ikaw? San ka babalik pag nakasakay ka sa taxi na to?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment