Grabe, nakakamiss kasi. Nadiscover ko siya nung after college pa. Parang nagiisip ako nun kung ano pang way na madali puntang makati. Kasi kung FX, ok lang siya kaso bago ang rush hours. I mean, punta ka Makati ng 8am na FX? Naku, late ka na. hahaha LRT pwede, kaso pag galing sa amin, sasakay ka pa ng jeep tapos kung rush hour ka pupunta, wala na din. Siksikan ka sa sardinas na LRT.
Well, pwede naman bus from EDSA pero grabe naman ang trapik. Pwede naman FX from Suki kaso hanggang 9am lang sila ng umaga. Kaya napaisip ko ano pa pwede sakyan lalo na pag mga 7am pasok mo or kung gusto mo mga 8am nasa Makati ka na. Accidentally after college, nung nagaapply ako work, eto yun bus na naskyan ko at since then, pag pwede ako dito, sumasakay na agad ako.
PVP was the best alternate way. Pag mga unang biyahe nun, mga 7am, from P.Noval hanggang Makati, kaya pa ng before 8am. Ang daan kasi niya, deretchong Lacson, tapos Nagtahan, tapos kaliwa sa may Quirino/SLEX highway then Buendia na then ikot sa MSE/Paseo de Roxas. Bale tatahakin niya yun halos buong Buendia. Most of the time, it works. Tapos pag aalis ka mga 9am, wala na terminal sa may P.Noval, pupunta ka mismo sa Quiapo church at may terminal sila sa may BPI. Ayun, pag walang trapik sa Taft Ave., doon ang daan nila. Tapos kaliwa sa may St. Scho then Ocampo then Makati ulit. Pag trapik naman sa Taft, bale Quiapo ilalim, then nagtahan.
Ganun ko na kamemorize yun daan nila. hahaha Wag ka! Di lang papuntang Makati ang silbi nito. Eh yun galing Makati ganun din. Start naman ng kuha nila eh sa may MSE/Ayala Ave., tapos ikot sila sa Columns tapos derecho na gaya nun sinabi ko. Sa umaga, lalo na pag galing mga call center, ang daan ng bus, taft eh tapos ang dulo Central or UST.
Masarap sumakay dito pag pauwi na, yun nga lang, tatantsahan mo yun oras. Pag ang uwi mo, before 5pm, dito ang best bus puntang QC. Kasi shortcut na sila sa Nagtahan tapos UST na eh. Pero pag 5pm na, well, sa FX suki market na ko sasakay, yun terminal nila sa MRT Ayala.. Wag ka na umaasa makakasakay ka dito ng rush hour kasi puno. Grabe, gitgitan, shortcut route kasi. hehe Ganun lagi ginagawa ko lalo na yun mga panahon na nagwork pa ko sa Makati.
Oops! Meron pa, the best part, eh yun pamasahe. From UST to Makati or vice versa, parang 25 pesos ata or 22. Tapos pag chino roces lang, eh 15 lang ata. Sulit na sulit! hahaha Di ka na sasakay ng jeep sa makati, kasi lahat ng bus stops, nandun siya saka kaunti na lang lalakarin mo sa mga building na pupuntahan mo. Lalo na sa Makati, excercise pag naligaw ka or ang layo ng lalakarin mo. hehe
What met this great bus their demise? One simple thing. The bus ban sa Manila na kailangan may garahe yun bus company ka bago ka makabiyahe. Well, wala naman silang garahe, kaya nakakalat lang sila. Gaya sa Quiapo terminal nila, ayun nakagarahe sila lagi at kaya minsan sila patrapik. Sa UST na pasikip din sa may P.Noval hanggang Navarra. Simula noon, wala na sila. Wala mang lang comeback. hehe Kaya ngayon pag pupunta Makati, pahirapan, wala na shortcut bus.
Sayang, kasi ngayon, grabe trapik sa Makati lalo na daming ginagawa kalsada at yun Skyway. Kahit yun shortcuts eh wala na. Di kagaya pag PVP, madali mapuno kaya mabilis ang biyahe.
Mabuti na lang, di na ko Makati. hahaha Pero paminsan minsan, I need to go to Makati, kaya hinahanap ko pa din itong bus na to.
Yeah, the company itself parang di naman nawala. May isang fleet pa sila kaso ang biyahe eh from SM southmall to Lawton. Nalaman ko lang eh yun kulay ng Bus ng fleet na to, parehas sa PVP. Iba din pangalan sa mas bago yun bus.
Hay, sayang yun PVP, maganda alternative pa din in these days going to Makati.
What the hell PVP stands for? Parang tubo eh. hehe
23 comments:
Hi! Kasasakay ko lang ulit today ng PVP Liner bus from Manila to Ayala. Sa Pedro Gil-Taft ako sumakay at bumaba ng Makati Stock Exchange. Bus fare is P25.00
Tinanong ko yung driver, kakabalik lang daw last Dec yung route nila from Manila-Makati. So far 6 na bus palang daw ang nakalaan para sa route na to so medyo matagal talaga ang waiting time in between buses.
Starting point daw nila from Manila is sa may SM San Lazaro, di ko lang sigurado kung doon talaga ang terminal nila or malapit sa area na yun.
Buti nalang at bumalik na sila di na hassle pumuntang makati (dati 2 sakay pa ko)
@Jeff Lim: Galing pong Makati saan po ang start nila? Thanks po.
Sa loading area sa tapat ng Makati Stock Exchange/Ayala Triangle
dun mismo sa SM san lazaro ang terminal sa drop-off area tapat ng Starbucks
What time ang alis ng bus sa morning? Thanks :)
@Jose - as of now ang schedule nila (subject to change) is 5am, 5.30am, 6.15am, 6.30am, 6.45am, 7am, 7.30am and 30 mins interval onwards
@jeff yung 5 am onwards po ba yan yung time nila sa may SM San Lazaro? salamat po
@heart Yes, di ko lang sure if 9pm or 9.30pm yung last trip nila to Makati. May dispatcher (Mang Agoy) sila naka station doon so may matatanungan ng schedule doon
yup nakita ko nga din yun PVP sa SM San Lazaro..ask ko lang pwede ko ba yung sakyan papunta Rockwell?
@Maribelle
Hindi po siya dadaan ng Rockwell
Pwede ka sumakay ng PVP then baba ka ng Makati Ave corner Gil Puyat
Then sakay ka ng Ayala-Guadalupe jeep, sabihin mo na lang kay manong driver na ibaba ka sa Rockwell (Waterfront Drive corner JP Rizal)
OR
Baba ka ng Pedro Gil-Taft
May pila ng jeep sa Pedro Gil corner Agoncillo papuntang Guadalupe
Sakyan mo yung Guadalupe Herran, dadaanan din nito yung Rockwell
Thank you for this post and to Sir Jeff Lim.. The replies where very informative.. I live near SM San Lazaro.. I am here for a review.. I really hate going to Makati because of its distance and travel time.. Just lately, I spotted buses having a sign quiapo-ayala.. I thought it was a for hire bus for employees of a private company.. So I didn't bother.. But thank God that there's now a direct link going to Makati.. Thanks for your post Sir!
Been working in Makati for the last 5 years now so we can feel each other's commuting pain. They just recently renamed their bus to "Nathaniel" not sure why though but still the same red/white bus paint
Saan po mismo sa UST ang sakayan? :) another question, may terminal po ba ito sa makati?
What time po daan sa makati stock pag gabi?
Dumadaan po ba sya ng Paseo?
Bus leaves from SM San Lazaro > passes through Quezon Blvd, Quiapo, Lawton, Taft Avenue > then turns left at Pablo Ocampo (after DLSU) > passes through Bautista St > turns left at Gil Puyat avenue towards Makati direction > turns right at Makati Ave > pass through Paseo de Roxas intersection > then turns right at Ayala Ave (last stop) > then picks up passengers in Ayala Triangle loading bay > traverses the same route back to SM San Lazaro
@Jeff as of this moment po ba ganun pa rin po un time nila from sm san lazaro? (5am from the comment above)
Parang nag change sila ulit ng schedule
5.20 am na yata first trip then
5.50
6.10
6.20
6.30
7.00
30 mins inverval onwards
My byahe po kaya sila ng 10am or s hapon?what time kaya?
Hindi na po ba sila dumadaan ng Nagtahan/Quirino/zamora? dati PVP sinasakyan namin, sa zamora lang kami nakatira. Thank
Panfilo V. Pajarillo.
Post a Comment