Wednesday, May 6, 2009

The welcome experience

Eto nababaliw na ko dahil sa shop. hehe Ano pa ba magagawa ko? Kahit Sunday day off ko kinuha na because of our new shop. Hmmmm ayun, di pa kami nagkikita ng mga brothers ko. Di pa ako nakakabawi.�

About our new shop in welcome supermart, ok naman. Kahit kaunti na lang bumibili, malaki ang potential, lalo nagstable na, feeling ko babagsak ang kalaban. Parang si Ricky Hatton. Hehe�

Speaking of Ricky Hatton who got whacked at the second round by the great Pacman, eh napanood ko na lang sa welcome. Nung 12pm, tinext na ko ni Al na matindi yun KO ni Money este Manny. Hehehe Mas matindi pa daw sa KO ni Donaire yun kay Pacman. Sabi ko, sobra naman ata yun. Si Darchinyan bulagta nga paano yun kay Ricky Hatton. Edi, ayun hinintay ko na lang sa supermarket kasi may TV.�

Our new stall, is kinda small but loaded I can sense the potential of it, there will be a time that it may beat the sales of our old stalls. hehe

I just hope this will go well, let's keep our fingers crossed. Anyway, ayun, mga 2pm na nagstart yun laban. Nangangamoy tama balita ni Al, dahil sa sobrang dami ng ads, kaunti galaw lang commercial na agad. Hehe so it took 30 minutes to start the first round. Then, Pacman unleash his bombs right away and Ricky is always moving forward, punch then clinch. Pero ang masama, habang yumayakap si Hitman, eh nasapak na siya ng tatlong beses, at puro power punches pa, walang jab. Nung napabagsak ng dalawang beses si Hatton, dun na ko naniwala, na dalawang round lang to. Ang mali kasi ni Hatton di siya kondisyon saka walang defense or change tactic. Of course, maraming ads ulit. Grabe, nalugi talaga ata yun nagpaadvertise. Hehe�

Second round came at ayun nung una, kala ko makabawi si Hitman pero sa sobrang lakas at speed ni Pacman, parang di niya alam na kinakarne na siya. Hehe Walang medya medya kay Pacman at ayun, kung kailan patapos yun second round, nagulat ako na biglang humiga na lang siya. Hehe Ganun kabilis and malakas si Pacquiao. Totoong maganda yun KO niya, kasi di lang bulagta, naospital si Hatton agad. Kahit masakit daw kamay niya, eh anak ng tokwa, buti nga yun lang nangyari sa kanya, paano kung basag panga niya. Hehe Saka tinapos niya agad yun laban, kundi, si Pacman ang talo.�

Well, siyempre lahat na nanood sobrang tuwa, lalo sa bawat sapak niya nagsisigawan lahat. Hehe Iba talaga si Pacquiao, hall of fame na to, greatest Filipino boxer. Iba kasi yun aura niya pag nasa ring. After that, ayun balik lahat sa pwesto parang walang nangyari. Hehe Tinapos ko na yun pagaudit ng report saka introducing yun shop. Tapos nagsara kami, actually ako ang pinakahuli lumabas sa supermart dahil sa inventory. Naks. Hehe I went home alone then do some nut jobs then slept. Here I am, very very drained. I hope I can manage that place in the future and hope for the best. Ako mismo ang tatapos sa kanila! hehe.

2 ads that I really hate that day, the NDCC ad na parang political ad and ako mismo, social awareness celebrity crap. Hehe�

Kahit si Ramon Bautista natawa kasi tinawag siyang internet celebrity. hehehe Ayon sa brewrats show.�

Ika nga ni Kuya Alpro, sabi daw ni Ricky Hatton, "It was a bloody fight".�

Bloody hell indeed.�

No comments: