Dati sa election, dalawa lang ang klase ng kandidato, ang nanalo at ang nadaya daw.
Tapos na yun, at eto na ngayon...
Nung narinig at nakita na walang nagkakagulo sa canvassing parang tulala lahat. Di kagaya dati na nagkakagulo, ni ayaw pabukas yun balot box kahit binilang na matino..
Ngayon walang lusot. hehe
Well, masasabi pa din may daya, pero di sa botohan, eh nandiyan pa din yun vote buying, flying voter, at iba pa. Nung ako nga bumoto, di na ko hiningan ng ID, wala pang picture sa voters list, so pwede pa din makalusot.
Pero yun matinding dayaan, like hello garci o kahit dagdag bawas, wala na.
Credible? Hmmm almost naman, kasi mabilis at deretcho. Wala na humaharang, except siyempre sa Mindanao na, well, no need to explain. Scary in times of election..
Pero all in all naman mukhang ganito na dapat ang eleksyon.. Di magulo saka mabilis saka siyempre credible.
Pero marami pang kakainin bigas yun comelec. Number one ayusin yun voter's list. Dos, yun clustering of precincts parang di fair, eh yun presinto ko walang tao samantalang yun kabilang presinto ko, hanggang hapon, parang may sine pa din. O kahit na lang sa ibang lugar dapat maayos na nila yun..
O kahit lakihan na lang yun venue para maayos. Di yun classroom lang tapos nagsisiksikan yun mga tao.
Ah siyempre, yun balota, dapat talaga investigate yun party list, grabe, mas mahaba pa sila combined yun president, VP, senators saka local officials. Grabe. hehe Smartmatic? Di dapat sila next election.
Yun lang pero ok na to.. Ah naging peaceful pala.. Kahit papano wala naman balita na nagpapatayan dahil lang sa ballot box.
O kaya nagkagulo sa bilangan at ang kinakatakot ng lahat, brownout sa election. Well, naisip siguro ng meralco na di rin epektib. hehe
Ok naman lahat, improvement lang saka changes sa process. Like PDI headlines says, "Fast counting stuns Nation"
Another drastic yet good change...
Candidates conceding just days after ng bilangan.. Even without the official results
Siyempre kung mabilis ang bilangan, alam na ng kandidato na talo na sila. hehe
Pero nakakapanibago, parang nung pinapanood ko si Villar na nagcoconcede, setting aside his pride and ego, parang enlighting. Wow.. Then sumunod na yun iba parang wala lang. That's what you call professional. They accept defeat and truth. Unlike me. hehe
Except yun isa na hanggang ngayon, nadaya daw siya. Naman, ayaw pa tumanggap ng pagkatalo.
Maganda din simula yun sa mga politiko natin, kung talo talaga, tanggappin na lang. Kasi dati, magwawala pa, parang di pa tapos ang laban kahit may resulta na, naku di na pwede yan ngayon. hehe Sana din, wag naman sila magkasakit pag natalo. Wag damdamin ha.
Marami na kasi namatay dahil natalo sa eleksyon.
Civil groups na din at iba pa na nakitulong na din tumulong sa eleksyon. Akalain mo marami na pala may kopya ng ER so natratrack na nila. At may napansin ako, nung walang NAMFREL, parang mas ok yun election. Wala lang. Parang iba this time. hehe When PPCRV stepped in, parang mas ayos. I don't know why..
Well, formality na lang ang ginagawa ngayon ng comelec at iniintay na lang yun congress gumawa ng canvassing for the 2 main positions, president at VP..
Very fast. Wow. Wala pang isang linggo tapos na to..
At oo naman, nakabili na ko ng B.O.T.O sa Subway, kala ko di ako aabot kanina. 1st break. hehe Ang sarap, sulit ang tatlong beses ako bumalik sa kanila. hehe
Teka, sino ba binoto ko?
No comments:
Post a Comment