Ah this is not pertaining to Kate Winslet's hair in Eternal Sunshine.. hehe But I do like the name, so I named after to my reliable 5130.
I gave my sapphire vault a rest.. Besides, tapos na siya, pero nandito pa din siya. May sentimental value kasi saka may mga nakatago dun di pwede mawala. hehe
Bakit ako kumuha ng 5130? Well, nasawa na ko sa music player ng 6300 and besides, parang mahina yun headset. Nakita ko yun specs ng 5130 and marami din gumagamit so parang maganda naman. Saka di ko pa natry yun xpress music.
Nung nakita ko yun headset, may 3.5mm adaptor, so sabi ko pwede yun mga astig na headset. In the future ha. hehe Kuha na ko.
Panalo pala tong model. Hahaha
May same OS siya ng 6300 na mas pinaganda. Saka gusto ko yun bilis ng loading ng kanta. Sa sobrang bilis o walang skip, parang sawa na ko sa dinownload ko. hehe Di gaya dati kasi sa sapphire eh tumatagal ng 1 week yun mga nilagay ko. Ngayon sa 5130 parang dalawang araw lang, palitan ko na yun dinownload ko. hehe
One touch button din yun music player saka eto ang gusto ko sa phone na to. Yun sounds. Panalo. Malinaw saka malakas. hehe Sayang nga, after 1 week nun nabili ko to, yun binentahan ko nito may speaker pang kasama. Bad trip. hehe
Pero ok lang di ko na balak maglagay ng speaker sa kwarto ko. Unlike those HS and college days may component pa ko maliit tapos CD player, ngayon? Wala na. hehe
Ayos din yun design ng 5130 pero mas trip ko pa din yun sapphire kasi mas maliit and fit. Yun blue ruin eh maganda design kaso medyo malaki eh..
Gusto ko din yun theme ng ruin, medyo flashy ang dating saka futuristic kung baga. hehe Ewan ko yun ang description ko..
Saka kaya niya 2gb, kaso pinagiisipan ko pa kung talagang 2gb ilalagay ko. hahahaha
Speaker? Ah yes, panalo. Parang tatagal siya unlike sa vault na after a while, unti unti nagiging sabok yun sounds. Eto, mukhang di bibigay yun speaker.
Headset? Mas panalo naman ito siyempre. hehe Tama lang saka mas tatagal eto, unlike yun headset ng sapphire eh humihina pag tagal. Mas panget pag bumili ka pa sa class A. hehe
Well, ok talaga ito, I can't say na mahihigitan niya yun vault. Well camera kasi parehas lang sila. Wala naman ibang features na kakaiba, pero ok yun contacts section ng blue ruin ha. Type lang yun pangalan nagmatch na agad. Mas ayos yun..
Definitely, I won't sell this after it's life ends. Pero sulit siya. Talagang sulit, kasi ang price niya, 1/3 lang sa unang labas ng sapphire vault. hehe
I love Blue, and I love Blue Ruin. The only blue part is at the sides of it. hehe
Neon light blue whatsoever..
No comments:
Post a Comment