Monday, May 3, 2010

boto

ano nga ba.

Hmmmm malapit na malaman kung san kangkungan este daan pala ang mararating ng bansang to.

Sa susunod na lunes na pala ang isa sa mga importanteng gawain ng isang mamamayang Pilipino.. ang bumoto. Vote.

Election. Eleksyon. Ika nga sa eskwela, pipili na tayo ng class president hanggang sgt. at arms, o kagawad ng kalinisan, o kahit katahimikan. Diyos ko. Kadami naman atang posisyon. hehe

Sa ngayon, malamang sure na ko sa President at VP, pero yun sa 12 alipores, wala pa ko naiisip..

Natanto ko lang, ayun sa mahiwagang surbey, may mga sigurado na, pero yun iba nakakagulat. Lalo na yun mga nakakulong. Sa totoo lang, dati bumuto ako sa isang nakukulong dati, parang naisip ko, naloko ata ako. hehehe

Dapat talaga naman, wag na iboto yun ibang di naman makikita sa session hall. Please lang.

Oh pano naman yun iba, na naku, style talaga.. Dahil may apelido na, takbo agad na senador, o kahit may experience sa tong este congressman eh senador na agad. Ayos.. Ewan ko ba.. Sana ginawa ni Sir Lopez na iraid yun batasan at barilin yun mga hayop na yan. hehe May rebulto na malamang sa UST yun pag nagawa niya. hehe

Ah, may bagong style yun iba.. May silbi din ang comelec. A valiant stand against so called Party list.

Well, natawa ako dati na may nagbabalak magtayo ang party list ng mga sabungero. hehe Pero may point sila. At least, they have colorum o association..

Yun iba, takot lang lumaban sa current congressman, ang escape route? Tayo ng party list. Ayos di ba? Wow. At ang pinaka nakakainis eh yun mga party list na may A lang sa una, o number na lang. Naman, magisip naman tayo ha.

Grabe talaga yun mga yun, sabi nga ni dating Justice Gonzalez, na yun mga ganun party list, dapat iaudit. San naman kasi napupunta yun pork barrel, pangrally? Wow.. hehe

O eto pa, nakalimutan ako kung alin partylist yun.. Represents mga magsasaka pero yun congressman, naka land cruiser ata. Ayos, parang gusto ko din magtayo ng Party List!!! hehe

24 hour party people!! Samahan mahilig magparty. How's that. hehe

However, comelec is not good. Naman, yun website nila palpak, tumawag pa ko sa comelec para iverify na registered pa ba ako.

Kakabanas, tapos nung tinanong ko kung pwede humingi ng proof na nakaregister ako, sabi ba naman, depende kung busy sila.

Bwisit.. Ganyan na lang ba ang gobyerno natin, ni simpleng inquiry pahirapan pa. Kung sumagot pa, sila ang galit.

Dapat sila icalibrate eh. Meaning sa call center ops, retraining ang mga govt employees.

Hay, mahaba ito pag inisa ko pa yun kapalpakan ng gobyerno natin. Pano pa kaya yun mga kandidato natin?

Kaya sana lang.. Lahat tayo ay bumoto ng tama. I won't endorse somebody, kasi siyempre we have freedom to choose the one we like..

Pero ngayon, di lang yun gusto natin ang kailangan piliin natin, kundi yun mga lider na magbubuklod sa atin lahat at dalin sa tamang direksyon.

Di ko naman hinihingi na maging maayos agad in the next 3-6 years, pero may pagbabago, at tamang pagbabago..

Yun lang.. At yun lider na susunod ang lahat ng mga sinasakupan niya.

Di naman siya lider kung di lahat susunod sa kanya. O lalo na, kung una ang sarili niya bago ang bayan, lalo magiging masama ang sitwasyon nun, susunod ang mga alipores niya. Kanyang kanya diskarte na. Siyempre, nakaw, o palakasan kasi malakas ang kapit. Dapat wala na yun eh. Dapat tanggalin na sa gobyerno natin ang ganun ugali.

Kaso malabo yun, lalo na ang humawak sa tin ng isang dekada. Grabe, small but terrible. hehe

Wow.

Tigil putukan muna ngayon. Siguro may dalawa pa, at siyempre, di ko palalampasin ang susunod ng Lunes.

High tech na din kaya ang dayaan? =)

No comments: