Noong tumititig lang ako sa stante ko, naka tanga at tinitignan ko yun mga paninda ko, naisip ko talagang may plan ako magnegosyo dati pa...
I mean, naalala ko lang. Nung bata pa kasi ako, may isang summer yun, parang GS ata ako. Di ko lang maalala kung bakit maraming mani, banana chips, butong pakwan na nakabalot sa maliit na plastic tapos naka stapler sa karton. Yun parang tingi tingi na huhugutin na lang pag may bumili.
I'm puzzled how those thing displayed in our project 7 house. Well, biglang naisip ko nung bata na magbenta! Di ko nga lang alam kung bakit ko naisip yun samantala, tamad naman ako nung bata. hehe
Bigla din naisip ko na sa green na gate ako pwesto ng shop. Kakamiss din yun gate na yun, lumalambitin kasi ako dun eh. hehe Pero dun sa araw na yun, maliit na tindahan muna ng mga candy at banana chips, at mga mani.
Parang mali pa ata yun strategy ko nun araw na yun, kasi parang hapon lang ako nagbukas, tapos siyempre wala naman papansin sa tindahan. Hehe May bumili naman, mga dalawa siguro tapos 3 piso lang ang benta. Ang galing naman ng salesman, accountant, manager, parang may pambayad pwesto ha.
Ayun pagkatapos ng araw na yun, napagod na ko. Parang wala lang tapos yun tatlong piso, parang pinambili ko na din kila Mang Doms (yun tindahan sa basketball court). Yun mga paninda, di ko na binalikan, iniwan ko na sa sala.
Wala na sumunod, batugan na naman ako. hehe Pero bata pa naman ako nun.
Di ko akalain paglaki ko, yun pala kahit papano bubuhay sa kin. Lalo na last year. Aba, pag wala yun, baka sa kangkungan ako pupulitin. hehe
Tapos ngayon isang taon na pala ang shop. Parang naisip, maybe I was born to be a retailer. Or handle a business. Siyempre, not act like what I did when I was a kid. hehe
Kahit ako nagulat, di ko akalain na magbebenta pala ako. Kahit tahimik naman ako. hehe
Di ko akalain na hahawak ako ng sarili kong shop. Kahit may kulang pa ko sa shop, balang araw, o sana this year, complete na ko sa shop. I mean, asset na lahat for me, kahit sa huling gamit na pangbenta diyan. Akin.
Mahirap din pinagdaanan, di yun mula nun bata, yun last year.
Sa negosyo pala kailangan di lang sipag at tiyaga, kundi maraming sipag at tiyaga. hehe Sipag na bumenta, magayos ng tindahan, magisip ng promo, tignan kung may kulang sa paninda saka siyempre pondo. Tiyaga na maghintay lumakas ng benta, maghintay na may mga araw na talagang wala, at may araw naman na sobrang lakas. hehe Tiyaga makisama di lang sa customer, pati na din sa empleyado kahit isa lang. Aba, kahit isa lang kailangan maganda naman ang pakikitungo di ba.
Tiyaga din na marating ang plano mo sa negosyo. Maghintay kung baga at mararating din yan.
Nung naisip ko nun bata hanggang ngayon, siguro eto sa mga isang nasa plano ko na sa buhay, kahit di naman talaga nakaplano dati. Kakatuwa. hehe
Lalo na ang tinapos ko sa college? Business Admin. Wow. hahaha
At least, di naman banana chips o mani ang binebenta ko..
No comments:
Post a Comment